Joross Gamboa on working with Jackie Rice: "Solb na solb! Pero baka humingi pa rin ako ng extra rice!"

IMAGE 0


"Si Jackie naman kasi, maganda naman kasi, professional, magaling umarte, at saka down-to-earth. At ang maganda sa kanya, kapag pinapayungan mo, okey lang siya, cowboy siya," says Joross Gamboa about leading lady Jackie Rice.


Ever since, naging very open naman ang dating Kapamilya star na si Joross Gamboa sa pagsasabing isa sa mga gusto niyang makasama at makapareha sa GMA-7 ay si Jackie Rice.

His wish came true dahil kahit muntik nang hindi matuloy ang pagtatambal nila ay nagawan pa rin ito ng paraan at sila nga ang magkapareha sa season-ender ng Dear Friend, ang "Tisay."

"Solb na solb!" nakangiting biro ni Joross nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) how is it working with Jackie, sabay dagdag na: "Pero baka humingi pa rin ako ng extra rice!"

Kilala si Joross sa pagiging friendly at makulit sa kanyang co-stars kaya naman kahit bago pa lang siya sa bakuran ng GMA-7 ay nagagawa na niyang maging at ease halos sa lahat.

"Sa totoo lang, masaya ngang katrabaho si Jackie. Magaling din and siyempre, mga cast din at sana makatrabaho ko rin sila sa ibang projects," sabi niya.

Ngayong nagkatambal na sila ni Jackie ay natupad na rin ang isa sa wish niya.

"Masaya ako dahil natupad din dahil dati nga, nababanggit ko na isa sa gusto kong maka-partner talaga, si Jackie. Isa siya sa talagang gusto kong makapareha sa GMA at nagpapasalamat naman ako na pinagbigyan nila ako na makapareha siya," saad niya.

Aware ba si Jackie na gusto ni Joross na makatambal siya nito?

"Yes, parang nalaman niya yata dahil sa interview ko sa Showbiz Central," sagot ni Joross. "Hindi niya napanood, pero parang ang dami raw yatang nagte-text sa kanya. Siguro yung dating, kapag nagkikita kami sa taping, sabi ko, magpapa-autograph ako sa kanya. Akala niya siguro nagbibiro lang ako na papapirmahan ko yung FHM magazine niya."

Sa ngayon ay parehong may kasintahan sina Joross at Jackie na pareho ring non-showbiz. Kung nagkataon kayang wala siyang commitment sa iba, posible bang ligawan ni Joross si Jackie o itong pagtatambal nila might lead to something special?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede rin," mabilis naman niyang sagot. "Pero siyempre, hindi ko rin naman na kinuha ang cell phone number niya kasi may girlfriend ako. May boyfriend siya."

Biro namin, parang napaka-straight na yata niya ngayon?

"Siyempre, nag-mellow na!" natatawang sagot niya. "Si Jackie naman kasi, maganda naman kasi, professional, magaling umarte, at saka down-to-earth. At ang maganda sa kanya, kapag pinapayungan mo, okey lang siya, cowboy siya."

Joross's girlfriend is an international model. So we asked him kung hindi ba nagiging dahilan ng selos o tampuhan nila ng non-showbiz girlfriend kapag very open siya sa pag-admire naman sa ibang girls?

"Hindi naman, hindi naman siya selosa," sagot ni Joross. "At saka kapag may kissing scene nga ako, gusto pa niyang mapanood. Mas ako pa ang nagtatakip ng mata niya. Parang ako ang nahihiya. Siguro kasi, alam naman niya ang trabaho ko bago pa man kami magkakilala."

AT HOME WITH GMA-7. Joross plays the role of Adrian in "Tisay.

"Actually yung role ko rito, hindi ganun kahirap anuhin...mayaman, mabait, galing sa mayamang pamilya, may gusto kay Jackie, tapat magmahal. Pero ang mahirap lang dito, yung sitwasyon ng character ko. May conflict siya na hindi ko muna sasabihin. At yun ang twist dun."

Dagdag ni Joross, "Actually, noong nabasa ko una yung script, nagustuhan ko agad, maganda talaga siya. May challenge."

How does he feel na paglipat niya sa GMA-7, magaganda at sunod-sunud halos ang mga projects na nagagawa niya?

"Sobrang thankful sa blessing na ibinibigay at sana magtuluy-tuloy. Kung anong ibinibigay nila sa akin, pagbubutihan ko talaga," sabi niya.

At home na ba siya sa GMA-7?

"Sa ngayon, masasabi ko na medyo wala na ang ilang kasi 'eto na yung first na nakatrabaho ko, halos GMA lahat. Kasi yung mga SRO at First Time, sina Kuya Bayani [Agbayani], Kuya Ian [Veneracion], dati ko pang nakakasama. Eto yung new faces lahat, new atmosphere, kaya bago sa akin at dahan-dahan akong nagiging kumportable."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ramdam na ba niya na isa na siyang Kapuso talaga?

"Yes, nararamdaman ko na," nakangiti niyang sagot. "Ramdam ko na, pero siyempre, dahan-dahan pa rin. Okey naman kasi halos lahat mababait, very warm, hindi ka maiilang."

Sa mga panahong nababakante siya at wala siyang ginagawang shows, dumating ba siya sa point na naisip niyang baka wala nang mangyari sa career niya o he remained positive na may mga opportunities pa rin na darating?

"Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa kasi alam ko rin naman kung ano ang kaya kong gawin. Sa akin lang naman, hinihintay ko lang din time. And thankful naman ako sa GMA at siyempre, sa manager ko rin, si Kuya Noel Ferrer," nakangiting sabi ni Joross.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN