Chynna Ortaleza misses doing live performances

IMAGE 0


"Kailangan ba hindi ka homegrown para mabigyan ka ng tamang break? Or kailangan pa bang umabot sa punto na hahanap ka ng independent manager para mabigyan ng tamang treatment? Yun yung mga naisip ko, at the same time, naging eye-opener din sa akin noong mangyari yun," says Chynna Ortaleza about not being included in Party Pilipinas.


Kontrabida na naman ang ginagampanan ni Chynna Ortaleza sa season-ender episode ng Dear Friend na "Tisay." Bilang Danielle, isa siya sa magpapagulo lalo ng mundo ng bida ritong si Jackie Rice.

Kaya biro ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna, may challenge pa ba sa kanya ang pagganap ng kontrabida role?

"Meron naman!" natatawa niyang sagot sa press conference ng "Tisay" kahapon, April 14, sa Zirkoh Tomas Morato. "Actually, ang pinaka-challenge sa akin, kasi nga ginagawa ko pa ang Lourdes character ko sa The Last Prince. At si Lourdes, parang lahat ng mga tao, naa-identify siya. Kasi parang ang tawag nila sa akin, Lourdes. So, parang, 'Paano 'yan, may Dear Friend ako.' So, kailangan maiba.

"Mayaman naman ang character ko dito. Pero siyempre, kailangan kong mabigyan ng ibang dimension kasi marami naman akong mayaman na kontrabida. This time, inatake ko naman siya na kakaiba. May mga lines din na pinasok ko at yung iba dun, mga adlib na talaga," paliwanag niya.

Second time nang gumawa ng episode ni Chynna para sa Dear Friend at natutuwa siya na pang-season-ender pa ang huling nagawa niya.

MISSING LIVE PERFORMANCE. Bagamat visible naman siya sa kanyang acting projects sa TV, hindi itinatanggi ni Chynna na nami-miss niya ang pag-perform nang live, like dancing and singing. Nang magtapos kasi ang SOP ay hindi na nakasama si Chynna sa pumalit ditong show na Party Pilipinas.

"Siyempre, I've been doing it for a long time, pero mga first few Sundays that I was not doing it, parang nag-a-adjust ako. Tapos, recently, nag-[Eat] Bulaga kami ni Ryza Cenon, parang iba yung high na nakukuha ko from that. Kaya yung mga Twit ko after, 'I miss singing and dancing.' Ibang high talaga ang nakukuha," saad ni Chynna.

Totoo bang may offer na guesting sa Party Pilipinas, pero tinanggihan daw nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron yatang mga ganun, may inquiries yata. It's just that sometimes, hindi lang yata tumutugma sa sked na gine-guest kami. Sabi ko nga, kasi marami rin ang nagtatanong na paano raw kung offer na regular. Ako, sabi ko nga, why not? But I have to fix some things first before, di ba, I decide na magpa-Party Pilipinas ako. Ayoko naman din na walang napag-usapan. Masakit naman talaga na biglang matanggal na walang pag-uusap.

"Pero after sometime din na naiisip ko rin yung mga pangyayari, alam ko naman na walang kinalaman yung mga staff dun. Siguro, may mga ibang bagay lang din na kailangan kong i-address."

Being one of the most loyal Kapuso stars, pumapasok din ba sa isipan niya yung lumipat ng network, lalo't ang daming artists na naglilipatan ngayon?

"Siyempre, sumasagi rin sa isip mo yun, hindi ako magpapakaipokrito," sabi ni Chynna. "Siyempre, sumama ang loob mo. So, siguro kahit naman sigurong tao will think of ways on how you're going to improve your career.

"But siyempre, as of now, I'm always thinking of utang na loob. That GMA-7 really made me. So, I'm still happy with my dramas. In fairness to the drama department of GMA-7, they are always giving me work sa whole time na nandito ako sa GMA."

Noon pa man, very vocal din si Chynna na hosting ang isa sa gustung-gusto niyang gawin. Hindi ba siya nadi-disappoint na tila hindi siya nabibigyan ng opportunity sa larangang ito?

"Oo, gusto ko talagang mag-host. Kasi, yun talaga ang una kong talent. In fact, hindi ko nga alam noon na marunong akong umarte o ni puwede akong sumayaw. Ang alam ko talaga, kaya kong mag-host.

"Siyempre, gusto kong mag-host. Nag-aabang lang ako ng right project for that and vocal naman ako, sinasabi ko na kahit simpleng lifestyle show sa QTV 11 na magho-host ako, masaya ako," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALL-FEMALE GROUP. May grupo sila nina Ryza Cenon at LJ Reyes, ang SH3. Kumusta na ito ngayon?

"Yung grupo namin, nami-miss talaga namin. Kasi, pinaghirapan namin yun. Pero ngayon, hindi pa nga lang siya matuloy kasi, ngayon nga, alam n'yo na si LJ, aalis. Kasi kami, last year, when we were forming our group, we were already informed by LJ that she will leave middle of this year."

So, paano ang magiging plano nila ni Ryza, tuloy pa rin ba ang group nila?

"Naisip din naman kasi namin ni Ryza na wala pa rin naman kaming paglalabasan ngayon. Number one, nawalan kami ng medium, which is improving our craft here. Meron kaming by this month, mag-start na kaming mag-class sa dance, voice... Kasi, alam naman namin na marami pang deficiencies yung group namin. Siyempre, kapag lumabas kami ulit, mas maganda na kesa sa unang beses na lumabas.

"Siyempre, kakausapin namin ang kaibigan namin kung babalik pa ba siya o hindi. Kasi kung hindi na, baka we have to find another person who will take her place. Medyo mahirap, kasi siyempre, kaibigan namin. Mahirap humanap ulit ng kasundo. Pero sana, meron."

Wala bang tampo na ang grupo nila ay pop group, pero instead na sila ang na-retain ay may ibang ipinalit sa kanila?

"Tampo...siguro question lang," sagot ni Chynna. "Question lang na kailangan ba hindi ka homegrown para mabigyan ka ng tamang break? Or kailangan pa bang umabot sa punto na hahanap ka ng independent manager para mabigyan ng tamang treatment? Yun yung mga naisip ko, at the same time, naging eye-opener din sa akin noong mangyari yun."

PREGNANT ISSUE ON LJ. Sa huli, kinamusta ng PEP kay Chynna ang kaibigan niyang si LJ. Hanggang ngayon ay wala pang statement si LJ tungkol sa kanyang indefinite leave na naging daan para magkaroon ng pregnancy issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kami kasi, expected na namin yun. That's why when the news broke, parang kami, natatawa. Kasi alam na namin 'yan, e. Kung hindi namin alam na aalis siya siguro... Pero kami, nakakausap namin siya. We asked her, 'Are you okay?' Sabi naman niya sa amin, okey siya. Wala namang problema.

"Tinanong din namin kung ano ba itong mga nagaganap. Siyempre, bilang kaibigan, ipagtatanggol namin siya. Tapos, sabi ko rin, 'Kita tayo bago ka aalis.' By the end of April aalis na siya. Pero for sure, magkikita pa raw kami," lahad ni Chynna.

So, would she say na hindi pa rin definite o klaro sa kanila kung totoo nga ba ang mga isyu ngayon kay LJ?

"Well, sabi naman niya, okay naman siya. Wala namang problema. At sa akin naman, not an issue kung pregnant man. E, di, happy kami. Magkakaroon kami ng maliit na LJ. Kung hindi siya buntis, okey rin. Hindi siya malaking bagay. Nagkataon lang na kami ang natatanong, kasi ganun naman. Siyempre, kaibigan namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN