Joem Bascon on girlfriend Meryll Soriano: "Lahat ng hinahanap ko sa isang girl, nasa kanya na."

IMAGE 0


"Happy kami kung ano ang mayroon kami ngayon. Kung ano ang ginagawa namin together, we're very happy on that. Wala pa naman kaming plans kung ile-level up o iaangat namin sa isa pang level yung relationship namin. What's important is that masaya kami," says Joem Bascon about his relationship with Meryll Soriano.


Isa sa karakter na tumatak sa teleseryeng Habang May Buhay ay ang role ni Joem Bascon bilang Nathan/Raon. Aminado si Joem na malaki ang naging tulong ng Habang May Buhay para mahasa ang husay niya sa pag-arte.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa huling taping day ng Habang May Buhay, ipinahayag niya ang nararamdamang saya at lungkot sa pagtatapos ng kanilang teleserye na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

"Siyempre masaya, at the same time malungkot," umpisa niya. "At long last matatapos na namin, kasi isang taon na kaming nagte-taping. Masaya kami kasi at least nakapagtapos kami ng isang teleserye, pero medyo malungkot kasi yung bonding namin ng buong cast, ng buong staff na isang taon naming pinagsamahan, para na kasi kaming isang pamilya dito.

"Happy rin kami kasi nagbunga yung pinaghirapan namin, yung ilang taon na pag-aayos nila dun sa istorya, sa script, tapos sa casting pa na halos tumagal ng three years. So, very happy ako na matatapos na."

Hindi naman itinatago ni Joem na noong una niyang makaeksena si Judy Ann sa Habang May Buhay ay star-struck siya at na-intimdate sa mahusay na aktres.

"Na-star-struck ako nung first time na nakaeksena ko siya, kinabahan ako. Pero ang inilagay ko sa isip ko, kailangang pagbutihan ko ang trabaho ko. Sobrang happy ako kasi ang dami kong natutuhan sa kanya, sincere kasi siyang umarte. Hindi ka magkakaproblema pag kasama mo siya, pag kayo ang magkaeksena," saad ni Joem tungkol sa young superstar.

Ngayong more than two months nang buntis si Juday, aminado si Joem na ang kalagayan ng aktres ang isa sa rason kung bakit kailangan na ring madaliing tapusin ang Habang May Buhay.

"Actually I think isa na yun sa reasons," sabi ng aktor. "Pero siyempre, gaya ng sinabi ko, we really have to finish na rin the teleserye kasi nga isang taon na kaming nagte-taping, magkaroon na sana ng closure yung isang taon na ginagawa namin. Baka kasi kung tumagal na naman kami, baka ma-extend na naman kami ng isang taon pa para lang sa ending."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MERYLL SORIANO. Kinumusta rin ng PEP kay Joem ang relasyon niya kay Meryll Soriano. Totoo ba ang balitang nagli-live-in na raw sila?

"Okey naman kami, we're very happy," sagot ni Joem. "No, hindi kami nagli-live-in. Minsan nag-i-stay ako sa house nila, pero umuuwi pa rin naman ako. I believe na kung oras na ninyo at gustung-gusto n'yo na talagang magsama, bakit hindi? Right now, hindi pa namin ginagawa yun. May work kami pareho tapos hindi naman nagtutugma yung sked namin. Pag may chance talaga, pumupunta ako sa kanila. Yun na kumbaga yung pambawi ko sa mga oras na nawala."

Hindi kaya kasal na kasi ang pinag-uusapan nila?

"Wala pa," sabi ni Joem. "Happy kami kung ano ang mayroon kami ngayon. Kung ano ang ginagawa namin together, we're very happy on that. Wala pa naman kaming plans kung ile-level up o iaangat namin sa isa pang level yung relationship namin. What's important is that masaya kami. For me kasi, very special na tao si Meme [palayaw ni Meryll]. Lahat ng hinahanap ko sa isang girl, nasa kanya na."

Kung saka-sakali na mauwi nga sa kasalan ang lahat, may balak kaya si Joem na i-adopt legally ang anak ni Meryll kay Bernard Palanca na si Elijah?

"Adopting Elijah, kasama naman talaga yun, someday in the future. Kahit di mo na itanong."

Handa ba siya kung dumating ang isang araw na bigla siyang kausapin ni Bernard?

"Okey naman sa akin, wala namang problema. Wala naman kaming ginagawang masama ni Meryll. Kaibigan ko naman si BJ before pa. Nagkasama kami sa isang show before sa isang istasyon and I can say na okey naman kami, wala namang problema. Pag nagkikita kami, 'O, pare.' Batian lang."

Ayon kay Joem, maayos din ang relasyon niya sa ama ni Meryll na si Willie Revillame.

"Di kami masyadong nagkikita ni Pappy, nagkikita kami pag may mga okasyon lang, pero okey naman kami. Very warm naman siya pag nagkikita kami, siguro nakikita naman niya na masaya naman kami ni Meme."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN