Jay Perillo says there's nothing more to his closeness with Kris Bernal

IMAGE 0


"Ayoko naman pong magsalita ng tapos na hindi ko siya liligawan, pero ngayon, wala po talaga," says Jay Perillo when asked if he intends to court Kris Bernal.


Masaya si Jay Perillo dahil hindi man siya ang nanalo sa Are You The Next Big Star? ay hindi pa rin siya pinababayaan ng GMA-7 dahil sa mga show na patuloy na ibinibigay sa kanya.

This time, hindi na lamang sa pagkanta nalilinya si Jay dahil kasama siya sa season-ender ng Dear Friend na "Tisay," na magsisimula this Sunday, April 18, after Party Pilipinas.

"Sobrang thankful po ako. Yung dati nga po, nagpapasalamat na ako sa Bandaoke at SOP. Well, ngayon nga po, 'eto, dumating yung Dear Friend at yung bagong show po namin na Comedy Bar. This time po, kakanta po ako dun with Bandaoke Band. Since wala po kaming bokalistang babae, kahit po kantang pambabae, kakantahin ko po," sabi ni Jay nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people sa presscon ng "Tisay."

Dito sa episode ng Dear Friend, hindi naman daw siya singer kundi isang aktor.

"Ako po yung kaibigan ni Joross [Gamboa] na mayabang, presko. Tapos may gusto po ako kay Tisay [Jackie Rice], pero masama po ang intensiyon ko sa kanya. Hanggang sa kami po ni Chynna Ortaleza, magkakasabwatan para masira ang relasyon nila.

"This time po, ang matinding challenge sa akin... Kasi po ang upbringing sa akin ng mga magulang ko, kailangan ang babae irespeto ko. Kasi ang tatay ko, parang prinsesa ang turing sa nanay ko. Ngayon, dito, may mga eksena po ako na kailangan kong hawakan si Jackie, yakapin ko, hahalikan ko sa may leeg, dun po ako naiilang nang todo. Naiilang po ako kasi, noon ko lang din po siya nakilala."

Paano niya na-overcome ang pag-aalinlangan?

"Noong time po na kinausap nila ako, sinabi po nila na, 'Hindi puwedeng mag-take two, ha. Kasi, uulan, basang-basa kayo'. Parang sabi ko, 'Sige, bahala na kung ano ang mangyari. Sorry na lang kung mababastos si Jackie, pero kailangan ko talagang gawin ito'.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After the take naman po, nag-sorry po ako sa kanya nang sobra. Okey lang naman daw po kasi nakabawi rin siya kasi sinampal niya ako nang sobra!" natatawang kuwento ni Jay.

PARTY PILIPINAS. This Sunday rin ay magsisimula na rin daw siyang maging regular performer sa Party Pilipinas. Isa siya sa mga hindi na-retain from SOP nang magkaroon ng bagong Sunday musical-variety show ang GMA-7.

"In fairness, nagulat nga rin po ako sa kanila. Pero kagabi lang, tinext po ako ng manager ko na, 'Jay, this Sunday, sa Dagupan ang Party Pilipinas'. Nagtanong po ako, 'Regular ba 'yan?' Tapos yun nga po, ang sabi, as regular na. So, ang saya ng birthday ko, di ba?" bulalas niya.

Sa Linggo, April 18, ang 22nd birthday ni Jay.

CLOSE WITH KRIS BERNAL. Natawa naman si Jay nang ipaalaala namin ang ilan sa mga status na pinu-post niya sa Facebook account niya at mga comment na ipinu-post naman ng friends niya. We told him na alam naming in love siya ngayon.

"Siguro po, busilak lang ang puso ko!" natatawa naman niyang sabi.

In love nga ba siya ngayon?

"Ayos lang. Ayos lang po ako ngayon. In fact, masaya po ako sa mga tao sa paligid ko," sagot niya.

Pero itinanggi niyang may girlfriend siya o may nililigawan siya. Natawa lang siya nang sabihin namin na halata namang in love siya sa mga ipinu-post niyang status sa kanyang Facebook page.

"Mahilig lang po talaga ako sa mga ganun, quote-quote po," sabi niya. "Wala po talaga akong nagiging girlfriend ngayon or nililigawan. Nagiging ka-close lang po."

Later on, sa kakakulit sa kanya, inamin din niyang taga-showbiz ang nakaka-close niya at ito ay walang iba kundi ang young actress na si Kris Bernal.

"Ka-close ko lang po talaga siya. Actually, nagkakaroon na ng certain issues about us, pero palagi ko naman pong sinasagot na hindi po talaga," ani Jay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, kailan nagsimula ang sinasabi niyang closeness nila?

"Matagal na rin po," sagot niya. "Pero mas lalong naging close kami nang ma-discover ko po na kapatid niya si Miguel. Longtime friend ko po siya, bunso nila actually, at hindi ko alam na kapatid niya. So, noong malaman ko po na kapatid niya. Hanggang sa magtugma-tugma na, nalaman ko po na yung mga kaibigan namin, iisa."

Posible kayang hindi niya nililigawan si Kris dahil alam niyang may Aljur Abrenica ito na ka-loveteam?

"Hindi po, hindi po," tanggi ni Jay. "Sabi ko nga po, kung ako man po ang manliligaw or may girlfriend, lalo na kung si Kris man, siyempre magiging proud po ako dun, di ba? Kahit pa may loveteam siya, iba pa rin naman po ang takbo."

Pero magiging hadlang ba ang loveteam nina Kris at Aljur upang ligawan niya ang dalaga?

"Hindi naman po. Kasi ako naman po, gusto ko po na bago ako manligaw sa isang babae, gusto ko po na may nararamdaman na ako sa kanya. Para sure na sure. Kasi, ayoko po ng relasyon na naglalaro lang. Ayoko naman pong magsalita ng tapos na hindi ko siya liligawan, pero ngayon, wala po talaga."

What about him and Aljur, kumusta naman sila?

"Okey naman po. Kapag nagkikita kami, okey naman po," sagot ni Jay.

Posibleng magkaroon ng impression ang fans nina Kris at Aljur na "kontrabida" siya sa loveteam ng dalawa?

"Last time nga po, may nagtanong sa akin ng ganun. Pero sabi ko naman, wala naman po talaga. Kung meron naman, aamin naman po ako. Definitely, aamin naman po ako, e. Sa ngayon, kung anuman ang sabihin ng ibang tao, sa kanilang opinion na po yun. Ang importante naman po, masaya po tayo pare-pareho," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN