Judy Ann Santos on hoax that she had a miscarriage: "If it's a joke, I don't think it's a good joke."

IMAGE 0


"Ito ba yung bagay na makakapagpasaya sa kanila na gumawa ng isyu na ganyan? Kung sa kanila kaya sabihin 'yan, what would they feel? Kung may isang bagay sila na matagal nilang ipinagdasal, biglang out of the blue may mga ganung balita, ano kaya ang gagawin nila?" reacts Judy Ann Santos to the Twitter post that claimed she had a miscarriage.


Marami ang nagulat at naalarma nang lumabas sa Twitter na nagkaroon daw ng miscarriage ang dalawang buwang buntis noon na si Judy Ann Santos. Sa kabila ng malisyosong balitang ito ay piniling manahimik ni Juday at ng mister niyang si Ryan Agoncillo. Si Mrs. Carol Santos, ang ina ng aktres, ang siyang nagsabi na walang katotohanan ang gawa-gawa lang ng mga taong gustong sirain ang kasiyahang nararamdaman ngayon ng mag-asawa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Juday sa last day taping ng Habang May Buhay, tinanong namin siya kung bakit nagdesisyon siyang manahimik tungkol sa kumalat na balita gayong pinag-usapan at naging malaking isyu ito sa apat na sulok ng showbiz.

"What for, e, di naman totoo," sagot niya. "Parang binigyan ko lang sila ng kaligayahan at pinatulan ko sila. Hindi naman sa nagsusuplada ako, pero sa estado ng buhay ko ngayon na napakasaya ko, bakit ako maniniwala sa isang issue na ako lang naman ang makakapagsabi na kasinungalingan dahil alam ko naman na hindi totoo? Sa akin, might as well na hindi ko na lang patulan.

"Actually, natawa na lang kami ni Rye tungkol diyan. Pero sana sa susunod, huwag namang ganun. May factor din na hindi mo alam kung concern ba o nang-iintriga lang. But if it's a joke, I don't think it's a good joke because it's one life you've been praying for the longest time."

Aminado si Juday na ikinasama talaga ng loob niya nang lumabas ang nasabing maling balita sa kanya.

"Nakakasama naman talaga ng loob," sambit niya. "Ito ba yung bagay na makakapagpasaya sa kanila na gumawa ng isyu na ganyan? Kung sa kanila kaya sabihin 'yan, what would they feel? Kung may isang bagay sila na matagal nilang ipinagdasal, biglang out of the blue may mga ganung balita, ano kaya ang gagawin nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang daming naalarma, ang daming nag-text. Pero ako, for a fact that I've never been stressed, that I never thought about it..."

Wala ring idea si Juday kung sino ang nagpasimula at nagpakalat ng nasabing mensahe sa Twitter.

"Wala, ayokong mag-isip kung sino siya o sila. Sana lang ma-satisfy niya ang sarili niya sa ginawa niya. Kung concern man, thank you. Pero kung hindi man, sana kahit isang segundo napaligaya niya ang sarili niya," sabi niya.

ENJOYING HER PREGNANCY. Masaya namang ikinuwento ni Juday sa PEP ang experiences niya ngayong buntis siya.

"Heto, parang padoble nang padoble ang size ko, malaking-malaki na ako!" tawa niya. "Na-miss ko nung Esperanza, so gusto ko siyang balikan.

"Nakakatuwa, nakakatuwang alam mong may nangyayari sa loob ng tiyan mo. Nakakakaba dahil hindi pa naman ako nagkakaroon ng kahit na anong operasyon sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, pero nandun yung mas nae-excite. Yung paggalaw ng bata... You're looking forward kung ano ang mangyayari sa iyo bawat araw, bawat linggo. May pagbabago sa katawan mo. Totoo pala yun na hindi ka mapapakali.

"Magpapa-ultrasound pa lang kami ngayong April," patuloy ni Juday. "Hindi ko kasi alam kung pang-ilang buwan malalaman kung mabigat ba yung bata...malaki na ba siya? Ayoko namang i-anticipate kung ano ang puwede ko pang malaman. Nagbabasa ako ng mga libro para lang aware ako na at this stage, medyo ganito na ang size niya.

"May mga nagtatanong kasi sa akin, especially si Yohan [her adopted daughter], 'Mommy, how big is the baby already? What is he doing inside your tummy? Is he talking, is he asking for Ate?' May ganun na siya at ang nakakatuwa, ang daming excited sa batang ito."

RYAN'S LOVE & CARE. Matagal din ang hinintay nina Juday at Ryan bago nagbuntis ang aktres. At ngayong dinadala niya ang anak, mas lalong napatunayan ng aktres ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ng asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobra-sobrang higit sa pag-aalaga yung ibinibigay niya sa akin, lahat-lahat talaga. Malambing na siya nung mag-boyfriend kami, malambing siya nung bagong kasal kami, pero doble ngayon. Kaya siguro hindi ko natitiis na hindi siya nakikita. Tine-text ko siya, tinatanong ko kung hindi pa ba siya tapos magtrabaho? Kung pauwi na ba siya?

"Bigla akong kumulit na normally naman hindi ko tinatanong kung nasaan na siya dahil I have so much trust on him, na hindi ko pinagdududahan kung ano ang sasabihin niya dahil yun ang pinaniniwalaan ko."

Naniniwala si Juday na maaaring napaglilihan nga niya si Ryan.

"Maaari pero mabuti na lang yung paglilihi na hinahanap ko siya, hindi ako nabubuwisit sa kanya. Hindi naman ako nabubuwisit sa amoy niya, hindi naman ako maselan."

Matagal ang sakripisyong ginawa ni Juday bago siya pumayat at naging slim. Inaasahan na ng iba na tataba uli ang aktres ngayong buntis na siya, lalo na raw pagkapanganak. Hindi naman itinago ni Juday na pinangangambahan niya ang pagtaba muli.

"Siyempre, may ganun," aniya. "Hindi naman ako ipokrita para sabihin kong hindi. Ilang taon na ako para kayanin kong magpapayat. Maybe I'm gonna take it one day at a time. Susubukan ko munang enjoy-in ang motherhood. Hindi naman kasi ako yung tipo na nagpapa-stress sa sasabihin ng iba.

"Papakiramdaman ko ang sarili ko kung kailan ko kailangan at dapat magpapayat. Pag sinabi ng konsensiya ko na, 'O, baka oras na, go! Pero kung hindi at magsa-suffer naman yung oras ko bilang a mom because of dieting and exercise, parang hindi ko kinakitaan ng tamang rason na mayroon akong isang bagay na dapat iligwak dahil lang dapat akong bumalik sa pagtatrabaho."

TWO PREGNANT WOMEN. Hindi lang si Judy Ann ang buntis sa cast ng Habang May Buhay kundi maging ang best friend na si Gladys Reyes.

"Nakakatuwa. Nung una ko ngang malaman na buntis siya, sabi ko i-text niya ako kung totoo. Ngayong nagkita kami sa taping, latang-lata siya. Ako naman yung tatawa-tawa kasi nag-umpisa na ako yung lalata-lata. Sabi ko nga, there are no two pregnancies alike, medyo nahihirapan siya ngayon," kuwento ng young superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HABANG MAY BUHAY.Isa sa proyektong pinagtuunan ng pansin ni Juday ay ang Habang May Buhay. Ngayong malapit na ang pagtatapos ng pinagbibidahang teleserye, she expressed her gratitude sa mainit na pagtanggap dito ng publiko.

"Masaya ako na malungkot," sabi niya. "Last taping day na, last day na magkakasama kami. Pero nandun yung relief dahil maayos mong natapos ang trabaho mo at may napanindigan kang isang magandang proyekto na naipakita sa televiewers. Thankful ako na ang ganda ng response sa amin ng publiko.

"Ang tagal din bago namin naipalabas, siyempre, nandun yung natatakot ka na baka they're not interested anymore, sa sobrang tagal na nag-abang ang mga tao, pero wala namang hindi nakukuha sa dasal. Sobra-sobra itong blessings na nakuha ko ngayong taon na ito at nung nakaraang taon. Nakakatuwa na nandiyan pa rin ang mga tao at nag-aabang.

"Mami-miss ko ang lahat, from the staff, sa lahat ng mga direktor na humawak sa teleserye na ito, sa mga artistang naiwan at sa pagiging loyal ng mga tao sa teleseryeng ito. I would say ang dami kong naitabi, ang dami kong naibangkong emosyon, pagmamahal, so nakakatuwa," pagtatapos ni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN