Jennylyn Mercado on Dennis Trillo: "Nagde-date kami, pero wala pang commitment."

IMAGE 0


"Well, kung gusto naming magtago, e, di sana sa Egypt na lang kami nagpunta o kaya sa Africa! Kumbaga, sa Hong Kong, okey, tanggap naming talagang maraming tao doon. Maraming Pinoy. So, ine-expect na namin na mangyayari ito," says Jennylyn Mercado about the photos of her and Dennis Trillo that came out.


Ang young actress na si Jennylyn Mercado ay co-managed na ngayon ng original business manager niyang si Becky Aguila at ng Viva Artists Agency, kung saan president si Ms. Veronique del Rosario-Corpus, na siya ring Vice President ng Viva Group of Companies.

Bagu-bago pa lang si Jennylyn sa bakuran ng Viva family niya ay naisama na siya ni Veronique sa cast ng Working Girls, ang 2010 version ni Jose Javier Reyes, na nagsasabing "tribute" niya ito sa idolo niyang National Artist for Film na si Ishmael Bernal, ang director ng original Working Girls na naging blockbuster noong 1984, at sinundan pa ng Working Girls 2.

Twenty-five years later, meron uling sequel ang nasabing Viva comedy classic, na co-produced this time with GMA Films ni Ms. Annette Gozon-Abrogar and Unitel Pictures ni Mr. Tony Gloria, na kasama sa creative team ng original version.

Masaya si Jennylyn dahil pasok siya sa cast ng film. Kasama niya sina Eugene Domingo, Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Bianca King, Eula Valdes, Gina Pareño, Maria Isabel Lopez, Carmi Martin, at Cristine Reyes, na tulad ni Jen ay under VAA rin.

Pero sa grand presscon ng Working Girls kahapon, April 14, sa Sapphire 2 ballroom ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City, kapansin-pansin ang ikalawang pag-absent ni Cristine. Ang iniintrigang "dahilan" ng absence ni Cristine—kahit noong una pa lang (na may sakit naman daw ito)—ay si Jennylyn.

Totoo bang may kinalaman si Jennylyn kaya hindi sumipot sa presscon si Cristine this time?

"Wala po, wala po akong alam diyan," pagtutuwid ni Jennylyn habang natatawa lang sa isyu. Open nga kasi ang isyu na nali-link romantically ngayon si Jennylyn kay Dennis Trillo, na nakarelasyon noon ni Cristine.

Uso rin ang pag-walkout sa presscons lately, tulad ng ginawa ni Gretchen Barretto. Natanong tuloy ang lead stars ng pelikula, kasama na si Jen, kung anong magiging dahilan sakaling mag-walkout sila sa isang presscon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa naman nagagawa yun!" tawa ni Jen. "Pero siguro, hindi na lang ako a-attend ng presscon. Pero if ever man, kaya ko naman sigurong i-handle ang mga questions na yun."

Isang single mom ang role na ginagampanan ni Jennylyn sa Working Girls kaya aniya'y nakaka-relate siya dahil sa totoong buhay ay ganoon siya kay Alex Jazz, anak niya with ex-boyfriend Patrick Garcia.

"Parang malapit sa akin yung role ko dito and nakakatuwa po talaga na napasama ako sa cast," sabi ng first StarStruck Ultimate Female Survivor. "Ang nangyari nga, dahil medyo busy po, naisasama ko na lang sa mga presscon tulad nito ang anak ko dahil bihira ko siyang makasama dahil sa work ko."

HHWW IN HONG KONG. After the open forum ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama ang iba pang entertainment press, si Jennylyn.

Nagsalita na ito sa wakas sa na-cover last week na photos nila ni Dennis Trillo na magka-holding hands, habang nagliliwaliw o namamasyal sa Hong Kong.

Pinapalabas ng ilang kampo na nagsisinungaling sina Jen at Dennis dahil sinasabi ng mga ito na group of friends silang nagpunta sa Hong Kong, at hindi lang silang dalawa.

"May mga friends kami doon, kasama namin yun. Mga anim kami lahat, gano'n," diin ni Jen. "Pero siguro, nagkataon lang talaga na kami lang ni Dennis ang magkasama that time kaya kami lang ang nakunan.

"Isa lang naman ang damit naming suot na lumabas, di ba? So, I think na isang araw lang yung nakunan, e. Wala nang ibang pictures ang lumabas. Yun pa rin 'yon. Same day, same time, and same lugar na nakunan...parehong place. So, malalaman ba nila na grupo kami? Hindi naman, e. Hindi naman sila maglalabas ng... Sana, may nakakuha ng pictures na magkakasama kaming grupo, yung marami kami, para lang makita ng mga tao na hindi kami nagsisinungaling."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Denial King and Denial Queen" ang bansag ng ilang entertainment press sa kanilang dalawa ni Dennis. Ano ang reaction niya dito?

"Okey lang, okay lang po dahil opinion nila yun, e," maikling sagot ng young actress.

Na-offend ba sila ni Dennis nang lumabas ang pictures ni Dennis na magka-holding hands pa sa Hong Kong?

"Okey rin lang, expected na namin yun, e. Alam na namin, iniisip na namin kung ano ang dapat gawin. Kasi, ang daming Pilipino sa Hong Kong.

"Well, kung gusto naming magtago, e, di sana sa Egypt na lang kami nagpunta o kaya sa Africa! Kumbaga, sa Hong Kong, okey, tanggap naming talagang maraming tao doon. Maraming Pinoy. So, ine-expect na namin na mangyayari ito," saad niya.

Expected na rin ba nilang magkakabulgaran na sa kanilang relasyon ni Dennis—kung meron man?

"Relasyon? Hindi naman kami yung relasyon na boyfriend-girlfriend, e, for now... Kasi, sa ngayon, aaminin naming nagde-date kami, pero wala pang commitment."

So, sinong gumastos sa Hong Kong?

"Hindi naman ako ang dapat na gumastos doon, e!" tawa ni Jen.

Papaano nga ba ang naging pagpaplano ng HK trip nilang 'yon?

"Nagkayayaan lang talaga kaming magkakaibigan, wala lang, bakasyon... 'Hong Kong tayo!' 'O, ano, sama ka?' 'Sama 'ko!' Gano'n lang talaga yun, wala namang mahabaang plano. Anim kami, mga gano'n lang. Naiwan ang anak ko sa yaya at kay Mama."

Aminado si Jen na madali siyang "makaray" o mayaya ng mga kaibigan pagdating sa pagbabakasyon, lalo't libre siya. Pero ang nakakaloka, wala pa silang relasyon ni Dennis, pero magka-holding hands na sila?

"Hayaan mo na!" malakas nitong tawa. "Naku, ha, naiihi na ako, Dyusko! Hahaha!"

SINGLE PARENTS. Na-meet na ba niya si Calix Andreas, ang anak ni Dennis kay Carlene Aguilar?

"Dinadala naman niya si Calix, so nakikita ko noon pa. Minsan, nakakapag-play na rin sila ni AJ," banggit ni Jen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang tawag ni Calix sa kanya?

"Ate. Yung anak ko, hindi pa nakakapagsalita, one year old pa lang. Ang napapag-usapan namin ni Dennis, yung dalawa. 'O, ano nang ginagawa ni Calix?' 'Anong ginagawa ni AJ?' Nagpe-play lang silang dalawa kung minsan."

Kailan ba nagsimula ang closeness nila ni Dennis?

"Magkaibigan na kasi kami noon pa, sa GMA. Nagka-Super Twins kami, tapos may iba pang shows, nagkasama kami sa SOP...nagba-bike kami...ganyan. Pero wala pa..."

Si Dennis na nga kaya ang susunod na lalaki sa buhay niya after Patrick?

"Wala pa akong sinasabing gano'n, pero malalaman n'yo rin yun. Malalaman n'yo naman yun, hindi namin itatago," sabi niya.

Kailan kaya ang puntong puwede na nilang aminin sa publiko ang tunay nilang relasyon, o i-describe kung ano man ang katotohanan sa kanilang dalawa ni Dennis?

"Pag talagang meron na. E, kasi ngayon, talagang wala pa, e."

Kahit na magka-holding hands?

"Wala lang yun, walang malisya yun!" tawa niyang muli.

Ano ang nagustuhan niya kay Dennis?

"Gentleman siya," maikli niyang sagot.

May isang reporter ang humirit na sinungaling daw si Dennis.

"Talaga? Kaya nga nagde-date pa lang kami, e!" tawa ni Jen. "Hindi, si Dennis, aside from gentleman, maalaga siya... Sobrang...kulang na lang ano... Importante rin sa akin ang honesty and trust. Yun kumbaga ang pinaka-foundation."

Kung sakaling maging sila ni Dennis, okey lang ba sa kanya kung sakaling i-deny siya nito?

"Okey lang... Bakit, nagde-deny na ba siya? Okey lang yun."

Pero siya, aaminin ba niya sakaling maging sila ni Dennis?

"Depende na rin sa mapapag-usapan namin. Pag-uusapan namin. Kasi, ayoko naman nung isa lang, e. 'Saka, sabi ko naman, malalaman n'yo naman, e."

Kaya niya kayang harapin si Cristine na hindi ito magseselos?

"Wala naman, e, wala talaga! Walang problema!" pagwawakas ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN