Regine Velasquez sponsors Diva child actor's corrective surgery

IMAGE 0


Regine is springing for the operation that will correct eight-year-old Jason Abergido's cleft lip. "Ayaw nga sana niyang ipaalam ito," said executive producer Camille Gomba-Montano, "pero sabi namin, ipaalam na rin niya dahil maganda naman ang layunin niya. Gusto ni Ate [Regine] na kapag maganda na si Sampaguita [her character in Diva], ipakikita rin niya na naoperahan na si Jason."


Regine Velasquez will turn 40 on Thursday, April 22. May birthday wish pa ba siya?

"Siguro, wala na, magpapasalamat na lamang ako kay Lord sa patuloy na blessings na dumarating sa akin," nakangiting wika ni Regine nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press noong Biyernes, April 16, sa taping ng kanyang kantaserye, ang Diva, sa Pureza St., Sta. Mesa, Manila.

"I don't really ask for anything... Lahat ng wishes ko noon, when I started sa showbiz in 1986, ibinigay na Niya sa akin. Lahat din naman ng mga projects na ibinibigay sa akin ng GMA Network, naging successful. Like itong Diva, kahit anong gusto kong gawin sa kantaserye, pinapayagan nilang gawin ko, of course, with the approval din ng mga writers namin. Ako ang umiisip ng eksena, ini-enhance na lamang nila."

PAYING FOR SONGS. Ayon kay Direk Dominic Zapata, mas mahal daw gawin ang Diva kaysa sa isang regular series.

"True!" sagot ni Regine. "Pinababayaan nila kasi akong mag-isip ng mga songs na babagay sa eksenang gagawin namin. Natutuwa kami kapag pumapayag ang mga artists na gamitin ang kanilang mga songs. Iyon nga lamang, medyo mahal ang pagbabayad ng mga songs na gagamitin namin... Meron namang mga songs na puwede naming gamitin nang ilang beses, ilang beses din ang bayad.

"Excited din ako kapag may mga kapwa artist na nagsasabing willing silang mag-guest sa Diva. Hinihintay na lamang naming maging available ang Parokya Ni Edgar. Sina Andrew E and April Boy, nagpasabi na rin na gusto nilang mag-guest at igagawa na lamang iyon ng story ng mga writers namin."

PROSTHETICS. Pinansin namin na malaki na ang ipinayat ni Regine.

"Hindi ko na kailangang mag-diet para pumayat. Sa araw-araw na trabaho at sa paglalagay lamang ng prosthetics na three hours, ganoon din sa pagtatanggal nito, at sa mga eksenang ipinagagawa sa akin, talagang papayat na ako," tawa ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like ngayon, five days na kaming nagti-taping kasi next week, binigyan nila ako ng one-week leave sa taping, birthday gift na nila sa akin iyon. Meron din namang eksenang kailangan naming i-tape sa morning, dahil ipalalabas na ito kinagabihan."

Hindi ba siya nagrereklamo?

"Naku, hindi, kasi ako nga ang may gusto nito. Like as Sampaguita, iyong pinapangit ko na nga ang sarili ko sa simula, dinagdagan ko pa na kinalaykay ang mukha ko kaya lalo akong pumangit. Noong una nga, dahil may mga bata kaming kasama sa show, ayaw kong magpakita sa kanila, baka matakot sila sa akin. Pero nakakatuwa, nang makita nila ako, kinantahan pa nila ako ng, 'Diva, diva, diva!'

"Mahirap lamang kapag ganitong sunud-sunod ang taping ko, parang manipis na ang skin ng face ko. Kapag tinanggal ang prosthetics, may pimples na rin ako. Pinalitan nga ang foundation na ginagamit sa akin dahil iyong unang ginamit ko, makati kapag matagal nang nakalagay sa face ko."

CORRECTIVE SURGERY FOR CLEFT LIP. Tinawag ni Regine si Jason Abergido na isa sa mga batang kasama sa show. Eight years old ito at may cleft lip. Naiintindihan naman siya kapag nagsasalita. Youngest daw siya sa 12 na magkakapatid.

Nakuha ng Diva si Jason mula sa isang talent supplier sa mga shows. Bukod sa marunong umarte, mahusay din daw itong sumayaw at ang idol niya sa pagsayaw ay si Mark Herras.

Habang nagti-take si Regine, ikinuwento ng executive producer na si Camille Gomba-Montano na sa Tuesday, April 20, dadalhin nila si Jason sa Medical Plaza sa Makati para i-schedule ang corrective surgery para sa kanyang cleft lip.

"Si Ate [tawag kay Regine ng lahat sa set] ang nangunguna sa paggastos sa operation," kuwento pa ni Camille. "Ayaw nga sana niyang ipaalam ito, pero sabi namin, ipaalam na rin niya dahil maganda naman ang layunin niya. Baka hingin din namin ang tulong ng Wish Ko Lang para mabigyan siya at mga kapatid niya ng scholarship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dumating nga rito ang nanay niya noong isang araw, umiiyak na nagpasalamat. Hindi raw niya alam na darating ang suwerte kay Jason. Gusto ni Ate na kapag maganda na si Sampaguita, ipakikita rin niya na naoperahan na si Jason."

BIRTHDAY CELEBRATION. Saan naman siya magsi-celebrate ng birthday niya?

"Sa Bohol, kasama ko ang buong family ko at ang buong family ni Ogie. Hindi ko pa alam kung saan kami roon, siguro magtig-isa kami ng Chocolate Hills," biro ni Regine.

Dahil she will turn 40 na, kailan naman siya magbubuntis?

"Naka-line-up na nga ang paglilihihan ko. Gusto ko sina Heart Evangelista, Kim Chiu, Andi Eigenmann. Pero matagal pa iyon, hindi pa puwede."

Ano ang birthday gift sa kanya ni Ogie?

"Naku, na-advance na niya ang gift sa akin, excited na raw siyang ibigay ang bag, na alam niyang iyon ang weakness ko. Huwag na lamang ninyong itanong kung anong signature bag at kung magkano."

Bago kami nag-dinner sa set, dumating ang mga fans ni Regine para sa isang surprise at bonggang birthday dinner. Ayon kay Direk Dominic, bilib daw siya sa mga fans na iyon ni Regine, dahil since nag-start sila ng taping ng Diva dumarating sila, kahit saan ang location nila, at hindi umuuwi ang mga ito hanggang hindi natatapos mag-taping si Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN