Rocco Nacino on being a "woman" in Bebot 2010: "Very interesting!"

IMAGE 0


"Masaya naman ako na slowly umaabante yung career ko. Pero ano naman kami, e, nauna lang ako. Yung iba rin, magkakaroon din ng ganitong opportunity. So, sinuwerte lang ako. Masaya naman ako na pinagbigyan ako ni God ng chance ng experience na mauna. Kumbaga yung mga napag-aaralan namin sa workshop, naa-apply ko na siya sa trabaho. Pero ewan ko kung angat na talaga... I'm not saying na mas angat ako sa kanila, nauna lang talaga," says Rocco Nacino about ha


Marami ang ginulat ng StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino nang pumayag siyang sumali sa Bebot 2010 ng Eat Bulaga! last April 10. Gaya ng iba pang male stars na sumali na sa Bebot, nagbihis-babae at kuntodo makeup din si Rocco at nakipagkumpitensiya sa kanyang mga kalaban na parang sa isang beauty contest.

Sa pagtatapos ng Bebot 2010 ay naging 1st runner-up si Rocco, na ang alyas na ginamit ay Rocca Rocca Naa Ku. Pumangalawa siya sa nanalong si Baron Geisler a.k.a. Baroness D' Goddess, 2nd runner-up si Sam YG or Shivaker a.k.a. Shivakler Bumbye-Bay, at 3rd runner-up si Paulo Avelino a.k.a. Paulina Alamnyopoba. Sumali rin siWally Bayola as Blacky Lou Blanko, pero Loyalty award lang ang nakuha niya. (CLICK HERE to read related story.)

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco ay kinumusta namin sa kanya ang naging experience niya sa Bebot 2010.

"Very interesting!" sambit niya. "Kakaiba talaga kasi naging babae ako for two hours, and kailangan ugaling babae rin kami. Nakakatawa! Ang masaya dun, napasaya namin yung tao kasi tuloy-tuloy ang tawanan noon. So, hindi siya contest, pero more of a kulitan lang. So yun ang nagpaganda dun."

Nakausap ng PEP si Rocco nang dumalaw siya at ang lahat ng StarStruck V Final 14 sa opisina ng Summit Media sa Mandaluyong City noong Biyernes, April 14, para sa meet-and-greet with the editors of Summit magazines.

SOMETHING DIFFERENT. Paano siya napapayag na sumali sa Bebot 2010 at magbihis-babae?

"Kasi something different, e. Siguro parang challenge na rin. Gusto mo ipakita, 'Kaya ko 'yan!' Masaya! Masaya!" sabi ni Rocco, na very proud pang ipinakita sa PEP ang mga kuha niya sa Bebot 2010 sa kanyang cell phone.

Dagdag niya, "Akala ko nga parang game, parang Pinoy Henyo, ganun. Pero yun pala, yun pala yun. Nalaman ko the day before. 'Ah, okay! So magde-dress up pala kami.' Sabi ko, 'Game ako diyan. Mukhang masaya 'yan!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanood na ba siya noon ng Bebot, kung saan sumali na rin ang kapwa niya StarStruck graduates na sina Mark Herras at Rainier Castillo?

"On the day itself," sagot ni Rocco. "Parang si Pauleen Luna [his mentor sa Bebot 2010], may laptop siyang dala, ipinakita niya. Sabi ko, 'Grabe, yun pala yun!' Kasi wala akong idea paano yun."

Noong nakita niya sa salamin ang kanyang sarili na naka-makeup at nakabihis-babae, ano ang naging reaksiyon niya?

"Tawa ako nang tawa! Nahiya ako sa sarili ko!" natatawang sabi ni Rocco.

Kung siya ang lalake, liligawan ba niya si Rocca Rocca?

"Ay, ganun? Kung ako lalake, papasagutin ko sa mismong araw yun. Kailangan sa mismong araw na yun, mapasagot niya ako!" tawa niya ulit. "Hinde...ewan ko kung nagagandahan ako sa sarili ko. Pero ewan ko, sila Allan K, sila Kuya Wally, sinasabi naman nila na maganda daw ako. Tapos si Kuya Vic Sotto, sabi niya, parang halo akong Jolina Magdangal 'saka Heart Evangelista. Sabi ko, 'Ganun ba, ay ganun?'"

Hindi ba siya uminom muna ng alak bago siya "rumampa"?

"Hindi, hindi!" tawa pa rin ni Rocco. "Para sa akin, parang magandang exposure na din siya, kasi Eat Bulaga! 'yan e. Marami nanonood niyan 'tsaka after nga nun, madaming bumati, e. Ultimo security guard nga, e, sabi, 'Oh! Ganda mo pala, a?' Gumagano'n sila. So, unang-una, magandang exposure siya. At the same time, something different from the usual dancing, singing, acting. Different naman siya, e. Yun ang nagpapaganda ng experience ko as an artista."

Pero hindi naman siya nag-expect na manalo?

"Hindi po, akala ko po si Paulo Avelino," sagot ni Rocco. "Kasi ang ganda ni Paulo, e, ang ganda ng ilong niya nun, e. Pero third runner-up lang siya, nagulat ako, e. Pero masaya, tawa lang ako nang tawa. Kasi si Wally ang nagpatawa talaga nang todo. I was just enjoying everything, yung pagkembot-kembot, yung pagsuot ng heels. Size 12 ako sa women's size, sa heels size, ang taas! Naka-tiptoe talaga ako kasi first time ko magsuot ng heels, e. Masaya na rin kasi that day was something new. First time ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talagang nag-enjoy siya?

"Nag-enjoy talaga ako kasi na-experience ko na paano maging babae," sabi niya.

Live na nanood ng Bebot 2010 sa studio ng Eat Bulaga! ang mother ni Rocco na si Mrs. Linda Nacino. Ano ang sabi ng mommy niya nung makita siyang nakadamit-pambabae?

"Tawa lang sila nang tawa. Sabi niya sa supporters ko na dumalaw, 'Oy! 'Yan ako nung 30 years ago! Ganyan ako kaganda!' Sabi ko, 'Ma, mukha ka palang bakla!' So, ayun, nakakatawa talaga! Kinuha nga niya yung picture niya na ipinakita ko sa 'yo. Tuwang-tuwa siya, ang ganda-ganda ko daw!" parang nandidiring kuwento ni Rocco.

GUMAPANG KA SA LUSAK. Bukod sa Party Pilipinas, regular nang napapanood si Rocco sa afternoon soap ng GMA-7 na Gumapang Ka Lusak, kung saan ginagampanan niyang ang role ni RJ Guatlo. Kumusta naman ang trabaho niya rito so far?

"Ang ganda ng istorya," sambit ng young actor. "Kakabasa ko lang [ng script]... Kagabi kasi hindi ako makatulog, binasa ko yung Week 12, kakabigay lang po kasi sa akin kahapon. So, binasa ko po, andaming mangyayaring twists, sobra! Pinu-fold ko po kasi yung mga pages na kasama ako. So after reading, parang sabi ko, 'Bakit parang ang dami 'atang naka-fold?' Dumadami na din ang lines ko."

So, nakasentro na sa kanya yung istorya?

"At one point of the show, magiging ano ako...madalas akong ipapakita kasi may mangyayari sa aming dalawa ni Jennylyn [Mercado]... Yun ang aabangan, kung ano ba talaga, kung papayag siya ma-in love sa akin, kung papayagan niya ako mahalin siya, or papayag siya na kalimutan si Dennis [Trillo]."

Kumusta naman ang working relationship niya sa mga bida ng soap na sina Jennylyn at Dennis, na gumaganap bilang Rachel at Levi, respectively?

"Tuwing nagte-take po sila, pinapanood ko sila palagi. Tuwing may break, nag-uusap kami, nagkukuwentuhan, trying to get...para maging comfortable sa isa't isa. And ngayon, okay naman kami ni Jen, nag-uusap kami, minsan nagte-text kami, nagkukumustahan, para gumanda lang ang relationship. Parang magkaibigan na lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung una, parang star-struck... Actually ngayon, star-struck pa din ako sa kanya talaga. Pero pag nandun na, on the set na talaga, kailangan tanggalin talaga. So, focus ako. At the same time, I treat them equally, parang nagtatrabaho talaga. I treat them parang ka-team ko na. So, sa set, parang hindi na si Jennylyn, si Rachel na. So, parang sabihin nating crush, so parang I used it as an advantage kasi sa Gumapang, in love ako kay Jennylyn, e."

Aware ba si Rocco na "exclusively dating" na sina Jennylyn at Dennis?

"E, dating lang naman, e. Puwede pa naman humabol, di ba?" biro niya.

Hindi ba magagalit si Dennis?

"Siyempre, respeto din kay Dennis. Pero we're just new friends, getting to know each other stage, kaya I cannot say kung anong posibleng mangyari sa amin."

Napag-uusapan ba nila sa set ang tungkol kina Jennylyn at Dennis?

"Uhm, inaasar ko, tinutukso-tukso ko paminsan. Pero siyempre, hinay-hinay lang kasi hindi naman ako ganun ka close para mag-ano..." nakangiti niyang sabi.

Pero alam ba ni Dennis na crush ni Rocco si Jennylyn?

"Ewan ko kung alam niya... Hindi naman crush, parang idolize lang, nagagandahan. Hindi naman crush na crush talaga, parang puppy crush, slight crush, yung parang ganun lang," paglilinaw ng 23-year-old actor.

BUSIEST AMONG HIS BATCHMATES. Walang duda na si Rocco ang pinaka-busy sa lahat ng StarStruck V Final 14. Dalawa ang regular shows niya—ang Party Pilipinas at Gumapang Ka Sa Lusak—bukod pa rito ang TV guestings, pictorials, at mall shows. Sabi nga ni Diva Montelaba sa hiwalay na interview, minsan daw ay naaawa sila kay Rocco dahil pagkatapos ng isang event o rehearsal nila ay may dala-dala na raw mga maleta si Rocco para diretso na siya sa taping ng Gumapang Ka Sa Lusak.

Kumusta so far ang buhay-artista?

"Mahirap po, haggard po," pag-amin ni Rocco. "Yung Saturday [April 10], yung sa Bebot, yun po yung pinaka-haggard kong araw sa career ko as of now. Kasi galing po ako sa taping ko ng Gumapang, natapos po ako ng 4:30 a.m. Galing po akong Antipolo, umuwi po ako sa Pasig, natulog po ako ng dalawang oras. Tapos pumunta po ako ng Eat Bulaga! ng 8 o'clock, nag-rehearse para sa talent portion ng Bebot, tapos tuloy-tuloy po ako hanggang 3 o'clock until after Eat Bulaga!. Takbo po ako sa Isetann Recto for a mall show, nag-guesting po ako sa isang dance competition. After po nun, nagpunta naman ako sa Ratsky Morato, kasi may in-unveil kaming magazine na ako yung cover, para siya sa nurses. Tapos takbo sa Cool Center for guesting. So, yun ang pinaka-haggard kong araw. Pag-uwi ko, bagsak talaga ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, halos wala na siyang pahinga?

"Medyo. Pag-uwi, pahinga. Hindi na nga ako nakapag-workout, e."

Pero hindi naman siya nagsisisi na pinasok niya ang showbiz?

"Hindi, hindi, I'm enjoying talaga," nakangiting sabi ni Rocco. "Katulad ng sabi ni Diva, minsan may dala na akong bagahe, may maleta na ako na dala. Yung kotse, bumili na ako ng portable closets, tapos yung mga damit ko, sinalpak ko na dun lahat 'tapos nilagay ko na sa kotse para ready lang. So, ganun ako. Parang on the go na ngayon. Kanina nga sa workshop, minsan nakakatulog na ako kasi pagod na pagod talaga. Pero kaya naman 'tsaka masaya."

Naisip ba ni Rocco na kahit hindi siya ang nanalo sa StarStruck V ay mas umaabante ang career niya sa mga nakasabay niya?

"Masaya naman ako na slowly umaabante yung career ko. Pero ano naman kami, e, nauna lang ako. Yung iba rin, magkakaroon din ng ganitong opportunity. So, sinuwerte lang ako. Masaya naman ako na pinagbigyan ako ni God ng chance ng experience na mauna. Kumbaga yung mga napag-aaralan namin sa workshop, naa-apply ko na siya sa trabaho. Pero ewan ko kung angat na talaga... I'm not saying na mas angat ako sa kanila, nauna lang talaga," saad niya.

Sinabi rin ni Diva na kahit noong nasa StarStruck V pa lang daw sila noon ay alam niyang Rocco "will really take it all," win or lose, dahil nasa kanya na raw lahat. Ano ang masasabi ni Rocco rito?

"Unang una, thank you, Diva, kasi na-appreciate niya yung talent ko. And siya as a colleague and audience, ganun ang tingin niya. I'll make sure na makaka-deliver ako, na magagawa ko, na mare-reach ko yung expectations nila," pahayag ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN