Eula Valdes says relationship with Rocky Salumbides is not on the rocks

IMAGE 0


"Bakit ako magpo-post ng mga videos ni Rocky kung magkagalit kami, kung nagkakalabuan kami? Hay, ano ba 'yan, nakakatawa, lahat na lang nilagyan ng kahulugan. Para sa sarili ko yung mga posts na yun, 'yon ang pang-motivate ko sa sarili ko para huwag akong antukin dahil may taping pa nga ako," explains actress Eula Valdes about the messages she posted on her Facebook account.


Pinabulaanan ng aktres na si Eula Valdes na nagkakalabuan na sila ng hunky model at dating Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Rocky Salumbides.

Nagsimula ang intriga sa mga messages na inilagay ni Eula sa kanyang Facebook account na tila may inaaway siya at sinasabihan na huwag tulog nang tulog at tatamad-tamad. May ilang mga nag-isip na ang pinagsasabihan o pinatatamaan ni Eula ay si Rocky.

Nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Eula upang tanungin kung sino ang pinatatamaan niya. Agad naman sumagot ang aktres at sinabing ang pinatatamaaan niya ng mga nabanggit na mensahe ay ang kanyang sarili.

Isa raw 'yon sa paraan para i-motivate niya ang kanyang sarili na huwag antukin dahil may taping pa siya para sa The Last Prince that day kaya wala siyang karapatang antukin at matulog.

Ayon sa text message sa amin ng aktres, "Sinasabi ko yun sa sarili ko dahil antok pa ako, pero aga call time ko lagi. Pang-motivate ko."

Dagdag pa niyang text, "Magpu-post pa ba ako ng mga vid ni Rocky if may mali? Aber."

May mga pinost kasi recently si Eula sa kanyang Facebook account na mga video ni Rocky. Isa ay ang Levi's (Men) fashion show sa Mall of Asia at ang isa naman ay isang video ni Rocky backstage sa isang modeling stint nito sa Milan, Italy kung saan ininterbyu pa si Rocky ng FTV (Fashion TV).

Sa naturang video nga, buong pagmamalaking sinabi ni Rocky na: "My name is Rocky Salumbides, I'm from Philippines!"

"Bakit ako magpo-post ng mga videos ni Rocky kung magkagalit kami, kung nagkakalabuan kami? Hay, ano ba 'yan, nakakatawa, lahat na lang nilagyan ng kahulugan. Para sa sarili ko yung mga posts na yun, 'yon ang pang-motivate ko sa sarili ko para huwag akong antukin dahil may taping pa nga ako," text sa amin ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang pagpapatunay na wala silang problema ay ang pagge-guest nila bilang celebrity contestants sa sikat na game ng Eat Bulaga!, ang "Pinoy Henyo" last Saturday, April 17, kung saan nanalo sila sa first round at nakuha rin nila ang jackpot. Kitang-kita rin ang teamwork at sweetness ng dalawa during the game.

Tinanong din ng PEP si Eula kung bakit hindi siya dumalo sa presscon ng Working Girls noong April 15 sa Gateway Suites sa Cubao. May nag-akala kasi na baka iniiwasan siyang ma-interbyu about the issue sa kanila ni Rocky.

"April 13 dapat yung presscon, iyon ang original date. E, binago nila, ginawa nilang 15. E, hindi na ako puwede ng 15 kaya hindi ako nakapunta. At hello, wala akong iniiwasan na tanong! Kung nandun ako sa presscon at itinanong ang tungkol sa amin ni Rocky, sasagutin ko dahil wala naman nga kasing problema sa aming dalawa. Okay na okay kami," diin ni Edula sa kanyang text message.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN