Heart Evangelista says her relationship with non-showbiz boyfriend is "very healthy"

IMAGE 0


"Sobrang balance ng buhay ko, which is what I always wanted. Hindi ako yung masyadong in love na in love. Siyempre, in love ako, pero nagagawa ko yung...nagiging productive pa rin ako. Very healthy yung relationship," says Heart Evangelista about her lovelife.


Kumpara noon na palaging kontrobersiyal ang lovelife ni Heart Evangelista, ngayon ay tila tahimik ang buhay-pag-ibig ng aktres.

Noon kasi ay hindi mapagsama o mapagtapo ni Heart sa isang lugar o okasyon ang special someone niya at ang kanyang magulang, lalo na ang kanyang dad. Pero ibang-iba raw ngayon dahil sa non-showbiz boyfriend ni Heart na si Ian Dy, na kasama pa nilang nagbakasyon sa Hong Kong with her family.

"Sobrang saya! It's the first time na napaghalo ko ang family ko at ang lovelife ko. It has always been a dream of mine. So, maganda ang kinalabasan ng Holy Week," kuwento ni Heart nang makapanayam siya ng Showbiz Central.

Hindi rin ikinakaila ni Heart na malaking inspirasyon niya sa trabaho ang non-showbiz boyfriend niya.

"Tamang-tama lang siya. I get to do my things. I get to work. Sobrang balance ng buhay ko, which is what I always wanted. Hindi ako yung masyadong in love na in love. Siyempre, in love ako, pero nagagawa ko yung...nagiging productive pa rin ako. Very healthy yung relationship."

Dagdag ni Heart, "Parang it's nice because we get along talaga. With his family, sobrang bait ng pamilya nila. So, it's nice."

Ayon pa sa aktres, ibang-iba na ang relationship nila ng boyfriend niya ngayon, lalo pa nga't naging boyfriend na niya si Ian noong teenager pa lamang siya.

"Big difference, siyempre. Dati, I was very bratty, very demanding, ganyan...when I was still young at that time. Now, siyempre, you get to experience life and it's funny kasi never siyang nagka-girlfriend after. He dated but he never really had a girlfriend. It's nice to come back to something na maganda naman ang ine-expect," saad ni Heart.

Bagamat maganda ang takbo ng kanyang lovelife, sinabi ni Heart na malayo pa siyang magpakasal.

"Huwag muna ngayon. We're both building our 'empire', so it's important that we establish that first before. We should be responsible muna bago magpaplano ng mga ganyan. Hindi pa ngayon," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW SOAP. Pagkatapos ng romantic-comedy series niya with Richard Gutierrez na Full House, ang next project ni Heart sa GMA-7 ay ang primetime soap na Langit sa Piling Mo, kung saan tatlo ang leading men niya: sina Mark Herras, Daniel Matsunaga, at JC Tiuseco. Kasama rin ni Heart dito si Katrina Halili.

"Para maiba naman ng konti from Full House," ani Heart. "Medyo serious naman ulit tayo. Back to drama ulit 'saka very sophisticated ang character ko rito. Siyempre, mami-miss ko ang fun, ang comedy... Siyempre, iba naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN