Singer Jan Nieto comes home to TV5

IMAGE 0


"'Sakto lang talaga yung timing ng pagbalik ko sa TV5," says Jan Nieto. He was discovered by the network in Philippine Idol.


Nagbabalik sa TV5 ang balladeer na si Jan Nieto sa pamamagitan ng programang P.O.5 (Party on Five), ang bagong Sunday noontime variety show ng Kapatid network.

Matatandaang nanggaling si Jan sa TV5 via the Philippine franchise of American Idol, ang Philippine Idol, kung saan naging runner-up siya ng nitong reality talent show search hosted by Ryan Agoncillo. Ang nanalo noon ay si Mau Marcelo. Isa rin sa naging runner-up ay si Gian Magdangal.

"Very, very happy kasi siyempre dito ako nag-start. It's very nice to be back," masayang pahayag ni Jan tungkol sa kanyang pagbabalik sa TV5. "It's an opportunity for me to meet again yung mga taong nakasama ko four years ago. Parang reunion na rin in a way."

Ilang months na nag-lie low si Jan bago muling nakita sa pilot episode ng P.O.5 last April 11.

Nagsimula siyang mag-break mula sa defunct musical-variety show ng GMA-7 na SOP last December 2009 at itinuloy na raw niya ang pagpapahinga.

"I lost some weight. My manager wanted me to change my looks a little," sabi ni Jan tungkol sa kanyang pagbabaksyon.

Dapat sana ay babalik si Jan sa GMA-7 last February ngunit nagkaroon ng miscommunication. Dumating naman daw ang offer mula sa TV5 kaya tama lang yung timing ng pagbabalik niya sa telebisyon.

Bukod sa P.O.5, hininintay na lang ni Jan kung ano pa ang mga assignment na ibibigay ng network sa kanya. "Ang ganda kasi nitong TV5. It's a welcome change. 'Saka at least madaming pagkakataon to work, at maraming bagong tao na makikilala.

"Gusto ko din ma-establish ako as a singer na hindi lang pang-ballad. Hopefully, I can also go into hosting. I hope to get some tips from Paolo Bediones and Ryan Agoncillo. Sobrang excited ako sa plano namin sa mga susunod na buwan," sabi ni Jan sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN