Will Ronnie Liang return to Kapuso after Kapamilya contract expires?

IMAGE 0


Is Ronnie Liang the latest addition in the growing list of former ASAP mainstays who will move to Party Pilipinas and GMA-7? Ronnie will be guesting on the Kapuso network's Sunday musical-variety show this week, but it is not yet clear if he'll be a regular on the show.


Ngayong May 2010 ay magtatapos na ang kontrata ni Ronnie Liang sa Star Magic ng ABS-CBN. Since wala na siya sa ASAP ilang buwan na rin ang nakalilipas, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie kung may idea ba siya tungkol sa contract renewal ng Star Magic.

"Wala pa, wala pa, hindi ko pa alam," sagot niya.

If ever aalis siya ng Dos, sa palagay niya, saan siya ililipat ng kanyang manager? Bukod sa ABS-CBN, dalawang istasyon lang naman ang iniikutan ngayon ng mga artista—GMA-7 at TV5.

"Hindi ko rin alam," sabi ni Ronnie. "Wala pa namang final na ano, kaya hindi ko pa masasagot 'yan. We will see, we will see."

PINOY POP SUPERSTAR DAYS. Sakaling sa GMA-7 siya mapunta, handa na ba siyang harapin ang mga taga-Kapuso network? Kung matatandaan, sa GMA-7 unang pumasok si Ronnie bilang contestant sa second season ng Pinoy Pop Superstar na hosted noon ni Regine Velasquez.

Pero sa naturang contest, bawal ang may manager na. Noon at hanggang ngayon, manager na ni Ronnie si George Roca, kaya naudlot ang pagtuluy-tuloy sana ni Ronnie sa Pinoy Pop Superstar. Pasok na sana siya sa finals pero nagdesisyon ang management na i-disqualify siya dahil sa pagkakaroon niya ng manager.

Nagkaroon pa 'yon ng kontrobersiya hanggang sa napalipat na nga si Ronnie sa ABS-CBN at sumali sa Pinoy Dream Academy.

If ever babalik si Ronnie sa Siete, ready ba siya na makaharap muli ang mga taga-Pinoy Pop Superstar o ang mga taga-GMA-7 in general?

"Of course!" bulalas niya. "Maraming beses na akong pumunta sa GMA noong mga nakaraan. Nag-guest na ako dati sa Unang Hirit, sa Master Showman Presents [Walang Tulugan], sa promo ng album ko. Maganda...okay ang naging pakita nila sa akin. Pati sa Q11, yung Moms, nag-guest na ako dati."

Dagdag ni Ronnie, "Actually, wala na naman yun. Sabi nga, wala naman yun, yung dati, nakaraan na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ni Ronnie na kahit nagkaroon ng isyu dati ang pagkakaroon niya ng manager, hindi niya nakagalit ang mga taga-Siete o ang mga taga-Pinoy Pop Superstar.

"Hindi," mabilis niyang sagot. "'Tsaka nakakasama ko pa nga sila sa mga shows, yung mga kasamahan ko before sa Pinoy Pop Superstar, like sina Aicelle Santos, si Jonalyn Viray, si Gerald Santos... nakakasama ko sa mga out-of-town shows.

"Minsan nga nag-grocery ako sa Rustan's, nagkita kami ni Ms. Jaya. Sabi niya, 'Ronnie, hello, kumusta!' She was one of the judges ng PPS. Tapos may staff rin ng PPS na nagkita rin kami.

"Okay naman talaga, walang kahit ano, walang gap. 'Tsaka yung talent coordinator, minsan nagkikita kami sa band rehearsal. Okay naman kami, walang problema. Sabi nga, napakaliit naman ng mundo ng showbiz, bakit mo paliliitin pa lalo? 'Tsaka, siyempre, yung nangyari, wala na yun. Nakaraan is nakaraan na, 'tsaka trabaho lang," saad ni Ronnie.

Kahit nga raw ang Asia's Songbird at boyfriend nitong si Ogie Alcasid ay napakaganda ng pagtrato sa kanya noong magkita sila minsan.

"Si Miss Regine nagkita kami, maraming beses, like sa Universal Records. Kasi maraming mga thanksgiving ang Universal, may mga events, binabati naman niya ako.

"Pati si Kuya Ogie, in-invite pa nila ako sa OPM membership, na mag-member. Magme-member pa lang ako kasi noong membership orientation, may show ako na out-of-town, kaya hindi ako nakapunta," kuwento ng singer.

Pagkatapos ng panayam ng PEP kay Ronnie ay nakatanggap kami ng impormasyon na magge-guest siya this Sunday, April 25, sa Party Pilipinas ng GMA-7. Una pa lang daw ito sa guesting niya sa naturang musical-variety show at makikita rin daw si Ronnie sa iba pang mga programa ng Kapuso network.

Ibig kayang sabihin nito ay tuluyan nang magbabalik sa kanyang unang tahanan si Ronnie?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN