Ruby Rose Murder Case Update: Prosecuting lawyers want current judge off the case

IMAGE 0

"Sabi namin kay Judge, with all due respect, we perceive—importante yung perceive, e, sa tingin namin—that the judge is no longer impartial. Kumbaga, kampi na siya dun sa mga akusado. Tingin namin, kumakampi na siya, hindi pa nga tapos yung trial," says Atty. Rowena Guanzon, lawyer of the Barrameda Family. She joined Atty. Arturo Paglinawan, lawyer of Manuel Montero (one of the accu


Sa patuloy na paglilitis sa kaso ng pagkawala at pagkakapatay kay Ruby Rose Barrameda-Jimenez, kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda, binalitaan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng abogado nina Rochelle na si Atty. Rowena Guanzon na magpa-file sila ng Motion to Inhibit sa sala ni Judge Hector Almeyda ng Malabon-Navotas Regional Trial Court (RTC) Branch 170.

Ani Atty. Guanzon, siya at si Atty. Arturo Paglinawan, abogado ng dapat sana'y state witness na si Manuel Montero, ang may-akda ng Motion to Inhibit.

"Nag-join kami ng oral motion kay Judge Almeyda, nakansel nga yung pag-testify ni Rochelle sana, kasi yung motion namin, Motion to Inhibit. Sabi namin kay Judge, with all due respect, we perceive—importante yung perceive, e, sa tingin namin—that the judge is no longer impartial. Kumbaga, kampi na siya dun sa mga akusado. Tingin namin, kumakampi na siya, hindi pa nga tapos yung trial."

Ang nakaraang desisyon daw kasi noon ni Judge Almeyda na i-deny ang motion ng prosecutors na gawing state witness si Montero ang siyang nagtulak sa kanya, at kay Atty. Paglinawan, na maghain ng oral motion. Nais nilang umalis sa kaso si Judge Almeyda at ibigay na lang sa ibang hukom ang paglilitis sa mga akusadong sina Atty. Manuel Jimenez Jr., Manuel "Third" Jimenez III, Manuel Montero, Eric Fernandez, Leonard Descalso, at Robert Ponce—mga akusado sa pagkawala at pagkakapatay kay Ruby Rose.

"Atsaka, hindi pa kasi niya pina-follow-up yung pagpa-file ng information ng Chief State Prosecutor [Claro] Arellano. March 1 pa yung pagbababa ng desisyon ni [former] Secretary [Agnes] Devanadera na kasama na si Third sa mga akusado. Hanggang ngayon, hindi pa rin naaaresto," reklamo pa ni Atty. Guanzon.

Dagdag niya, "Gusto namin, ibang judge na ang humawak ng kaso at yung Motion for Reconsideration na na-file nung prosecution at ng attorney ni Montero para maging state witness siya, ibang judge na ang magdesisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman daw sa kanila ni Judge Almeyda na karapatan nina Atty. Guanzon at Atty. Paglinawan ang mag-file ng motion. Hinilingan na lang daw sila nito ng written Motion to Inhibit na kailangang mai-file nila bukas, April 23, sa sala ng judge.

NO REACTION YET FROM JUDGE ALMEYDA. Nakausap naman ng PEP si Atty. Jesus Hernandez, Branch Clerk of Court ng Malabon-Navotas RTC Branch 170 at sinabi nito, hindi pa rin naman puwedeng mag-react si Judge Almeyda sa Motion to Inhibit nina Atty. Guanzon at Atty. Paglinawan dahil hindi pa naman daw nagpa-file ang mga ito.

"It is still premature to say anything about their motion because they haven't filed it yet," ani Atty. Hernandez. 'Saka na lang daw magre-react si Judge Almeyda sa sandaling mabasa na nito kung anuman ang mga alegasyon nina Atty. Guanzon at Atty. Paglinawan, kung bakit siya pinapaalis bilang hukom sa kaso ng mga Barrameda laban sa mga Jimenez at iba pang akusado.

Kinuhanan din ng reaksiyon ng PEP ang abogado naman ng mga akusadong sina Atty. Jimenez at anak nitong si Third. Si Third ang asawa ni Ruby Rose at itinuturo ng mga Barrameda na siyang may kagustuhan talagang mawala sa mundo si Ruby Rose dahil sa kaso ng kustodiya para sa dalawang menor de edad na anak nila.

Sabi ni Atty. Mario Aguinaldo, abogado ng mag-amang Jimenez, "fair and square" talaga si Judge Almeyda at hindi siya natutuwa sa pagpa-file ng Motion to Inhibit nina Guanzon at Paglinawan.

"Kung mababasa mo lang yung resolution ni Judge kung bakit hindi puwedeng maging state witness si Montero, makikita mo na fair and square si Judge. For me, patas lang siya," pahayag ni Atty. Aguinaldo.

Sa sinasabi naman daw ni Atty. Guanzon na hindi pagpa-follow up sa pag-aresto kay Third dahil pormal na kinasuhan ito ng Department of Justice (DOJ), "Nag-file kasi kami ng Motion for Reconsideration, tapos may supplement pa dun sa motion na nai-file ko. So, habang wala pang decision sa motion, wala pang [filing] of information."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE CASE SO FAR. March 1 ng taong ito nang ibaba ni dating DOJ Secretary Agnes Devenadera ang resolusyon na nagsasama sa asawa ni Ruby Rose na si Third Jimenez sa mga akusado. Samantalang inalis naman ni Sec. Devenadera sa charge sheet ang tiyuhin ni Third na si Lope Jimenez.

Ang mag-amang Jimenez, sina Montero, Fernandez, Discalzo, at Ponce ang nadidiin ngayon sa kaso ng pagkawala ni Ruby Rose. Ayon sa Philippine National Police-Scene Of The Crime Operation (PNP-SOCO) operatives at sa pamilya Barrameda mismo, ang bangkay ng isang babaeng nakasilid sa isang sementadong bakal na drum at bakal na kahon, na natagpuan sa isang palaisdaan sa Navotas, ay walang iba kundi ang nawawalang si Ruby Rose.

Bukod naman sa pagtatanggol ng depensa na walang kinalaman ang mga akusado sa pagkawala ni Ruby Rose, iginigiit din ng mga ito na hindi si Ruby Rose ang babaeng natagpuan sa drum dahil magkaiba ang dental records nito sa dental records ni Ruby Rose.

Noong Agosto ng nakaraang taon nagsimula ang paglilitis sa kaso ng mga Barrameda laban sa mga Jimenez at iba pang akusado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN