Luis Manzano on his lovelife: "Steady."

IMAGE 0


"I really don't care. It's more of 'bakit?' Pag tinanong, bakit may exposure? Wala lang!" says Luis Manzano about showing off his skin in movies.


Matapos ang naunang kaba, bago pa tawagin ang kanyang pangalan bilang winner ng Best Supporting Actor sa ginanap na 26th Star Awards for Movies ng PMPC, masayang nagpa-interview si Luis Manzano sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Relaxed na relaxed na ang young actor at panay pabiro ang mga sagot niya.

Tinanong muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis tungkol sa kanyang pagganap sa In My Life, na kanyang pinagwagian ng Star Awards for Movies trophy. Nagkaroon nga ba siya ng hesitation to accept the role of a gay son ng real-life mommy niyang si Vilma Santos sa pelikula?

"I initially declined. Gusto ko kasi ng bed scene," pagbibiro ni Luis, sa tonong seryoso. "Sabi ko, yung talagang make love na eksena, mga five minutes. E, wala silang maibigay. Na-offend naman ako."

Kidding aside, Luis said, "I initially declined dahil feeling ko nung una, hindi ko kaya. Tapos, they [Star Cinema production people] were going through some names, at bumalik sa akin."

Paano nga ba siya na-convince na gawin ang pelikula na gay ang magiging papel niya?

"Pera," seryosong biro uli ng young actor. "Tinaasan yung [bayad]... Pera-pera lang naman 'yan, e!" At natawa siya, pagkasabi nito.

Seriously, though, "Initially, when they said, 'Okay, Luis, this is your role, you're gonna be gay, ganyan....' Siyempre, it's always a factor, like kissing scene [with] John Lloyd, ganyan-ganyan... Pero when you realized how big a project it is, or how great your co-actors are, or how good your director is, di ba? Parang, grabe!

"It's a piece [of art]," wika pa ni Luis. "It's not just a movie, not just a film. It's a piece na you'll be very, very proud, no matter what!"

At ano ang susunod na aabangan ng fans ni Luis, now that he's an award-winning actor?

"Gusto kong pasukin ang mga pene films!" matinding hirit uli ng mestisuhing TV host-actor, sabay-tawa. "Gusto ko, kabataan naman ang target ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Then, he continued, seriously now, "Kasi, I'm very comfortable doing a comedy din. So, siguro itong Hating Kapatid [his next movie with Judy Ann Santos and Sarah Geronimo], na love team ako ni Sarah, medyo nakabawi naman ako, na I'm back to my 'committed' ways. So, after In My Life, after a taste of something heavy, siyempre we have to wait for the right material.

"Now, I mean, hindi naman sa mas pihikan, pero at least, kahit papa'no, you know your capabilities and you'd want to explore. That's why I'm just waiting for the right material na ibibigay ng Star Cinema."

At muli siyang humirit ng pagbibiro sa tanong kung gaano ba siya magiging ka-daring uli sa susunod niyang project with Star Cinema, if ever?

"Ipapakita ko na siguro dito yung kaluluwa ko na," sabi niya. "Hindi lang ako magse-sexy or anything."

Truth is, napaka-game ni Luis when it comes to skin exposure. Minsan, nagpa-pictorial siya for a magazine nang walang saplot, at natabingan lang ng haliging kahoy ang kanyang private parts. Sa pelikula, he already had butt exposure.

"I did that for Cute ng Ina Mo and it was a comedy," patotoo pa niya. "Ginawa ko yung may pigsa ako sa puwet, nilabas ko yung puwet ko. I really don't care. It's more of 'bakit?' Pag tinanong, bakit may exposure? Wala lang!

"I mean, you can do it for something else; big as a movie onscreen. Perhaps there's a good reason behind that, kung bakit ka maglalabas ng kung anuman," he reasoned.

"STEADY" LOVELIFE. Moving on to other topics, tinanong din ng PEP si Luis ng tungkol sa pinakahuling sitwasyon nila ni Angel Locsin, matapos nilang mag-break bilang magkasintahan.

"I think everyone knows the situation between Angel and I. Gano'n pa rin. We're not in any rush," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalita ngang nag-break na sila ni Angel last year. Pero sa pahayag ni Luis, "steady" ang term na ginamit niya to describe his lovelife at present. Nananatili nga raw silang "good friends" ng aktres.

"Yes, we've set a good foundation for [our] friendship, and it's no heavy thing," sabi ng young actor-TV host.

Pero nababalita ring nakikipag-date si Luis sa isang non-showbiz, Norwegian girl, na hindi niya binanggit ang pangalan.

"It's not a date, e. We go out," simpleng sabi ni Luis. "Kami ni Angel, we go out, we attend functions. It's not a romantic date naman."

Katwiran pa ni Luis, busy sila pareho ni Angel. "Plus siya, mas magiging busy because she has a movie with Tito Aga [Muhlach]. And she's doing a soap with John Lloyd. So mas busy siya."

BETWEEN ROCK AND HARD PLACE. Sa pagtakbong bise-presidente ng actor-dad niyang si Edu Manzano sa ilalim ng partidong Lakas-Kampi CMD, ka-tandem ng presidential candidate Gilbert "Gibo" Teodoro, tila naipit sa dalawang magkasalungat na puwersa ng pulitika si Luis.

On one hand is his dad, Edu Manzano. On the other, his mom, Batangas Governor Vilma Santos-Recto, who's also running for re-election, under the Liberal Party (LP) ticket.

"You know, ang mahirap kasi, especially in my situation, na maybe some people don't understand, is that I'm caught between a rock and a hard place," makahulugang banggit ni Luis. "If I go to a campaign for my dad, siyempre kahit papa'no, it would have opposing ideas kay Mommy, kung saan siya ay kay Noynoy [Aquino] at Mar [Roxas]. Of course, they have conflicting ideologies.

"So, if I go to a campaign for my mom and Tito Ralph [Recto, running for a senatorial seat, also under the Liberal Party], medyo magkaka-conflict of ideologies kay Daddy. So, magmumukha naman akong balimbing, na wala akong partido, di ba? That is why my support is, I'm doing it as a son. That is why, yung sa family commercial, yung Pandesal ad, it's easier for me to campaign on a local level. For example, with my mom, it's easier," pahayag niLuis, o bilang si Lucky na ipinakilala sa publiko ng kanyang mom sa dating musical variety show host na V.I.P. on Channel 2 and Vilma! on GMA-7, in the '80s and '90s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN