Dingdong Dantes wants to have a baby but only responsibly

IMAGE 0


"Eto na lang, we can't control everything. Hindi natin mako-control ang mga emosyon na darating sa buhay natin. Pero darating sa point na may kailangan kang gawin because yun ang feeling mo na destined ka na patunguhan. Everything will happen in the proper time, in the right time. At kung anuman 'yan, whatever you do, you have to do it in a responsible manner," replies Dingdong Dantes when asked if it's okay for him to have a child out of wedlock.


Kahit sobrang busy ng schedule niya, naihahanap pa rin ni Dingdong Dantes ng oras ang mga activity na may kaugnayan sa Ayos NA (Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino), kung saan siya ang tumatayong national convenor.

Pagkagaling nga ni Dingdong sa live guesting niya sa Showbiz Central last Sunday, April 25, ay dumiretso siya sa Amoranto Stadium sa Quezon City para sa audition ng Boses ng Kabataan na proyekto ng "Prinsipyo Ko, Walang Presyo" advocacy ng Ayos NA.

"Ito ang audition ng Quezon City leg, pero marami nang nagaganap. May mga local searches na nagaganap sa ibang probinsiya at ito nga ang napuntahan ko since after ng Showbiz Central, medyo nagkaroon ng konting oras para sa ating contest," ani Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Sa ngayon, hinahanap pa namin each area kung sino nga ba ang may pagmamahal sa bansa through reciting poems, singing songs, composing, or dancing na ginawa nila mismo with the theme na 'Prinsipyo Ko, Walang Presyo.' Magandang masimulan ngayon 'yan para on May 1, kung ma-gather nating lahat ng potential na contestants, we can showcase their skills via presentation na makasama ang ibang artists like me or some artists also from ABS."

May mga personal ba siyang inimbitahang celebrities sa grand launch ng Boses ng Kabataan on May 1?

"Meron din naman," sabi ng aktor. "But then again, until na magkaroon ng confirmation, ayoko namang sabihin. But I'll assure them that it would be fun and sobrang magiging sulit yun. Kung siguro nag-perform sila for us, mas lalo silang gaganahan to perform in front of hundreds at maririnig ng mga tao ang saloobin nila, kaya nakakatuwa. We're giving this chance sa mga kabataan to speak their hearts out."

Sa August 2010 gaganapin ang finals at announcement of winners ng Boses ng Kabataan, na ang grand prize ay kabuhayan showcase mula sa MyPhone. Paraan na rin daw ito ng Ayos NA na matutunan ng mga kabataang palaguin ang kanilang kabuhayan imbes na bigyan sila ng cash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATTACKS ON NOYNOY. Since very vocal at all-out naman ang pagsuporta ni Dingdong sa kandidatura ni Senator Noynoy Aquino bilang Presidente, ano naman ang masasabi niya na habang papalapit ang election, mas lalong dumarami ang mga personal na atake at paninira sa senador?

"Ganun talaga, e. Hindi mo maiiwasan 'yan because, siyempre, if you're doing very well in the heart and in the mind of the survey, siyempre the tendency is to look for the loopholes. Ganun talaga, e.

"Ako naman, paniniwala ko talaga, you can never put a good man down. Kahit ano naman ang ipalabas, at the end of the day, I'm still for the positive campaign rather than sa paninira," saad ni Dingdong.

Hindi ba siya nadi-distract kapag nakakarinig o nakakabasa siya ng mga negative issues about Sen. Aquino?

"Hindi, kasi ako mismo, sinekyur ko muna yung mga ganung bagay sa akin," sagot ng aktor. "Kumbaga, alam ko na hindi siya totoo. So, ako mismo sa sarili ko, lubos ang aking paniniwala sa gusto kong kandidato. So, alam kong hindi totoo yun at hindi naman ako naba-bother."

Kailan lang ay nakipag-meeting si Dingdong sa bunsong kapatid ni Sen. Aquino na si Kris Aquino. Ano yung mga napag-usapan nila at ano ang sinasabi ni Kris sa suportang naibibigay niya para sa kapatid nito?

"Sa totoo lang, whenever we see each other, we always talk about details on ano ang gagawin especially with the last stretch of campaign. So, hindi na namin masyadong napag-uusapan ang mga personal na bagay. I'm sure limited din ang oras niya. More on updates na lang," sabi niya.

Pero naipapaabot ba ni Kris ang appreciation niya sa kanya?

"Oo, since day one naman. Ako rin, I'm very appreciative too dahil she shows support like sa mga project ng Ayos NA, like this one."

YOU TO ME ARE EVERYTHING. Sa May 12, aalis si Dingdong at ang girlfriend niyang si Marian Rivera para mag-guest sa Canada at U.S. concert tour nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Sa June na ang balik nila ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bago sila bumiyahe, magsisimula muna silang mag-taping para sa kanilang bagong primetime series na Endless Love.

"Yes, I might have two or three taping days muna bago umalis. So, basically, excited na rin. Pero siyempre, bago yun, gusto ko munang parausin itong movie namin dahil nae-excite ako, e."

Ang tinutukoy na movie ni Dingdong ay ang You To Me Are Everything. Kumusta naman ang pelikula nila ni Marian?

"Ako kasi, after dubbing... So, basically, napanood ko na rin ang kalahati. Natuwa ako, e. Usually, bihira akong matuwa sa sarili kong ginagawa. Pero natawa ako. Parang walang effort, e...biro lang!" natatawa niyang sabi.

May pressure din ba sa kanya in terms of box-office?

"Siyempre, palaging may ganun," pag-amin ni Dingdong. "Pero at the end of the day, if you believe na masaya ka sa ginawa mo, may mga pinasaya ka, yun ang importante at ang mga pinasaya mo, e, sinabi na 'you made my day' or something. Pero mas masaya siyempre kung mas marami pa kaming mapasaya."

Ito ba ang klase ng romantic comedy film na gusto talaga niyang gawin?

"Oo, e. Matagal ko nang hinihintay 'to, sobrang isang klase ng pelikula na ganito. Plus factor na nagawa ko siya ngayon and all the more na si Marian ang kasama ko."

HAVING A BABY. Tinanong din ng PEP si Dingdong kung totoo bang sinabi niya na gusto na niyang magkaroon ng anak. Posible ba na dahil ito sa nakikita niya ang mga kaibigan niya, tulad ni Paolo Contis, ay nag-e-enjoy sa pagiging daddy?

"Oo, gustong-gusto na talaga," sagot ni Dingdong. "Pero siyempre, yung sinasabing ikinasal na kami [ni Marian], hindi ho totoo 'yan. Kasi, unang-una, naniniwala ako sa marriage. Nagkataon na siya rin, naniniwala rin siya dun. So if ever, it would be an important event in our lives na hinding-hindi namin itatago kapag itinanong sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "With children naman, dati pa, mahilig naman kasi ako sa mga bata rin."

But having children out of wedlock, okay lang din ba sa kanya?

"Eto na lang, we can't control everything. Hindi natin mako-control ang mga emosyon na darating sa buhay natin. Pero darating sa point na may kailangan kang gawin because yun ang feeling mo na destined ka na patunguhan. Everything will happen in the proper time, in the right time. At kung anuman 'yan, whatever you do, you have to do it in a responsible manner," saad niya.

Kung sakali bang magpapakasal na siya ay hindi niya ito itatago?

"Hindi, hindi... Hindi mo puwedeng itago ang great thing. Yun nga lang, kapag may desisyon ka nang gagawin sa buhay mo, alam mong napag-isipan mo 'yan ng maraming beses. So do it in a responsible manner," sabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN