Marian Rivera also wants what people hope for her and Dingdong Dantes—to end up together

IMAGE 0


"Mahirap kasing pangunahan mo. Mas maige yung relax, enjoy. At least kung dumating yung point na yun, at least, na-surprise ka, happy ka. Hindi ka nag-expect ng kahit na ano," says Marian Rivera about settling down.


Natatawa na lang si Marian Rivera at hindi na nakaiwas sa mga tanong ng entertainment press dahil sa na-reveal na ang term of endearment niya sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes—"Daddy."

"Lately lang!" natatawa nitong sagot when asked kung kailan pa niya tinawag na "Dad" or "Daddy" si Dingdong.

Sinegundahan naman ni Marian ang naging paliwanag ni Dingdong kung bakit yun ang napili niyang itawag dito. (CLICK HERE to read related story.)

"Well, katulad nga ng sinasabi niya, palagi kasi siyang nandiyan sa akin. Nasasandalan ko siya kahit na anong oras," sabi ng aktres nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng You To Me Are Everything kagabi, April 27, sa Imperial Palace Suites.

Tinanong din si Marian tungkol sa kagustuhan ni Dingdong na magkaroon na ng anak pero in a responsible manner.

"Naku, baby! Siyempre, hindi ko naman sinasabing ayaw ko. Sinasabi ko nga, gusto ko dose kung puwede, di ba? Kasi, solong anak ako, so gusto ko talaga marami. Wala namang problema," ani Marian.

Pero nilinaw rin ng aktres na ayaw naman niyang pangunahan ang mangyayari sa hinaharap. Tulad na nga lang ng kasal at kung kailan ito mangyayari.

"Mahirap kasing pangunahan mo. Mas maige yung relax, enjoy. At least kung dumating yung point na yun, at least, na-surprise ka, happy ka. Hindi ka nag-expect ng kahit na ano," paliwanag niya.

Naiisip din ba niya na parang may pressure na sa kanilang dalawa ni Dingdong dahil a lot of people are expecting them to end up with each other?

"Ayokong isipin na nape-pressure, siguro matutuwa na lang. Kasi, gusto nila na mangyari sa amin yun, which is gusto rin naman naming mangyari sa totoong buhay, di ba? So, yun, happy kami para sa mga nag-iisip na mga tao para sa amin na ganun nga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron na ba silang usapan na kailangan by this year ay magpapakasal na sila?

"Ay, mahirap kasing magbigay ng eksakto na this year, kailangan ganito. Na next year, kailangan na ganito. Ako kasi, hindi ako ganun. Kung ano ang dumating, yun ang gagawin ko. Kung hindi, e, di tuloy pa rin ang buhay, di ba?" saad ni Marian.

STILL IN TOUCH WITH HER PAPA. Ayon kay Marian, every day pa rin daw ang communication nila ng kanyang Papa after nilang magbakasyon ni Dingdong sa Spain last February 2010. (CLICK HERE to read related story.)

"Oo naman, every day na magkausap pa rin kami. The last time na tumawag siya, ipinasa ko sa kanya [Dingdong]. 'Mag-usap daw kayo. Kayo raw ang gustong mag-usap,'" kuwento ni Marian.

Biglang tinakpan ni Marian ang bibig ni Dingdong at napahampas pa rito habang natatawa nang may magtanong kung ano naman ang napag-usapan nila ng ama ni Marian.

Bakit parang kinabahan siya na may masabi si Dong sa usapan nito at ng Papa niya?

"Ha? Wala!" natatawang sabi ni Marian. "Kasi, nakakatuwa lang kasi may bonding sila ng Papa ko at meron silang usapan na hindi ko alam! Hay!"

Dagdag niya, "Ewan ko sa kanila. Pero ako, ang isa sa pinakamasaya sa buhay ko ay nagpunta ako ng Spain at naka-date ko silang dalawa ng Papa ko. Basta yun, super saya ko."

BONDING WITH DONG'S FAMILY. Totoo bang kapag hindi makakarating halimbawa si Dingdong sa special occasions at gatherings ng pamilya nila ay obligadong um-attend si Marian on his behalf?

"Hindi naman yung term na obligado," paglilinaw ni Marian. "Kasi, ang sarap lang din naman ng feeling na may bonding ako sa family niya. Na kahit wala siya, tine-text nila ako na, 'Ay, Yan, punta ka rito sa bahay, kain tayo.' Or, 'Yan, graduation ni ganito, ganun.' Pero hindi yung obligasyon. Kumbaga, kusa mo na lang na ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tulad nga ng sinabi ni Dong," patuloy niya, "nakagawa kasi kami ng bonding ng family niya na hindi dahil sa kanya kung hindi dahil sa akin at sa kanila."

NOT READY TO GO TOPLESS. May nagtanong kay Marian kung sakaling ialok sa kanya ang remake ng pelikulang Igorota (1968) ng yumaong aktres na si Charito Solis, tatanggapin pa niya ito? Willing kaya siyang mag-topless din na ginawa ng award-winning actress?

"Ay, topless! Yung topless sa pelikula, hindi ko po yata kakayanin 'yan. Yung Dyesebel nakaya ko bilang may takip. Pero kung exposed, hindi ko po kaya."

Nang si Dingdong naman ang tinanong kung payag siyang mag-topless si Marian sa isang proyekto, "Siyempre, hindi" ang naging sagot nito.

Pero kung hindi raw siya tatanungin, si Marian ang magde-decide at hindi niya hahadlangan anuman ang magiging decision nito.

Dahil sa sinabi ni Dingdong na yun, nakangiting hiniritan ito ni Marian ng: "Kaya mahal kita, e!"

YOU TO ME ARE EVERYTHING. Since sa May 5 na ang regular showing ng kanilang romantic-comedy movie na You To Me Are Everything, may pressure bang nararamdaman si Marian tungkol sa magiging kahihinatnan nito box-office?

"It's more on excited than pressure," sagot niya. "Yung pressure, isantabi na lang natin kasi mas maganda yung excited ka. Atsaka noong na-dub ko ang buong pelikula, tapos na kasi ako, happy ako, e."

Sa palagay rin niya, magugustuhan ito ng fans nila na naghintay sa comeback movie nila ni Dingdong.

"Sana, sana. Although, ang dami ko na rin nakukuhang feedback na, 'Excited na kami na makita kayo together ulit, tapos comedy pa.' Lumabas yung kakulitan ko na naman. At may kakulitan side din si Dong."

May inihahanda rin daw special screening ang fans nila.

"Oo nga, nakaka-touch nga na kumuha pa sila ng sinehan sa Gateway para lang isara ang sinehan at mapanood ng fans ang movie," nakangiting sabi ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN