Gab Valenciano admits it became easier for him to move on when Rachelle Ann Go left ASAP XV

IMAGE 0


"Yung lifestyle ko kasi, I enjoy the company of females. Hindi naman nagiging playboy. Pero that's how I was raised... I grew up in a coed school, so I know how to talk with women. That's how I grew up na talagang very at home ako with girls. But that doesn't mean na playboy ako," says Gab Valenciano.


Isa si Gab Valenciano sa featured stars sa Supah Dance 2 album, along with Rayver Cruz, John Prats, Mickey Perz, and Kim Chiu. They are all mainstays of ABS-CBN's Sunday musical-variety show ASAP XV.

Pero bukod sa pagsasayaw, isa pa sa passion ni Gab ay ang music. Recently nga lang ay tumutulong siya sa pagre-record ng kanta ng kapatid niyang babae na si Kianna Valenciano.

"Talagang sobrang gusto kong ipakita sa tao na hindi lang pagsasayaw ang mahal ko, but I'm also making music. Kasi talagang music ang buhay ko. So I guess ang inspirasyon ko, hindi talaga girl. It's just friends, family and, of course, the audience. Yung pangalan nga ng song, 'Move,' which really stands for what we do, kaya yun ang inspirasyon ko," pahayag ni Gab.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gab sa April 27 launching ng Supah Dance 2 album sa Eivissa Super Club sa Tomas Morato, Quezon City.

Wala bang balak mag-showbiz ang sister niya?

"Sobrang talented din yun. Actually, palagi ko rin sinasabi sa tao na my sister is perfect. Wala talaga siyang flat or sharp. And I think this year, we'll gonna plan an album for her," banggit ni Gab.

Hindi ba siya nahirapang i-convince si Kianna na mag-record ng song?

"Actually, nahirapan pa ako. Sabi niya, 'I'm sick. I can't sing. Blah, blahh....' So, on that day, sabi niya, 'I can't record, Kuya.' Kaya sabi ko sa kanya, 'Wala kang hard drive.' Kasi, sabi niya, 'Kuya, can you get me a hard drive? Kasi wala nang space yung laptop ko.' Kaya sabi ko, 'Wala kang hard drive sa akin.' Lahat yun, one take, so I'm very proud of her."

THE LONG-DELAYED PLAN. Ilang taon na ang nakalilipas mula nang sabihin ni Gab ang plano niyang pag-alis ng bansa upang mag-aral sa United States. What happened to that?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, actually pinaplano ko siya three years na yata. Pero siyempre last year, I had to stay for certain reason. But it is gonna happen, pero baka mga one year na lang. Dati kasi, mga three years yata. But then I found a certain course na nagustuhan ko and it's only for a year. So, I'll be gone for a year na lang," sabi niya.

What's stopping him?

"Right now, I'm actually very happy with what's happening here. Ang plano ko is to settle down here, not just as an artist but as a Filipino citizen. Definitely, get a house so at least when I come back, settled na ako. And I'm really enjoying myself here."

RACHELLE ANN GO. Pagdating naman sa lovelife ni Gab, si Rachelle Ann Go pa ang huling napabalitang nakarelasyon niya. Napag-usapan ba nila ni Rachelle ang pagkaka-link nito kay Kean Cipriano ng Callalily?

"We never talked about it, but I remember the one time na nag-usap kami was the fact that we told each other na, 'Kung saan ka masaya, dun ka.' I mean, hindi naman talaga impossible na hindi kami makakahanap ng someone in the future, di ba? So, that's what we told about each other," kuwento ni Gab.

After Rachelle, naging playboy na raw siya?

"No, no, no... Yung lifestyle ko kasi, I enjoy the company of females," paglilinaw ni Gab. "Hindi naman nagiging playboy. Pero that's how I was raised. Siyempre, I was with the family na puro babae rin. You know, I have KC Concepcion na my cousin na babae. And of course, I grew up in a coed school, so I know how to talk with women. That's how I grew up na talagang very at home ako with girls. But that doesn't mean na playboy ako. I just can connect with them, and talking about Carmen Soo and Sam Pinto, they are just my friends. Sasabihin ko naman sa inyo kung talagang meron, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aminado si Gab na naging masakit for him ang breakup niya with Rachelle.

"Siyempre masakit siya because it was very public. Even when you check YouTube videos, lahat nandun, pictures, videos, everything, it's all around. But I guess, wala ka nang choice, you just have to stay away with it."

Dagdag niya, "I guess the only reason that people say I'm playboy is because hindi nila alam ang lifestyle ko. But now that me and Rachelle get together, tapos nag-break kami, so medyo na-magnify ang lifestyle ko. People now are saying, ano kaya ang gagawin ko? Kapag nakita nila akong lumalabas, instant reaction, 'Uy, this guy, naglalaro lang 'to.'

"Ako kasi, I surrounded myself with friends para maka-move on ako and that pretty much I did. That's why people think I played around."

Posible rin daw na dahil lumipat na siya sa sariling condominium sa Eastwood and is now living independently kaya people say he's just playing around.

"Siyempre, minsan you get lonely so I invite friends. Kumakain kami, lumalabas and most of them are girls," sabi niya.

Naging madali ba sa kanya ang mag-move on pagkatapos ng breakup nang lumipat si Rachelle sa GMA-7?

"I'll be honest. Siyempre, it's a bit easier," pag-amin niya. "Kasi, we were both in ASAP. Nakikita mo siya, so it's harder to move on when you see someone na hindi mo naman...it's not your choice to see, makikita mo lang siya because of work. So I guess, in a way, it's easier. But I'm sad din kasi siyempre she was not just an asset in ASAP but also, a friend to all of us."

SAM PINTO. May nagsasabi namang nakahanap na rin si Gab ng pampalit kay Rachelle in the person of former Pinoy Big Brother Double Up housemate Sam Pinto. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay, Sam Pinto is a very beautiful person, hindi natin matatanggi yun. But we're just friends. I promise," diin ni Gab.

Pero ang sweet daw nila sa Boracay?

"No, we're just close. Why? Di ba, sinasabi ko dati, magkakilala kami dati pa, even before PBB. Siyempre, kahit kayo naman, pumunta kayo ng ibang bansa at nakakita kayo ng kaibigan na kilala niyo dito, siyempre magiging close kayo dun kasi at home kayo dun," paliwanag ni Gab.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN