John "Sweet" Lapus says it's hard for gays to get launched as lead actors

IMAGE 0


"Alam ko naman, ano ba, hindi naman ako tanga. I believe na mas mataas ang success rate ng isang babaeng komedyante kesa sa bakla. Siguro, mas acceptable, mas tinatanggap... hindi naman ng public in particular, ng mga ahensiya, ng mga sponsors, di ba?" said the popular TV host-comedian.


Sa press conference na pinatawag ng GMA-7 tungkol sa merging ng Startalk at Showbiz Central last Thursday, April 29, pina-describe sa bawat host ng dalawang shows kung ano ang mga qualities na nagugustuhan nila sa kanilang mga co-hosts.

Pero tila binuko ni Mo Twister ang SC co-host na si John "Sweet" Lapus nang siya na ang magsalita. Ayon kay Mo, si Sweet daw ang pinaka-competitive sa kanilang lahat, at natatawang sinabi na parang may "personal vendetta" ito sa katapat na talk show sa kabilang network.

Pero itinanggi ito ni Sweet at nilinaw ang hirit ni Mo.

Aniya, "Nagpa-punchline lang si Mo Twister. Huwag mong pakinggan 'yan. Hanggang dun sa competitive, oo, aaminin ko, I'm really competitive, but beyond that, wala naman akong personal.

"Ako, lahat ng trabaho ko, I make sure that it's a personal thing for me, but I have no intention of having a personal vendetta to anybody or any show in particular or any network for that matter, wala. Basta ako, trabaho lang. Bata pa lang ako, competitive na ako. I'm the type na dapat nananalo ako. Naiinis ako kahit sa Pinoy Henyo sa Eat Bulaga!, Sa Pula, Sa Puti, kapag natatalo kami, naiinis talaga ako sa sarili ko.

"I'm sure, nakikita mo sa Scrabble sa Facebook, kapag natatalo ako, naiinis talaga ako... Siguro yun ang weakness ko. But at the same time, I think it's my strength, kasi namo-motivate ko ang sarili ko to do good, to do better and pati yung mga tao sa paligid ko. Siyempre, alam ni Mo 'yan. Sa Showbiz Central, ako talaga yung ganun. Pep talker, cheer leader, parang ganun ako ng Showbiz Central, e."

SHOWBIZ CENTRAL WITHOUT MO. Tungkol naman sa posibilidad na lilipat si Mo sa ibang estasyon at iiwan na ang Showbiz Central, naiintindihan daw ni Sweet kung anuman ang magiging desisyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact, akala ko nga, aalis na siya. Nag-kiss na ako riyan, niyakap ko na 'yan and, you know, sinabihan ko siya na as much as gusto ko siyang mag-stay, maiintindihan ko, kasi sarili naman niya, it's his career. It's his own decision. Yung friendship naman namin, intact pa rin."

Dugtong pa niya, "In fairness, mahirap palitan ang isang Mo Twister, but, I'm pretty sure na kung aalis man, sana huwag na, e. Magagawan namin ng paraan to find something different.

"At least you know, not as good, not as better, not as less but in a different naman."

Kung siya ang may choice, sino ang naiisip niyang puwedeng pumalit dito?

"Kung ako siguro, yung brusko, yung matapang, you know... may point of view, super straight guy na masculine ang pananaw sa buhay. I think that person would be the perfect co-host for Showbiz Central, whoever that person is."

Meron na ba siyang naiisip in particular?

"Wala pa ako in mind. Feeling ko, madali naman maka-blend sa grupo namin. Ang dami, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, puwede 'yang mga 'yan, mga macho ang pananaw."

May pressure ba sa kanila ngayong hindi na lamang dalawa ang showbiz talk shows sa Sunday sa pagpasok ng Paparazzi ng TV5?

"Ako, to be honest, sa TV5, ina-admire ko sila. Most of them are friends of mine. Nagtrabaho rin ako diyan noong araw. Naa-appreciate ko yung enthusiasm ng mga staff ngayon ng TV5, but at the moment, honestly, hindi pa naman ako nate-threaten or nape-pressure, hindi pa. Not this early siguro.

"Pero siyempre, parang giyera 'yan, yung kaharap mo ang una mong kakalabanin, hindi yung nasa likod. I think, yun lang yun, no offense to TV5."

BLIND ITEM. Tinanong si Sweet tungkol sa isang blind item na nagsasabing may TV host-comedian daw na nag-offer ng "indecent proposal" sa isang taga-Survivor, pero tinanggihan daw ito ng huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi totoo 'yan," ang tahasang sagot ng komedyante. "...Hindi ako 'yan kasi, wala pa akong ino-offeran na tumanggi sa akin.

"At saka sa artista... careful ako," dugtong pa niya. "Marami akong type pero yung offer... hanggang model lang yata ako. At saka, ano ba kayo, bilang nagtatrabaho ako sa showbiz-oriented talk show for the past 16 years, sa showbiz-oriented talk show ako nagtatrabaho, alam ko ang kalakaran sa ganyan. May allergy ako sa artista.

"Minsan nga, prangkahan na, ako ang nilalapitan... Noong araw pa naman, noong uso ang bold movies, takot ako sa ganyan. Afraid, baka gamitin ako, 'no," buong ningning niyang sabi.

SIX YEARS SINGLE. Single raw siya at matagal nang hindi nakikipagrelasyon.

"Six years nang wala. Sawa na, wala na, quota na! Last boyfriend ko, dancer, pero hindi yung mga kasama ko sa Don't Lie To Me, Diyos ko, wala na, tatay na. Ka-freshnan pa naming dalawa noon."

Prior to the GMA-7 press conference for Startalk and Showbiz Central, nakita rin si Sweet sa presscon ng pelikula ng ABS-CBN, ang Here Comes The Bride, kunsaan kasama siya sa cast.

Paano't napunta siya sa loob ng bakuran ng Kapamilya network?

"Pelikula naman... okey naman," paliwanag niya. "Magpo-four years na akong Kapuso, nagpupunta pa rin ako [sa Dos] once in a while. I'm still being co-managed by Star Magic. So, lahat ng pelikula ko, live show, corporate shows, Star Magic ang may hawak. All my dealings in GMA, si Ricky Gallardo. Pero, puwede rin siyang kumuha ng iba. Kung sa kanya lumapit, e, di sa kanya yun.

"At saka, di ba, at the end of the day, mas maganda dalawa ang manager mo. At the end of the day, maganda na pinagsama ang Startalk at Showbiz Central. Definitely better than one."

Kumportable raw siya kahit na isa siyang Kapuso na nasa Kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko na inaalagaan ako ng Star Magic... Most of the people na makakasalubong ko [doon] are friends of mine. Kung may makakasalubong man ako na hindi ko friend or hindi ko gusto, kayang-kaya kong dedmahin. Naku, napakahusay kong mang-dedma kesa mang-plastic."

GETTING LAUNCHED LIKE EUGENE. Sa kanila ni Eugene Domingo, mas nauna siyang pumasok sa showbiz. Hindi ba umiiral ang kanyang pagiging competitive ngayong na-launch na ang kabigian niya bilang lead sa pelikula?

"Wala!" mabilis niyang sagot. "Alam ko naman, ano ba, alam ko, hindi naman ako tanga. I believe na mas mataas ang success rate ng isang babaeng komedyante kesa sa bakla. Mas matagal ang staying powers sa industriya.

"On the very reason na ayoko namang isipin na siguro bakla kami, babae sila. But you know, siguro, mas acceptable, mas tinatanggap... hindi naman ng public in particular, ng mga ahensiya, ng mga sponsors, di ba? Kaya siguro ang mga producers, as much as gusto nilang magbigay ng break sa isang bakla, apprehensive sila dahil baka nga yung mga ad agency, e, biglang, 'Bakla 'yan'... the same way na walang masyadong bakla na may mga commercial. Yun lang yun."

But sinabi na ni Eugene na given the chance daw na makapag-produce siya, si Sweet ang gusto niyang i-launch at bigyan din ng break.

Anong masasabi niya rito?

"Palagi niya talagang sinasabi sa akin 'yan, palagi... ever since, bilang nanay-nanayan ko si Eugene, di ba? Palagi niyang sinasabi sa akin. Actually, ano, e, fan namin ang isa't isa, so, kung alam n'yo lang kung gaano ako kasaya para sa kanya noong maging successful ang Kimmy Dora.

"Actually, hindi pa naso-showing ang Kimmy Dora, tuwang-tuwa na ako para kay Eugene na finally, meron na siyang launching movie. So, every time na pinupuri ko siya noong Kimmy Dora days, sinasabi niya palagi na, 'Anak, magkakaroon ka rin niyan, nauna lang ako'. So, you know, naa-appreciate ko naman yun na bilang kaibigan, pinaniniwalaan niya ako. At seryoso siya run. Magkapera 'yan, definitely, usapan nga namin, promise nga niya, bilang indie, ipagpo-produce niya ako. Pero gusto niya, kahit indie lang, comedy-drama bilang madrama raw ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, naa-appreciate ko yun. Ako nga, kung may pera lang ako, baka ako pa ang naunang nag-produce para kay Eugene kesa sa Spring Films."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN