Christian Bautista still enjoying tremendous popularity in Indonesia

IMAGE 0


Singer-actor Christian Bautista signed his first network contract with ABS-CBN last April 26. "We're back! Back po tayo sa acting, back po tayo sa ASAP XV, of course, and hopefully, hosting shows this year," he says to PEP.


Hindi pa man lumilipas ang isang dekada sa showbiz career ni Christian Bautista ay higit na ang achievements na naitatala ng singer. Hindi lang sa ating bansa kundi sa iba pang parte ng Asya, partikular sa Indonesia, nakapagtala ng kasikatan sa larangan ng pag-awit at pagre-recording si Christian.

Nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kilalang pop balladeer when he performed at the 26th PMPC Star Awards for Movies last April 24 ay nabanggit ni Christian ang tungkol sa hangaring muling subukan ang pag-arte, either sa pelikula o sa teleserye.

"Gusto kong i-revive, nami-miss ko na rin," nakangiting banggit ni Christian. "That's one aspect of my career na medyo hindi nabibigyan ng focus, simply because I've been too busy, quite preoccupied with my singing. But my management team [STAGES] has plans regarding that.

"Matagal na rin yung last na paglabas ko sa movies, sa Mano Po 5 (Gua Ay Di)," banggit din ni Christian sa pelikulang nag-introduce sa kanya, starring Angel Locsin and Richard Gutierrez. Hindi na nga nasundan 'yon and the singer-actor is raring to face the movie cameras again.

CAREER UPDATES. Lately, nakausap uli ng PEP si Christian sa ABS-CBN studios, kung saan may regular Sunday stint siya for the television musical ASAP XV. Kinumusta namin ang pinakahuling development sa kanyang pagiging singer-performer, and possibly bilang aktor na rin uli. Kapipirma lang kasi ni Christian ng contract with ABS-CBN last April 26.

"We're back!" nakangiting bungad niya. "Back po tayo sa acting, back po tayo sa ASAP XV, of course, and hopefully, hosting shows this year."

Gagawa na ba uli siya ng pelikula or for the first time ay lalabas sa isang teleserye?

"Movie? Wala pa sa ngayon....sa Philippines, e," makahulugang sabi ni Christian.

Nasabi nga niya sa unang intervew ng PEP na gagawa siya ng pelikula sa Indonesia, kung saang bansa ay may malaking following si Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm gonna start a movie sa Indonesia by the end of the year," pag-inform niya.

Before last Sunday's ASAP XV, kagagaling lang ni Christian sa Indonesia kung saan naging guest-contestant siya sa Take Celebrity Out, isang sikat na dating game show sa Indosiar, ang major network ng Indonesia. (CLICK HERE to read related story.)

May malaking crush daw kay Christian pati ang host ng show, named Yuanita, at sumali ito sa game show, hoping na siya ang manalo bilang "love" na makaka-date ni Christian. Pero ang napili ng audience para sa binatang singer-idol ay ang Indonesian actress named Smitha. Parehong nanalo ng limang milyong rupiah (in cash) sina Christian at Smitha.

"That's right, that's right!" masayang pagkumpirma ni Christian sa napaulat. "Take Celebrity Out...it was fun! Kaya lang, the next day, I had to leave."

Ang equivalent daw ng napanalunan nina Christian at ng nakaparehang Indonesian actress ay $500 o roughly P25,000.

DUET WITH BUNGA CITRA LESTARI. Isa sa top-selling albums sa bansa natin ngayon ang Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan, ang revival ng mga popular na awitin ni Jose Mari Chan na muling ni-record ni Christian.

Sa Indonesia ay mayroong bersiyon ang album na ito ni Christian, na ang carrier single titled "Tetaplah Dihatiku"(Bahasa version ng"Please Be Careful With My Heart")ay ni-record ng Pinoy balladeer ka-duet ang popular Indonesian singer-actress na si Bunga Citra Lestari.

"Yung duet, so far, naging number one na [sa record charts] sa Indonesia and I'm very happy!" pagbabalita pa ni Christian. Para iyon sa buwan ng Abril.

Dagdag niya, "I might be there, again, in June. So far, that's it."

LOYAL KAPAMILYA. As part of the ABS-CBN family, Christian has been commended for being a "loyal Kapamilya" by the studio bosses. Kaugnay rito ang pagiging isa rin niyang malaking bahagi ng ASAP sa nakaraang pitong taon mula nang maging finalist siya sa Star In A Million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How would Christian describe the experience of doing ASAP for almost 10 years now?

"I love ASAP!" bulalas niya."I love the people na nakasama ko dito. Kasi yung camaraderie...tulungan, e. So, hopefully, mas gumanda pa yung show."

On the other hand, how did he feel when his co-singing champions and former ASAP mainstays Mark Bautista and Rachelle Ann Go left ABS-CBN for the rival show, Party Pilipinas?

Ani Christian, he felt more for Rachelle, na dati niyang nakarelasyon.

"Well, you know what, we're friends and I'm happy wherever she is," sabi niya. "Medyo nakakalungkot kasi we cannot see her as much. Pero I'm sure she's doing good."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN