PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH: What did Kris Aquino promise Dingdong Dantes if Sen. Noynoy wins?

Kris takes leave of absence from "Kung Tayo'y Magkakalayo."
by Rose Garcia
Published May 4, 2010
"As I've always said, isa sa pinakamalaking blessing na naibigay sa amin yung commitment na ibinigay ni Dingdong. Kasi, saan ka ba nakahanap ng kasing sikat niya na siya ang hahanap ng sariling pondo, siya ang gagalaw, siya ang mag-o-organize? At meron talaga siyang clout at pakikisama sa kapwa artista na pati sila nag-join," Kris Aquino praises Dingdong Dantes.

Ngayong araw na ito, May 4, ay kasalukuyang nasa Baguio at La Union si Kris Aquino para sa campaign caravan ng kanyang kapatid na si Senator Noynoy Aquino, na tumatakbo bilang Presidente. Kasama rin ni Kris ang young actor na si Dingdong Dantes. Ayon na rin kay Kris, halos araw-araw na nilang kasama sa campaign sorties ni Sen. Noynoy.

Since Dingdong has been doing his part in supporting Sen. Noynoy as the national convenor of Ayos NA (Advocacy of Youth and Students for Noynoy Aquino), isa raw ito sa araw na na-i-commit ng Kapuso star para nga makasama ni Kris sa pangangampanya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Kris during the Prinsipyo Ko, Walang Presyo event of Ayos NA last Saturday night, May 1, held at the San Andres Sports Complex in Malate, Manila. Dito inulit ni Kris kung gaano nila itinuturing na blessing ng pamilya nila si Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As I've always said, isa sa pinakamalaking blessing na naibigay sa amin yung commitment na ibinigay ni Dingdong. Kasi, saan ka ba nakahanap ng kasing sikat niya na siya ang hahanap ng sariling pondo, siya ang gagalaw, siya ang mag-o-organize? At meron talaga siyang clout at pakikisama sa kapwa artista na pati sila nag-join.

"Kaya noong humingi siya ng tulong sa akin for the ABS-CN stars, talagang nakiusap ako sa mga alaga ni Deo Endrinal at alaga ni Biboy Arboleda. Sabi ko, 'Huwag naman tayong mapahiya. Kung si Dingdong ginagawa ito, please be there naman for him,'" kuwento ni Kris.

Naging magandang daan din ang Prinsipyo Ko, Walang Presyo para magsama-sama ang ilang Kapamilya at Kapuso stars. Nakita ng PEP sa dressing room na magkakausap at nagkukuwentuhan ang Kapuso stars na sina Dingdong, Gabby Eigenmann, Chynna Ortaleza, Aljur Abrenica, John Lapus, La Diva, Angelika dela Cruz, at Ogie Alcasid; at ang Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria, Coco Martin, Erik Santos, Ejay Falcon, and, of course, Kris herself.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama rin ni Kris that time ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Baby James at ang future sister-in-law niyang si Councilor Shalani Soledad.

"You know, I promised Dingdong, manalo lang talaga si Noy ng President, kakanta si Noy ng 'Endless Love,'" biro ni Kris.

Ang Endless Love ang titulo ng upcoming teleserye ni Dingdong with Marian Rivera sa GMA-7.

KUNG TAYO'Y MAGKAKALAYO. Pansamantalang namaalam si Kris sa pagte-taping ng primetime series sa ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo para ikampanya ng kanyang kapatid.

But Kris gave some details sa mga kaganapan pa sa kanilang teleserye.

"Sasabog ang bus, ipinapakita na yun. Nasa loob ba ako ng bus, naka-escape ba ako? Hindi n'yo alam at hindi ko rin alam!" natatawa niyang sabi.

Dugtong pa ni Kris, "Honestly kasi, may dalawa akong ending na na-shoot. It's really ano... Nakiusap din naman sa akin ang pamilya ko, lalo na si Noynoy, ang hirap mag-commit na babalik ka ng trabaho on May 12 or May 14, especially that we're not sure of how this election will turn out. Ayokong maging pabigat kay Noynoy as far as security is concerned. So, kung saan mapapanatag ang loob ni Noynoy, dun ako. Kung sabihin ni Noy na, 'Kristina, stay home na lang muna, e, di okey.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Baby James ba ay babalik pa sa Kung Tayo'y Magkakalayo?

"Siya buhay, e... Oo, siya buhay," maikling sagot ni Kris.

So, dead na si Celine (pangalan ng character ni Kris)?

"Hindi, hindi pa sure. May resolution ang story niya, so open-ended."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"As I've always said, isa sa pinakamalaking blessing na naibigay sa amin yung commitment na ibinigay ni Dingdong. Kasi, saan ka ba nakahanap ng kasing sikat niya na siya ang hahanap ng sariling pondo, siya ang gagalaw, siya ang mag-o-organize? At meron talaga siyang clout at pakikisama sa kapwa artista na pati sila nag-join," Kris Aquino praises Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results