No detour to Las Vegas for Dingdong Dantes and Marian Rivera when they go to the U.S.

IMAGE 0


"Madali nga lang pakasal dun. Pero ayoko. Gusto ko yung pinakukulo nang matagal. Binababad at saka magandang pagluto," quipped Dingdong, responding to speculations that he and girlfriend Marian Rivera might tie the knot while on Ogie Alcasid and Regine Velasquez's North American tour.


Late nang nakarating sa ipinatawag na victory party ang isa sa bida ng pelikulang You To Me Are Everything na si Dingdong Dantes. Nanggaling pa ito sa isang commitment at naisingit na lang ang pagdalo sa victory party na idinaos dahil sa sinasabing kinita ng pelikulang P16 million sa opening day nito noong May 5.

"Hindi ako nag-expect," ang sabi ni Dingdong tungkol sa mainit na pagtanggap sa pelikula nila ni Marian Rivera. "First time akong naging relax lang talaga kasi siguro dati, palaging nagwo-worry. So, sabi ko, para maiba naman, cool lang, gusto kung gusto, di ba? Ang importante, noong ginagawa namin siya, since it's a romantic comedy, ini-enjoy namin siya. Ang gusto lang talaga namin, ang objective namin, ma-translate ang happiness na yun, maligayahan ang manonood.

"Siguro naging klaro ang message kaya mas na-appreciate siya."

ROMANTIC COMEDY SUCCESS. Nasa taping daw sila ni Marian ng GMA-7 series na Endless Love nang malaman nila ang magandang outcome ng first day of showing ng pelikula nila.

"Parang nagkaroon pa ng moment of silence na nagkatinginan na lang kami, nagkaintindihan na lang kami, because it's both what we wanted. Isang bagay na ginusto naming ma-achieve, lalo na magkasama kami. So, it's an important thing especially in our career. At malaman namin na sa comeback namin, sa pagbabalik namin, lalung-lalo na sa big screen, e, tinangkilik siya."

First time pa nila na mag-romantic comedy.

"Ako, first time. I mean, after KimmyDora, siyempre, iba naman 'to."

"Ganun?" ang nakangiting sagot ni Dingdong sa komentong hindi raw imposibleng magkaroon ng sequel ang You To Me Are Everything.

"By that time, mahirap nang alagaan si Snowy [pet pig sa pelikula]. Pero alaga pa rin namin siya," natatawa nitong sabi.

Pero open siyang magkaroon ng sequel?

"Oo... yung costume ko nga sa ending ng pelikula, nasa akin pa rin, e," biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kuwento si Dingdong nang magpunta sila ng U.S. Embassy kahapon.

Aniya, "Nakakatuwa kasi yung mga tao, ipinapakita nila how excited they are. In fact, kanina lang, nasa Roxas Boulevard ako for an interview, may mga tatlong tao na random, ha, hindi ko kilala... una sa hotel, nagbu-buffet, nagsabi nang, 'Nanood kami ng movie mo kahapon.'

"So, hindi ako makapaniwala. Nagtanong ako, nanood nga! Tapos, noong nakapila kami, may dalawa pa, magkaibang instance, sinabi na, 'Pinanood namin ang movie mo kahapon, ah.' So ako, siyempre, 'Thank you.' Antok-antok pa ko nun," nakangiti niyang kuwento.

FAN CLUBS. During the opening day, may mga fans sila na nag-sponsor ng isang buong palabas sa sinehan sa Gateway, Cubao, Quezon City, na pinangungunahan ng Marian Knights. Last Thursday naman, ang limang grupo ng mga DY fans. At ngayon, sa Greenbelt, ang Dynamics naman ang nag-sponsor ng dalawang screening.

Ano ang feeling niya sa sobrang suporta na nanggagaling sa mga fan clubs nila?

"Oo, e, I think bihira siyang mangyari, yung ganung klase ng special screening. Nagkaroon ng sariling premiere night. At ang maganda diyan, may pa-contest pa na paramihan ng pagpanood ng pelikula. At may prize.

"Yung prize na yun manggagaling sa amin yun. Personal na bagay na hindi mo makukuha kahit saan or kahit bilhin namin. Yung may sentimental value sa amin na mapupunta sa kanila."

So, puwede niyang sabihin na madami talagang malulungkot in case na papaghiwalayin ang loveteam nila?

"Oo, kasi, alam ko, naniniwala ako na sila ang nagdala sa amin dito kung nasaan man kami ngayon. Sila ang mga mula umpisa ay loyal talaga at hanggang ngayon ay nandiyan pa rin. Siyempre, ayaw namin silang biguin."

Naalala namin na bago magsimula ang special screening, nagdasal ang mga fans, kunsaan nagpasalamat sila sa Diyos na binigyan sila ng isang Dingdong at Marian, na source of happiness and inspiration nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga e. Bukod dun, ang daming nabuo... bukod sa nag-i-inspire kami, nabuong pagkakaibigan na ngayon isa na siyang organization kumbaga. They do things on their own. They do good deeds and ang sarap na kami ang nag-i-inspire sa kanila and we really, really don't want to fail them.

"At yung suporta namin sa kanila, always all out."

NO QUICKIE WEDDING. Sa Miyerkules, May 12, matutuloy ang pag-alis nina Dingdong at Marian bilang mga special guests sa concerts nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Canada at US. Isang buwan silang mawawala.

"First time kong mawawala nang ganun katagal sa buong buhay ko sa bahay."

Puno ng trabaho ang itinerary nila sa buong isang buwan, at mga apat na araw lang daw siguro ang libre nila. May nag-isip na baka raw kung magagawi sila sa Las Vegas, biglang maisipan nilang magpakasal.

Pero itinanggi ito ni Dingdong. "Madali, madali nga lang pakasal dun. Pero ayoko. Gusto ko yung pinakukulo nang matagal. Binababad at saka, magandang pagluto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN