Snooky Serna spends first Mother's Day without mom Mila Ocampo

IMAGE 0


"Kami naman ni Mommy, kahit na may mga differences kami, we are the best of friends. People may perceive us na laging nag-aaway o nagtatalo over certain things, pero deep inside, nandiyan ang pagmamahal namin para sa isa't isa... Kapag may problema ako, alam ni Mila Ocampo kung bakit. Ganyan siya kagaling bilang isang ina sa akin," said Snooky, who lost her mother to emphysema last January.


May lungkot sa mga mata ni Snooky Serna ngayong Mother's Day dahil ito ang kauna-unahang Mother's Day na hindi niya makakasama ang kanyang ina na si Ms. Mila Ocampo.

Sumakabilang-buhay noong January 2010 ang ina ni Snooky dahil sa sakit na emphysema. Marami raw mami-miss si Snooky sa kanyang kontrobersyal na ina, lalo na sa Mother's Day.

THE BEST OF FRIENDS. "Kami naman ni Mommy, kahit na may mga differences kami, we are the best of friends. People may perceive us na laging nag-aaway o nagtatalo over certain things, pero deep inside, nandiyan ang pagmamahal namin para sa isa't isa.

"Every Mother's Day kasi, we go out for dinner or we watch a movie with the kids. Tapos we have gifts for one another din. So yun ang mga mami-miss ko.

"Kami kasi ni mommy, we always find a way to bond with one another. Kapag may problema ako, alam ni Mila Ocampo kung bakit. Ganyan siya kagaling bilang isang ina sa akin.

"Kaya nga during her last few months na maysakit siya, I really took care of her. Hindi naging madali for my mom ang sakit niya. She was always in pain and I was always there by her side to hold her hand and tell her that everything will be fine. During those times nga, parang naging baliktad ang papel namin. Ako na ang naging ina and my mom became the child na dapat mong alagaan.

"It's my turn to really take care of her after all those years na ako ang inalagaan niya kapag may sakit ako at kapag may mga problema ako emotionally. It was my way of thanking my mom for everything. Kaya alam ko na she's in a good place right now. No more pain and puro pagmamahal na ang mararanasan niya roon," ngiti pa ni Snooky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang mga anak na sina Samantha at Sachi sa unang asawa na si Richard Cepeda ang kanyang makakasama ngayong Mother's Day minus ang kanilang Lola Mila.

"My daughters are very good kids. They are very thoughtful talaga. Every Mother's Day nga we go to this certain arcade at naglalaro kami ng games.

"We bond a lot most especially noong mawala na si Mommy. The love that my mom had showered me ay pareho sa ibinibigay ko sa mga anak ko," ngiti ni Snooky.

Busy si Snooky sa paggawa ng mga indie films at may negosyo rin siyang inaasikaso.

"RIDICULOUS RUMOR." Kelan nga lang ay nabalitang nalululong daw sa pagpunta sa mga E-Games itong si Snooky. Ayon sa mga tsismis ay humihingi pa raw ito ng tulong mula sa kanyang namayapang ina para manalo siya sa mga E-Games.

"Natawa ako sa balitang 'yan kasi it's not true at all," diin niya. "May nagsabi pa nga sa akin na para raw akong luka-luka na dinadasalan ko raw ang mga E-Games at sinasabi ko pa raw na, 'Mommy, give me a sign so I can win!' Doon naman ako natawa kasi bakit ko naman gagawin iyon? Lalo na sa mga lugar na maraming tao. Nakakahiya naman iyon.

"I admit na noon dumaan ako sa pagkalulong ko sa mga slot machines. I really got addicted to this many years back. Tapos na ako roon kasi wala namang nadulot na maganda sa akin iyon. Bakit ko naman babalikan ang ganyang vice, di ba?

"I'm over that now at sana naman ang mga taong gusto na naman akong siraan, please naman, tapos na ako sa ganyan. I'm doing okay now with my life. May maliit po kaming negosyo at ayokong masira lahat iyon.

"I am working hard for my children's future. Huwag naman nilang sirain ang pangalan ko ulit with this ridiculous rumor. It's a funny rumor pero hindi siya magandang balita for anyone," pagtatapos ni Snooky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN