Marian Rivera on negative issues: "Kung masaya sila sa paglalaro sa akin, ako, okey lang."

IMAGE 0


She gets a lot of negative press but seems twice as blessed. Last week, her romantic comedy with reel and real-life boyfriend Dingdong Dantes nearly broke the record for opening day grosses.


Iilan na lang ang natirang entertainment press sa victory party para sa You To Me Are Everything nang dumating si Marian Rivera. Na-late din ang kapareho niya sa pelikula na si Dingdong Dantes, pero mas nahuli ang aktres dahil nanggaling pa ito sa meeting ng bago niyang endorsement na Honda.

Hindi maitago ang saya sa mukha ni Marian dahil sa pagkapatok sa takilya ng pelikula nila ni Dingdong.

Hiningi kaagad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment press na nakapaghintay kay Marian kung ano ang reaction niya sa kinitang estimated P27 million ng pelikula sa loob ng halos dalawang araw pa lamang.

"Unang-una talaga, hindi kami nag-expect na kailangan ganito ang makuha natin," sabi ni Marian. "Kumbaga, kung ano na lang ang maibigay sa amin at kung paano kami magugustuhan ng mga tao. Siyempre, pinagdasal din namin yun na sana mag-click itong You To Me Are Everything."

ROM-COM SUCCESS. Kuwento pa niya, "Sinabi rin ni Direk [Mark Reyes]... iniba ko ang character ni Iska, ginawa kong natural. Tapos, ginawa ko kung ano ang mas feel kong Iska. Siyempre, ang sarap din gawin."

Mismo ang GMA Films producer na si Ms. Annette Gozon-Abrogar na ang nagsabing hindi raw malayong magkaroon ng sequel ang movie nila.

"Wow! Siguro kung magkaroon man ng part two, ibang approach naman. Siyempre, sinasabing ganito, mas malaki pa ang i-e-expect ng tao kapag nag-part two."

Halos hindi raw sila makapaghintay ni Dingdong na malaman ang resulta noong opening day.

"Kinukulit-kulit na namin sina Sir Joey [Abacan, GMA exec], si Ms. Annette na, 'Ano ba ang balita?' Tapos sabi nila, 'Sige, relax ka lang, i-a-update ka namin.' Tapos yun nga, 'Successful tayo,' so, ang saya lang."

"TRABAHO-SHOPPING-GALA." This Wednesday, May 12, ay papunta na silang dalawa ni Dingdong kasama sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Canada at U.S. One month silang mawawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trabaho-gala" ang description ni Marian sa one month abroad nila. Special guests sila sa concert tour nina Ogie at Regine, at mga apat na araw lang daw ang pahinga nila. Doon na lang daw nila siguro magagawa ang "shopping-shopping, gala-gala."

Ang biro ni Dingdong, siya raw ang tagabuhat ng mga pinagsa-shopping ng girlfriend.

"Hindi totoo 'yan! Siya kaya ang mahilig mag-shopping!" natatawang balik ng dalaga, na dinagdag pa, "Pero siya, puro relo, sapatos, belt."

BLESSINGS AND ISSUES. Bago ipalabas ang pelikula nila, sari-saring negatibong isyu ang lumabas tungkol kay Marian, katulad ng may "anak" na raw siya at di raw siya marunong mag-Ingles. Pero sa kabila ng lahat, parang lalo naman siyang sinusuwerte.

"Yes!" natatawa niyang sagot agad. "Talagang smile lang daw ako. Dedma na lang. Tawanan ko na lang sila. E, kung masaya sila sa paglalaro sa akin, ako, okey lang ako. Hindi naman ako ang magdadala nun, sila. At saka, tao lang naman ako. Ano ba! Hindi naman ako perfect. Ang suwerte ko naman kung lahat nasa akin na. Relax lang....

"Ganun talaga ang buhay. Kailangan naba-balance talaga. Hindi talaga palaging okey. Yung mga ganyang pagkakataon talaga, e, dapat tinatanggap na natin bilang artista...

"Mas maganda na yung atensiyon ko nasa magagandang bagay. Ang mga walang kuwentang isyu, dedma, ha ha ha!... Ipagdasal mo na lang sila as long as wala silang ginawang masama."

Masaya si Marian sa suportang natatanggap nila ni Dingdong mula sa mga fan clubs nila. Nagpa-special screening ng You To Me Are Everything ang ilan sa mga ito, tulad ng Dongyanatics, Marian Knights, Solid Marian," kuwento ni Marian. "Lahat sila ay talagang nagpursigi na suportahan ang pelikula namin ni Dong at ang gaganda ng feedback nila na nakakatuwa, nakakagaan ng loob. 'Gusto namin ulit panoorin...' Sobra-sobrang suporta sila kaya bilang ganti rin sa kanila since magpapa-contest sila, magbibigay kami ng premyo ni Dong na galing sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDAY MARIAN. Matutuwa ang mga fans ng love team dahil sa pagbalik sa bansa ng dalawa ay mapapanood naman sila sa primetime series ng GMA-7 na Endless Love.

Heavy drama naman ito, "So, adjust talaga," komento ni Marian.

Sa huli, kinumpirma ni Marian ang sinabi ng producer na si Roselle Monteverde-Teo na in celebration of Regal's 50 years, siya na nga ang gagawa ng remake ng Inday series ni Maricel Soriano.

"Excited ako run kasi mas bakla ako run."

Siguradong mako-compare sila ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

"Kapag ginawa ko 'yan, hindi talaga maalis ang pagkukumpara. Pero never akong makikipagkumpetensiya sa kanya dahil ako, 'eto ako at nandun siya. At bilang napakagaling niya at iniidolo ko talaga siya, walang dahilan para ikumpetensiya ko siya agad. Gagawin ko siyang dahilan para galingan ko at maging inspiration ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN