Snooky Serna reveals breakup with businessman boyfriend

IMAGE 0


"In the event na meron sigurong dumating sa buhay ko na isang babae na mukhang lalaking guwapo at kaya naman suportahan yung aking dalawang anak at rerespetuhin ako... Regardless kung boy siya o girl siya, pagka nagustuhan mo yung ugali niya o nagustuhan mo siya o mahal mo siya as person and na-feel mo that you are soulmates, go!" says Snooky Serna.


Matitindi ang inihayag na mga rebelasyon ni Snooky Serna sa kanyang guesting sa showbiz program ng TV5 na Paparazzi noong Linggo, May 9. Buong tapang ding hinarap ni Snooky ang iba't ibang intrigang ibinabato sa kanya ngayon. Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) writer na ito na naimbitahan para maging guest reporter sa "Presscon Express" segment ng show at isa sa mga naatasang magtanong kay Snooky.

ANOTHER FAILED RELATIONSHIP. After her failed relationships with ex-husbands Ricardo Cepeda and Niño Mendoza, big revelation nga ang pag-amin ni Snooky na hiwalay na siya sa kanyang businessman boyfriend na si Jun de Vera.

"Jun and I, we communicate. Pero hindi na kami... I cannot say truthfully that we're still an item," sabi ni Snooky.

So, hiwalay na talaga sila?

"Yes."

Was there a time na nag-propose ng kasal si Jun sa kanya?

"Yes, oo. Modesty aside, there are a lot of times. Hindi pa lang ako ready to settle down again, e."

Balita noon na maayos naman ang relationship nila at tanggap siya ng mga anak ni Jun. Ano ang nangyari at naghiwalay sila?

"Conflict of a lot of interests which I would rather not say."

May usap-usapan noon na dahil mayaman si Jun ay pakotse-kotse na lang siya noong naging sila. Pero ngayong hiwalay na siya ay baka bumalik siya sa pagta-tricyle na dating naging isyu sa kanya?

"What's wrong with tricycle? Kasi dati nakatira ako sa White Plains. My house is one block before. Pero even that time, nagta-tricycle ako if I want to use a tricycle. Nagta-taxi ako if I want to use a taxi. I don't have any hang-ups about that."

May message ba siya para kay Jun?

"Wala siguro akong dapat sabihin sa kanya. Kasi as far as I'm concerned, wala naman akong naging pagkukulang. I tried all that I could to make the relationship work. And I'm not guilty of anything. It's just that ganun talaga ang buhay, e. Unfortunately, you tried, sometimes you fail. But you have to stand up and rebound."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagsasabi niyang ito, hindi ba naging maganda ang paghihiwalay nila?

"Ayoko na lang magsalita. Parang ganun na rin siguro yun."

Hindi pa ba siya nadadalang magmahal?

"Eto nga ang nakakatawa, talagang taong-tao itong friend n'yo, wala akong kadala-dala! I will always be a hopeless romantic na nandito pa rin sa aking mind, may delusions pa rin ako, illusions na baka somewhere out there..."

OPEN TO SAME SEX RELATIONSHIP. Nakita siya ng Paparazzi host na si Cristy Fermin na may kasamang isang may edad sa kanyang babae na halata raw na may pusong lalaki o tomboy. Karelasyon niya ba ito?

"Pusong lalaki? Ano ang hitsura?" tila naguguluhang balik-tanong ni Snooky. "Ang tanong, sino sa kanila? Joke, joking. Hindi, ganito po, she's just my good friend. Walang halong bola, friend ko lang talaga yun. Sasabihin ko naman sa inyo. Sa lahat naman ng sinabi ko na, yun hindi ko pa aaminin. Para sa akin naman, I don't have anything against homosexuality. Malambing lang talaga kami sa isa't isa. I have a lot of friends who are homosexual whether they are butch or gays. I don't mind it kasi wala naman silang pinatay na tao."

Ikinagulat naman ng lahat ang sumunod na matinding pahayag ni Snooky.

"And halimbawa, eto huwag naman sanang ikahiya nina Sam at Sachi. Sorry mga anak, I know you might think that I'm being a bad example or I'm embarrassing you. But in the event na meron sigurong dumating sa buhay ko na isang babae na mukhang lalaking guwapo at kaya naman suportahan yung aking dalawang anak at rerespetuhin ako, hindi naman sa ipo-prostitute ko yung sarili ko just for the sake of money lang and taking care of my children, I can do other more morally sound things to take care of my children. May takot pa naman ako sa Diyos. But then, ang sa akin lang, kung talagang type ko siya, mahal ko siya. May tawag diyan, e. Alam n'yo ito siguro yung ilalabas ko na, may tawag yung mga bata ngayon na you're the type of girl na regardless kung boy siya o girl siya, pagka nagustuhan mo yung ugali niya o nagustuhan mo siya o mahal mo siya as person and na-feel mo that you are soulmates, go!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dating niya na babaeng-babae siya, kahit minsan ba nagkagusto siya sa kapwa niya babae?

"Oo," diretsong sagot ni Snooky.

Artista ba ito?

"Oo," sabi niya pero tumanggi na siyang pangalanan ito.

Nanligaw ba siya?

"Ako ang niligawan. Tama na baka sabihin talaga ng tao nag-breakdown na ako sa show n'yo."

Binigyan ba siya ng singsing ng aktres na ito?

"Ang init!" pag-iwas na sagot niya.

GOING BACK TO OLD HABITS? Bakit kokonti ang projects niya ngayon? Dahil ba ito sa sinasabing bumalik na naman siya sa dati niyang habits—ang pagiging late sa mga commitment niya?

"Alam n'yo yung old habits na yan, I'm a little bit irritated whenever I hear that. Kumbaga, parang tinatamaan talaga ako. It strikes a chord kasi para bang ang naiisip ko, ano pa bang dapat kong gawin para i-prove sa mga tao na nagbago na ako. I've been so good in a lot of shows that I have appeared in. Hindi nila napapansin yun, hindi nila naisusulat yun. Magkamali ka lang ng konti, yun ang nakikita nila. They make a big deal out of it. So, yun na naman, nandiyan na naman yung stigma. Ang hirap. Nakakapagod din, e.

"Kasi naman noong araw yung mga late-late na 'yan, not because nagpapa-star ako o feeling ko ako ay isang diva, no. It was because that time pa lang, nagsisimula na yung dysthymic mood disorder ko. Side effect yun. Takot akong lumabas sa tao kung alam n'yo lang. Nandiyan yung magbubura ako ng makeup ko, maglalagay ako ulit. Sabihin nang krung-krung pero may disposisyon. Kaya lang, part nung dysthymic mood disorder yung you feel so depressed na parang you want to withdraw from the world. Kaya lang sa showbiz, sabi nga, the show must always go on kahit ano pa ang nararamdaman mo.

"Sinasabi n'yo, bakit wala akong projects? Kasi nga dahil sa stigma nga. Yun bang kahit okay naman ang trabaho ko pero dahil yun ang naging favorite nilang gawing image ni Snooky, na mabagal ito, krung-krung ito, para bang clown of some sort, huwag na nating kunin ito. Hay naku, I always try to prove them wrong. Napapagod na nga ako, e," mahabang paliwanag ni Snooky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ng pagiging unprofessional, sa isang drama anthology (Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN) diumano ay naging problema na naman siya kaya hindi raw siya natuloy sa taping nito. Ano ang masasabi niya rito?

"Natuloy yun. I would like to correct you on that. Natuloy ako. Hindi ako nila naging problema sa MMK. So, I don't know where you got that news from," paglilinaw ni Snooky.

RICARDO CEPEDA. Kumusta sila ng ex-husband niyang si Ricardo Cepeda? Paano nila hinahati ang oras nila sa mga anak nila?

"Okay naman kami. Actually, kami ni Richard we've been very good friends for the longest time. Mas naging close pa nga kami noong nagkahiwalay kaming dalawa, e, which could be ironic but yun ang katotohanan. Ang usapan namin ni Rich, siya yung weekend father pero weekdays yung mga bata stays with me."

So, hindi niya weekend lover si Ricardo?

"Ay, no, father lang."

Kung sakaling magkikita sila ni Ricardo sa E-Games, ano ang sasabihin niya rito?

"Oy, may pera ka na rin ngayon?" natatawang sabi ni Snooky. "Mas may pera na siya ngayon. I stand corrected. I'm sorry Richard. Baka biglang mawalan ng grocery yung mga anak ko."

REACTION ON BAD INTRIGUES. Ikinakairita niya ba yung pagsulpot na naman ng mga issues on unprofessionalism and financial problems?

"Siyempre tao lang ako, hindi pa naman ako nagiging robot. Salamat naman may feelings pa rin ako. Hindi pa naman ako completely nababato. Nai-irritate ako more on the pagtitira sa akin ng mga tao about my professionalism kasi they are not with me 24/7 to know what happens in the taping. How would they know? Hear say lang naman ang lahat, e, karaniwan ng times. But doon sa financial, lahat naman tayo nagkakaproblema financially. I'm not bothered by that. E, di rebound and rebound and rebound, di ba?"

Ano ang message niya sa mga naninira sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Good luck kasi hindi na ako tinatamaan ngayon, e. Dun sa parteng iyon medyo nai-immune na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN