Mocha Uson says talent is the selling point of the new Mocha Girls

IMAGE 0


The new Mocha Girls trio is composed of former EB Babe Mae dela Cerna (left) and former band singer Jhane Santaguiel (right). The group's leader Mocha Uson (center) says both Mae and Jhane are very talented.


Kinontak ni Mocha Uson, lead singer ng grupong Mocha Girls, ang PEP (Philippine Entertainment Portal) upang magpaliwanag sa tunay na rason kung bakit nagkaroon ng personel changes sa sexy all-girl group na kinabibilangan niya.

Lumabas kasi kamakailan dito sa PEP ang interview sa breakaway group ng Mocha Girls na ngayon ay kilala na sa pangalang Girlz Ink. Gusto raw sana niyang magpaliwanag sa tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay nina Hershey, Grace, Bez at Heart sa Mocha Girls. (CLICK HERE to read related story.)

"They were forced to resign by the management," sabi ni Mocha tungkol sa pagkawala ng apat na former Mocha Girls. "Nagkaproblema po sila sa manager po namin. Hindi po nila sinunod ang mga rules when we were in Guam."

Ayon pa kay Mocha, hindi lang sa manager nila nagkaproblema ang former Mocha Girls, nagkaroon din daw ng problema ang mga ito sa producer ng show nila sa Guam.

"Kaya dun pa lang sa Guam, may usapan na ang manager ko at yung mga girls na pagdating dito [Pilipinas] ay papalitan na sila," patuloy pa ni Mocha.

Ayaw nang mag-elaborate pa o magdetalye ni Mocha hinggil sa pagkakatanggal ng apat na former Mocha Girls. Wala rin daw naging problema sina Hershey, Bez, Grace, at Heart kay Mocha.

"Sa akin wala. Sa manager ko lang talaga."

NEW MEMBERS. As for the new members of Mocha Girls, proud na proud si Mocha na inihayag na very talented daw ang mga pumalit sa apat na nawala sa grupo niya—sina Jhane Santaguiel at Mae dela Cerna.



"Si Jhane Santaguiel ay singer-dancer na under management ng kapatid ng manager ko. Dati siyang band singer. Si Mae dela Cerna na former EB Babe ay nakilala po namin sa final taping ng Cool Center. Inalok namin siya na sumali sa grupo at natuwa naman kami dahil pumayag agad siya," sabi ni Mocha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May balak pa ba silang magdagdag ng members?



"Aside from Mae and Jhane, may dalawa po kaming professional back-up dancers na kasama namin palagi sa mga shows namin. Sa ngayon po, tatlo ang Mocha Girls. I am training Jhane and Mae to become solo performers in the future," sagot ni Mocha.



Kung noon daw ay kilala ang Mocha Girls sa pagiging sobrang sexy at daring sa kanilang image, ngayon daw ay mas mangingibabaw ang talent para ibenta ang grupo.



"Dahil talented naman talaga ang mga bagong members ngayon. Ngayon lang po nagawa ng Mocha Girls na mag-perform ng acoustic live [ABS-CBN Music Uplate, kunsaan kinanta nila ang "Hawak Kamay" ni Yeng Constantino, CLICK HERE to watch clip] dahil marunong po talaga kumanta ang bagong members. Nadagdagan pa ng entertainment value ang grupo because Jhane is not only a dancer, she can sing and play the guitar at the same time. Malaki din po ang contribution ni Mae dahil napakagaling po niya sumayaw at sobrang lakas ng appeal niya sa tao," pagmamalaki ni Mocha.



So, ano pang susunod na dapat abangan from the new Mocha Girls?



"We are now working on our third album. May photo shoot din po si Mae and Jhane for FHM. May bago po kaming product endorsement at abangan niyo po ang aming billboard. Ako naman po, may hot production number po sa P.O.5 every Sunday [sa TV5]. We are also going to launch Mae in a TV show soon.



"Tuluy-tuloy pa rin po ang mga weekly shows namin: Mondays and Thursdays nasa Hard Rock Café kami. Then every Tuesday, we are at the Mugen Bar. Wednesday naman, Bluewave. We do out-of-town shows naman every Friday."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN