Lito Calzado grows impatient with GMA-7 for daughter Iza Calzado's lack of a regular show

IMAGE 0


"Merong moment na gusto ko nang sugurin ang management, e. But naho-hold ako, dahil sa loob-loob ko, 'Teka muna sandali, baka hindi tama ang gagawin ko.' So yung pag-aantay, it's up to her. 'Pag sinabi niya sa akin na, 'Dad, walang nangyayari sa career ko,' then that's the time that I will move," said director-choreographer Lito Calzado, whose award-winning daughter Iza (inset) has been waiting for six months for a show of her own.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si director Lito Calzado, ang ama ni Iza Calzado, sa pocket interview na ipinatawag ng GMA Artist Center para kay Iza noong May 13 sa GMA TV Complex.

Ang unang itinanong ng PEP kay G. Calzado ay kung ano ang pakiramdam niya sa pagwawagi ni Iza bilang Best Drama Actress sa Golden Screen Awards para sa pelikulang Dukot.

"Very proud ako! Yung isa sa mga dreams niya, nakamit niya. Basta ang sabi ko lang sa kanya, 'Huwag kang tataas pa sa niyayapakan mo. Always keep your feet on the ground,'" ang pahayag ni Direk Lito.

Marahil ay tataas na rin ang talent fee ni Iza?


"Siguro, pero nasa sa kanya iyon, diskarte niya iyon. Kasi ako naman, kapag sinabi ko sa kanya na, 'O, may kumukuha sa iyo na producer, 'eto ang budget,' tapos sasabihin niya, 'Dad, kausapin mo baka puwedeng ganito or ganyan.' Hindi naman siya ano, e... lalo na kung maganda yung project, ang budget, immaterial."

LOVELIFE. Ang boyfriend ngayon ni Iza ay ang businessman na si Atticus King. Ang comment naman niya sa magandang takbo ng lovelife ng anak niya ay, "Ah, pagdating sa lovelife, hindi ako nakikialam, e. Isa lang ang sinasabi ko na madalas, 'Whatever you do in your private life, go ahead, enjoy it, but don't come back to me and crying! Iyon ang babatukan kita!'"

Close ba sila ng boyfriend ni Iza?

"Well, actually, one year pa lang naman sila, e, hindi pa ganun ka-close, pero he's good, he's a nice man, well-educated, may respeto kay Iza, nirerespeto rin namin siya at nirerespeto siya ni Iza, which is very important in a relationship... respect."

Tito ang tawag sa kanya ng kasintahan ng anak.

What if one of these days ay lumapit sa kanya si Iza at sabihing mag-aasawa na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't think na magpapakasal right now. The one thing I can honestly tell you is maybe at the age of 30, lalapit siya sa akin."

Ang gusto ni Direk Lito ay si Iza mismo ang magpaalam sa kanya, pag nagkataon.

"Kasi sabi ko, 'Ayokong malalaman sa ibang tao na ikaw ay magpapakasal! I should be the first one to know. Pag nalaman ko sa ibang tao, don't expect me to be there in your wedding.' Siyempre, sarili mong bakuran hindi mo alam ang mga nangyayari?"

So sa age of 30 lang niya gustong mag-asawa si Iza?

"Actually, ako nga, gusto ko kahit bukas pakasal siya, e. Dahil siyempre gusto ko na rin namang magkaapo. Because I'm no longer that young, too, di ba? One of these days pe-fade out na rin ako, so gusto ko namang makita yung magiging apo ko. Yung makita ko silang lumaki, something like that."

CAREER PLANS. Tinanong namin si G. Calzado kung kinukuha ba si Iza ng TV5.

"Wala akong nalalamang ganoon na kumausap sa kanya, maski sa akin wala. Ako, may kumakausap sa akin para magtrabaho ako doon. And bilang stage director. Hindi ko matatanggap, hindi ko puwedeng tanggapin dahil nakakontrata ako dito sa GMA.

"Pero kay Iza wala, pero may mga... yung mga sundot, yung ibang mga kaibigan ko na nandun na, kung available daw si Iza. Sabi ko sa ngayon, hindi pa.

"Ngayon, kung gusto ninyong kausapin, set up a meeting, di ba? Kasi mahirap yung ano lang, e, yung puro parinig-parinig. Sabi ko, if they really want to get Iza, e, di tawagan nila.

"Ang point ko lang is because she's happier here. Pag lumipat ka sa ibang istasyon, panibagong pakikisama. E, dito kilala na niya lahat.

"Hindi ko siya inoobligang, 'Uy, lumipat ka!' Maski sa Channel 2... ang Channel 2 ilang beses kaming in-offer-an kaya lang hindi talaga puwede kasi ang sabi ko, 'Ikaw ang magtatrabaho, Anak, hindi ako. Pag nagtrabaho ka dun sa ibang istasyon, see to it that you're happy doing it kasi pag hindi ka happy at tinanggap mo lang dahil sa pera, forget it. You will never be happier than before.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WAITING FOR REGULAR SHOW. So never na aalis si Iza sa GMA?

"Hindi ko puwedeng sabihing hindi aalis, hindi ko rin puwedeng sabihing mag-i-stay dito, o lilipat nga, pero there are times... katulad niyan, to be honest with you... going six months nang walang project na regular si Iza, puro pa-guest-guest lang pero we never complained.

"It's up to the management, kaya ang ano ko lang is, sana makita ng management na si Iza ang unang-unang babaeng kinontrata nilang aktres. Baka they're forgetting it, e, di ba?...

"Hangga't maaari ayokong pumupunta sa management na, 'Uy, ano ba?' Ayoko nang ganun, e. I'm not the type na kakatok sa pinto at, 'Hoy, bigyan mo naman ako ng trabaho,' hindi, e.

"Kaya inaantay ko lang ang desisyon nila. Sa ngayon may balita na bibigyan daw ng isang show na drama, sa gabi, pang-primetime at isang dance show. Ako gusto ko yung dance show," ang sabi ng direktor na unang nakilala bilang dancer at choreographer.

Nang tanungin namin siya kung kailan uumpisahan ang mga bagong regular shows ni Iza, ang sagot niya ay, "That's the $64 question! It's up to the Lord, it's up to the Lord."

Sa ngayon, napapanood si Iza sa guestings niya sa ilang GMA-7 shows tulad ng Party Pilipinas at tuwing weekend sa cooking show ng Q11 na Healthy Cravings.

MORE COMMITMENT TO IZA. Bilang ama na concerned sa career ni Iza, hanggang kailan siya maghihintay na magkaroon ng regular show ang kanyang anak?

"Well, ako actually, merong moment na gusto ko nang sugurin, e, ang management, e. Totoo yun, totoo yun, but naho-hold ako, yung emotions ko dahil sa loob-loob ko, 'Teka muna sandali, baka hindi tama ang gagawin ko.' So yung ano, yung pag-aantay, it's up to her.

"'Pag sinabi niya sa akin na, 'Dad, walang nangyayari sa career ko,' then that's the time that I will move."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balita noon na gagawan ng bagong kabanata ang Encantadia, at isa raw si Iza sa magiging bida, pero hindi pa ito natutuloy. Lumabas na si Iza sa fantaserye noong 2005 bilang reyna ng mga diyosa.

"Maraming mga estudyante mula kung saan-saang eskuwelahan na nakakausap ko, palagi nilang sinasabi sa akin kung kailan ibabalik ang Encantadia because that's very Filipino, very creative, ang design talaga is very Filipino and pati lengguwahe na ginamit nila talagang totoo na ni-research, ni-research talaga.

"Sabi ko nga, imbes na gumawa ka ng mga remake, bakit hindi ito na sarili mong dati na ano, ang ibalik."

GREENER PASTURES. May ibinigay ba na rason sa kanila kung bakit hindi natuloy ang Encantadia?

"Uunahin muna daw yung mga ibang shows. Sabi ko, why do they keep on plugging na for this year ang Encantadia, na soon-to-be-shown na project, pagkatapos hanggang ngayon ni hindi pa kayo nag-uumpisa, ni hindi pa kayo nagpi-pictorial?

"Wala. Magtanong ka dun sa mga de-kalidad na tao sa baba, sa baba at sa itaas, isa lang ang isasagot sa 'yo, ''Tsaka na lang muna natin pag-usapan 'yan.'

"Basta ang sinasabi ko lang, hindi naman ako puwedeng tumagal ng isang taon, hindi talaga. Ako nagbibitaw ng salita. Pag in one year walang nangyayari sa career ng anak ko... it's like me, I can go anywhere, any station, because my credibility is good, one hundred percent!

"Wala akong inapi, wala akong niyurakan, wala akong niyapakan, tunay na serbisyong totoo ang ipinakita ko sa kanila.

"May talent ako! Yes, I believe I have talent. I don't have to wait for somebody to tell me 'Uy, may talent ka!' No, I know that, may talent ako. Since childhood alam kong may talent ako. At si Iza ganun din."

Wala bang move ang Artist Center for Iza's career na maging sunud-sunod ang projects?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pinakikialaman ang move ng management ni Iza, e. Nagtatanung-tanong na lang ako minsan, 'Ano ba?' E, wala namang isinasagot sa akin kaya tinamad na rin akong magtanong pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN