Snooky Serna describes herself as "pansexual"

IMAGE 0


Snooky says the right man for her could be a woman: "I will not deny it, I have a lot of friends who are 'butch,' and I even have relatives who are. And I openly showed them my affection and people see that. But for me, it's no big deal. Ako, I see myself as a pansexual. Sa akin kasi, nakikita ko, either you are a man or a woman, kung nakikita ko ang ka-soulmate ko or ka-jibe ko ang ugali in many ways than one sa isang babae, then maybe I wouldn't mind falling for th


Muling nakapanayam ng Startalk ang controversial actress na si Snooky Serna at kakaiba ang isyung pinag-usapan nila kahapon, May 15. Did you know na maaga rin pala itong dinatnan ng monthly period at the age of six?

Kinumpirma ito ni Snooky sa panayam niya with Butch Francisco.

Aniya, "Actually, we call it ano, e, we call it precocious menstruation. It's not a rare disease but it's a rare occurrence. It happens to two out 10 children.

"Kaya sabi nga namin, kung nagpatuloy yung pagiging pregnant ko at a very young age, and maybe I was the kind of girl na medyo promiscuous, my God, buntis ako at age of eight or six," natatawa niyang kuwento.

WEALTH FRITTERED AWAY. Gaano katotoo ang balitang nasaid daw ang kanyang ipon dahil sa namayapang niyang ina na si Mila Ocampo?

"No, I don't think so. Kung naubos man ang pera, ako siguro ang nakaubos nun. Naubos siya in a lot of things except gambling. Nakapag-try lang naman ako siguro mga two times or up to three, gambling na ba yun? Siyempre, I am my own commodity, e. Ang binebenta ko hindi naman mama ko, sarili ko. So, siyempre, makipagsabayan ka sa mga Maricel Soriano, Sharon Cuneta. I made a lot of stupid investments."

Ano-ano ang mga iyon?

"Isa-isang nawala yun, the properties, house, money at the bank. Mga luho ko, unti-unti nang sinasangla ko or I would sell it to my friends."

Umabot nga raw siya sa puntong nagko-commute na lang siya. Pero ayon kay Snooky, wala naman problema sa kanya kung nagta-tricycle man siya.

"Wala talaga... it's a public utility vehicle that I feel for us to appreciate. Sasakay tayo ng jeep, sasakay tayo ng bus."

PERSONAL RIFTS. Butch asked Snooky kung totoong may bitterness siya kay Mother Lily Monteverde?

"Hindi naman siguro bitterness. It's more of frustration na a little bit of amusement na sa kanya nanggaling yung 'pagong'. Na hanggang ngayon, hindi pa rin naalis sa consciousness ng mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binansagang "Pagong Queen" noon ang aktres dahil madalas siyang ma-late sa mga tapings at shoots.

"Noong birthday ni Jun Lalin, which was very recent, I greeted her, pero may wall, e."

Annulled na nga ba ang kasal nila ni Ricardo Cepeda?

"Civilly annulled kami pero yung Catholic marriage namin, church marriage namin, hindi pa. We're still working on that."

Yung sa ikalawa niyang asawa na si NiƱo Mendoza, isang musikero, annulled na rin ba?

"Hindi pa rin..."

Muntik na raw silang magtanan noon ni Albert Martinez?

"Ah, oo... E, kasi naman, I was only fourteen. Bata pa ako... I didn't know any better. Bata pa si Sabel noon, kumbaga. Yun, nagtanan kami, three times, pero, hindi naman natuloy which was blessing in disguise naman, otherwise Albert would not meet his woman of his dream and I would not meet Richard and we would not have two beautiful children."

Si Richard, nagpakasal na rin?

"Well, he's in a relationship. I've met her in the wake of my mother. She's a very nice person."

THE RIGHT MAN CAN BE A WOMAN. What about her?

"I'm not involved with somebody at the moment and I'm not planning to be involved very, very soon," natatawa niyang sabi.

Pero gaano naman katotoo that she's dating a lesbian?

"I will not deny it, I have a lot of friends who are 'butch' and I even have relatives who are. And I openly showed them my affection and people see that. But for me, it's no big deal. Ako, I see myself as a pansexual. Sa akin kasi, nakikita ko, either you are a man or a woman, kung nakikita ko ang ka-soulmate ko or ka-jibe ko ang ugali in many ways than one sa isang babae, then maybe I wouldn't mind falling for that person but not necessarily getting into that relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then, if the right man comes along, then why not, I'm a hopeless romantic, as I say, and if the right woman comes along, then I'll just cross the bridge when I get there."

May nanligaw na ba sa kanyang lesbian?

"There are a few who tried na."

So far, sa mga nanligaw, wala pa siyang pinansin?

" Well... truthfully..."

Any regrets?

"You know, yes... parang naiisip ko, siguro kung sinagot ko siya, baka mas solid yung buhay ko ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN