(PART 1) Coco Martin's manager defends his ward against Katherine Luna's accusations

IMAGE 0


"Given his character na makapamilya, maka-Diyos, at mapag-alaga sa mga pamangkin niya, at ultimo pamangkin ko, hindi ko mawari, e, na if the child in question is his or not, and he doesn't give me definite answer, maybe you're right. Baka maybe, he's not sure. And maybe, he doesn't wanna talk about it to save the child from embarrassment," says talent manager Biboy Arboleda about Katherine Luna's (inset) claim that Coco Martin (main photo) is the father of


Walang dudang si Coco Martin ang isa sa pinakamasuwerteng young actors ngayon ng ABS-CBN. Isang malaking tagumpay ang ABS-CBN series na Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla kung saan na-feature si Coco sa Tonyong Bayawak.

Nasa kasagsagan din ng success ang pang-primetime program ni Coco na Kung Tayo'y Magkakalayo, bukod pa sa bagong independently-produced film niyang Noy, at mga bagong endorsements na kabi-kabilang ginagawa ng magaling na aktor.

Pero sabi nga, kung hitik na ang bunga ay talaga namang pinupukol.

Noong May 9, Linggo, pagkalipas ng limang taong hindi pagsasalita on national television, lumabas sa Paparazzi, ang bagong talk show ng TV5, ang babaeng sinasabing "naanakan" daw ni Coco noong halos nagsisimula pa lamang ito sa kanyang showbiz career—ang aktres na si Katherine Luna na nilunsad sa Ang Babae sa Breakwater ni Direk Mario O'Hara a few years ago.

Nagkasama sina Coco at Katherine sa launching movie ng aktor na Masahista (2005).

Sa presscon ng ABS-CBN ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla last May 12, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Biboy Arboleda, ang manager ngayon ni Coco (simula pa noong Tayong Dalawa days ng aktor). Si Biboy ang Unit Ad and Promo Manager ng nasabing Saturday afternoon series.

Bago pumunta ng presscon si Biboy, nagkausap daw sila ng alaga niyang si Coco.

"Sabi sa akin ni Coco, 'Mother [tawag nito sa kanya], baka kausapin ka ng press?' Sabi ko, 'Makikipag-usap talaga ako, anak. Ako na lang ang makikipag-usap in your behalf,'" sabi ni Biboy.

KATHERINE RESURFACES. Sa nasabing Paparazzi interview sumabog ang matapang na mga pahayag ni Katherine laban kay Coco. Mga akusasyon tungkol diumano sa pagsilang ng kanilang baby ni Coco at pagpabaya nito sa hindi pagbibigay ng sustento, ang pagpatol sa bading para sumikat, paggamit sa kanyang pangalan noong nagisimula pa lang sa showbiz si Coco about five to six years ago, at iba pang mga mabibigat na paratang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last week ay lumabas din sa isang glossy magazine ang isa pang panayam muli kay Katherine. Tungkol sa nasabing interview, nagkausap at nagkaayos na sina Biboy at ang editor-in-chief nito.

Since both in TV and in print ay kontrobersiyal ang isyung Katherine vs. Coco, hindi naging mailap sa movie press si Biboy nang hingan siya ng kanyang side tungkol sa mainit na isyu.

"Mina-manage ko si Coco, dalawang taon na," banggit ni Biboy. "Parang sa negosyo natin sa showbiz, before me, may three years na siya under Noel Ferrer and under Ihman Esturco.

"Sabi ko, naalala ko noong pumutok ang balita about Katherine na may baby, ang manager noon ni Coco ay si Ihman. After noon, namatay ang issue, nag-indie films si Coco, and at that time, mina-manage na siya ni Noel Ferrer na kaibigan ko rin naman, like Ihman.

"Pero ako talaga," patuloy ng talent manager, "I will claim na ang TV career ni Coco from Tayong Dalawa, ako na 'to, panahon ko na. Sabi ko, unfair na yung ganyang klaseng problema, mamanahin ko pa, di ba? And that's personal. I don't understand why or how come the girl will talk now."

May isang reporter na sumingit sa aming usapan. Aniya, may indie film daw kasi ngayon si Katherine.

"A, so, magpo-promote?" sabi naman ni Biboy. "So, di ba, parang sabi ko, wala akong nakikitang reason, e. 'Tsaka yung timing ba...yung timing. Kasi sabi ko, may career yung bata [Coco]. May pelikula kaming magbubukas ng end of May. So, nakiusap ako, sabi ko, may papasukan akong endorsements like Belo, nag-pictorial na. Dalawa, tatlong endorsements... So things like that, mawawalan ka ng endorsements. E, hanapbuhay 'to.

"So, ngayon, ang iha-handle ko na lang, the people from the other side, ay talagang non-stop...non-stop! Kahapon, sa Juicy, tinatawagan ako ng staff for my reaction, di ko sinagot. Parang ayoko. Ayokong magsalita. Nag-usap kami ni Coco. Sabi ko, 'You are protected. You are not gonna answer anybody.' Sabi ko, 'Pag nag-presscon tayo for your movie, doon ka sumagot. But not now.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan niya nalamang lalabas si Katherine sa Paparazzi?

"Nalaman ko na lang ng 1 p.m. that day na. Nasa photo shoot kami ni Coco for Bench. Walang TV sa studio sa Makati, e. Tapos, ayan na, tumawag na sina Direk Erik Salud, 'O, nakita namin yung plug...' Sabi ko, 'A, okay.' Gano'n lang ako. 'Saka siyempre, ayokong ipaalam sa bata kasi siyempre nagtatrabaho, e, di ba?

"Eto na... Nakalimutan ko na ang cell phone niya, hawak niya! May nag-text. Kamag-anak niya. Una doon yung lola niya, kapatid niya... 'Kuya, ano 'to?' Tapos, lumapit siya sa akin, sabi niya, 'May gusto ka bang sabihin sa akin, Mother?' Mga alas-kuwatro na. Sabi ko, 'Ha? Wala naman...' Tapos, lumambing. Nahiga dito [sa balikat ko]... Pag humiga na 'yan, ibig sabihin, don't lie to me!' Hahaha. Sabi ko, 'Oo, anak, lumabas na naman siya. TV na ngayon!'"

WHO'S THE FATHER? Ayon kay Biboy, wala na raw komunikasyon sina Coco at Katherine.

"Wala na silang kontak," diin ng manager ni Coco. "Tinatanong ko siya about it. Sabi ko, 'Ayokong manghimasok, kasi in fairness, hindi pa kita kilala nung nagkarelasyon kayo. Hindi pa kita kilala at di mo pa ako manager. Kaya ngayong may ganito, sana malaman ko, di ba?' Ang sagot ng bata sa akin, 'Mother, hindi ko naman dine-deny na nagkarelasyon kami.' Kahit itanong mo pa sa mga barkada niya."

E, yung anak?

"Yung bata, malaking toss up in the air at pahulaan 'yan. Kasi, the issue, ever since, dinekleyr no'ng girl sa TV and sa print, na ang ama ay ang anak ko [Coco]. Never kasing nagsalita ang anak ko about it, e...pag-uusapan.

"Tapos now, in Paparazzi and in the magazine, ang isyu is parang sustento...ang isyu ay pinapabayaan. DNA na ayaw daw... Yung mga gano'n. Sabi ko, saan ito nanggagaling lahat? Parang sa tingin ko, it's well-orchestrated. It's a major... Parang sa tingin ko, may script, di ba? Nagtataka ako, for what? Now I learned na may movie pala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nagiging reaksiyon ni Coco kapag tinatanong niya kung may anak nga ba ito kay Katherine?

"Wala, normal," sagot ni Biboy.

Yes or no?

"Hindi siya makakasabi sa akin ng yes or no, Mell. Kasi nga, ang premise ko dito is, I wasn't there, e. I wasn't there. And maybe, tama yung may nagsabi sa akin na kapag sinabi sa akin nung bata kundi yes or kundi no, maybe, he's not sure. Maybe he's not sure... You can quote me on that. Wala siyang maisagot sa akin, e."

COCO IN THE EYES OF HIS MANAGER. Kuwento pa ng manager, ang alagang si Coco raw ay isang taong maka-Diyos, mapagmahal sa pamilya, at mapag-alaga sa mga kamag-anak.

"Ako, ganito lang ha, si Coco, maka-Diyos na tao. Deboto 'yan ng Sto. Niño sa Quiapo. Pag may libreng oras 'yan, 'Mother, pupunta ako ng Quiapo, kailangang makahalik ako sa Sto. Niño.'

"'Pag piyesta ng Quiapo, sumasama 'yan. Sa liit niya at sa balat niya, nagbe-blend siya doon, hindi siya napapansin na siya si Coco Martin. Pero nitong January, pagpunta niya, nag-disguise na siya, kasi baka makilala na siya. He's a devout Catholic.

"Pangalawa, makapamilya siyang tao. Ang pinag-iipunan niya ngayon ay ang makabili o makapagpatayo ng bahay para iisang bahay na ang kanyang mama at ang kanyang mga kapatid, kasama niya. Kasi hiwa-hiwalay sila ngayon, e. Ang mama niya, nasa Pampanga. Siya, nasa lola niya. Ang papa niya, ibang bahay. Yung kapatid niya, nasa kanya pero yung kapatid niyang babae, nasa mama niya. So, parang feeling niya, kalat sila. Gusto niya, buo sila."

Dagdag niya, "Tapos nung Sabado [May 8], nagpunta kami sa Bacolod. Nangampanya kami para sa kaibigan ko. So, nung nasa Bacolod ako, nandun ang dalawang ate ko at ang dalawa kong pamangkin na babae—isang second year college at isang third year high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yun ang inaalagaan ko, kasi ako ang sumasagot sa pag-aaral ng mga bata. Yung bahay namin sa Bacolod at mga ate ko. So, ako, sabi ko kay Coco...tawag ko sa kanya, Coco Pie. Sabi ko, 'Coco Pie, lambing si Mother... Pagkatapos ng kampanya ng alas-onse, sa hotel natin, may coffee shop. Andun ang pamilya ko. Papakilala lang kita. Kasi, love ka rin naman ng mga pamilya ko.' 'Okay, Mother!'

"So, pasok, kain kami, picture-picture. Tapos ako, tuwang-tuwa kasi nakita ko ang pamilya ko, kasi it's been a year and a half. Siyempre ako, tawid ako ng ATM, nag-withdraw ako ng datung. Kasi siyempre, magbibigay ako dahil enrolment na, di ba? Abot ako sa tita ko, 'eto sa iba. Yung lolo n'yo [Coco], bago kami umalis, kinuha ang kamay ko, inabutan ako ng datung. At sinabi niya sa akin, 'Para sa dalawang bata, idagdag mo enrolment!' At doon galing yun sa talent fee, sa raket namin.

"So ako, sa Blackberry group, sabi ng mga kaibigan ko, 'Saan ka, bakla?' Sabi ko, 'Sandali lang, bibili lang ako ng sigarilyo sa 7-11 sa labas.' Umiyak ako. Sabi ko sa kanya [Coco], 'Anak, you didn't have to.' Sabi niya, 'Mother, pamilya tayo... Pamilya ko, pamilya mo, pamilya tayo.'

"So, going back to your question... Given his character na makapamilya, maka-Diyos, at mapag-alaga sa mga pamangkin niya, at ultimo pamangkin ko, hindi ko mawari, e, na if the child in question is his or not, and he doesn't give me definite answer, maybe you're right. Baka maybe, he's not sure. And maybe, he doesn't wanna talk about it to save the child from embarrassment," mahabang lahad ni Biboy.

Talagang bilang manager, hindi niya direktahang matanong ang alaga?

"I don't, e. Kasi, it's none of my business. As the business manager, I handle his business," sagot ni Biboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLICK HERE to read Part II.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN