Barbie Forteza and Joshua Dionisio face new challenge in primetime series Pilyang Kerubin

IMAGE 0


Although First time has yet to air its last episode, Joshua Dionisio and Barbie Forteza are now preparing for their next project together, the upcoming primetime series Pilyang Kerubin. "Excited na po mag-taping kasi bago na po yung makakasama namin at primetime na po. 'Tsaka madami na pong artista, mga malalaking artista na makakasama namin. Kinakabahan po talaga [ako], kasi mga bagong artista na po'ng makakasama tapos


Pinag-uusapan ang nalalapit na pagtatapos ng GMA-7 pre-primetime series na First Time, na pinagbibidahan ng dalawa sa pinakasikat na teen stars ngayon, Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Pero hindi pa man natatapos ang First Time ay mayroon na agad silang bagong palabas na pinaghahandaan—Pilyang Kerubin.

NEW ROLES. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Barbie at Joshua sa taping ng First Time sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Tandang Sora City kahapon, May 18, sinabi ng dalawa na malaki ang kaibahan ng kanilang mga role ngayon sa magiging role nila sa Pilyang Kerubin.

Si Barbie na mula sa pa-cute image sa First Time ay magiging "tomboyish" sa upcoming primetime series nila.

"Kasi po si Cindy dito, mahinhin, tatahimik lang pag may problema. Sa Pilyang Kerubin, pilya ako dun na tomboyin. Dito, sweet-sweet ako, pa-cute cute lang... Doon, sobrang pilya ako na bawat salita ko, kailangan may galaw, may movement," paglalarawan ni Barbie sa kanyang role.

Si Joshua naman na may pagka-bad boy ang dating sa First Time ay magiging good boy type na sa bagong show.

"Ang role ko po kasi dito [sa First Time] ano, e, snob. Seryoso masyado tapos walang pakialam sa mundo. Doon [sa Pilyang Kerubin], mabait ako, mabait na... Kasi magkaibigan kami [ni Barbie] dun, so maraming [pagbabago]. Kailangan iba talaga yung makita ng tao na parang character namin, yung aura namin iba na dun sa First Time," sabi ng teen actor.

BIG ADJUSTMENT. Sinabi rin nila na malaki ang adjustment na kanilang pagdadaanan para mas mapaganda ang pagganap nila sa mga bago nilang role sa Pilyang Kerubin. Sila ay nagdaan sa mga workshops at tinulungan din nga kanilang direktor na si Andoy Ranay, na siya ring direktor ng First Time.

Masayang-masaya sina Barbie at Joshua sa tiwala na ibinibigay ng GMA-7 sa kanila dahil sa patuloy na pagbibigay ng projects sa kanila. Si Joshua ay excited na kahit kabado rin siya dahil sa mga bagong makakasama sa bagong show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Joshua, "Excited na po mag-taping kasi bago na po yung makakasama namin at primetime na po. 'Tsaka madami na pong artista, mga malalaking artista na makakasama namin. Kinakabahan po talaga [ako], kasi mga bagong artista na po'ng makakasama tapos first time namin makakasama yung mga yun."

Si Barbie naman ay sobra ang saya at pasasalamat dahil kahit baguhan sila ay napapansin na ng tao at ng management ang kanilang performances.

"Sobrang saya kasi kahit first time pa lang nitong show namin, napansin agad kami ng tao at ng GMA kaya binigyan kami ng opportunities. Na after this, isa pang palabas, kaya sobrang thankful."

PRIMETIME SHOW. Kung ang First Time ay pre-primetime, ang Pilyang Kerubin ay ilalagay sa primetime slot. Kaya naman nang tanungin sila tungkol sa mahigpit na labanan sa ratings, inamin nina Barbie at Joshua na kabado sila sa magiging pagtanggap ng mga tao sa kanila.

Si Barbie ay umaasa na kung paano sinuportahan ng kanilang mga tagasubaybay ang First Time ay ganun din ang gawin nilang pagsuporta sa bago nila sa Pilyang Kerubin.

"Sana subaybayan pa rin ng tao ang Pilyang Kerubin. Alam ko namang hindi kami pinapabayaan ng tao kasi yung First Time, yung suporta nila hindi ko akalain na ganun, ganun sila sumuporta sa amin kahit baguhan pa lang kami. Dito sana, ganun pa din," saad ni Barbie.

Ikinalungkot nga lang nina Barbie at Joshua na hindi na nila makakasama si Jhake Vargas, na nakasama nila sa Stairway to Heaven at First Time, sa kanilang bagong show sa GMA-7. Instead, ang makaka-love triangle nila ay ang young rapper na si Elmo Magalona, na anak ng yumaong si Francis Magalona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN