FIRST READ ON PEP: Vicki Belo and Hayden Kho spotted watching Dancing With The Stars live in U.S. studio

IMAGE 0


One strong evidence that Vicki Belo and Hayden Kho are now together in the States is the live episode of the reality show Dancing With The Stars. Photo shows Dra. Belo and Hayden with the show's host, Tom Bergeron. (Click here to view the video

)


May matibay na ebidensiya na magkasama ngayon sa U.S. sina Vicki Belo at Hayden Kho. Sa semi-finals episode (May 18) ng sikat na reality show sa U.S. na Dancing With The Stars ay na-focus sa kamera ang dalawa, kasama ng live audience sa loob mismo ng studio (Click here to view the video).

Sa isang segment ng show ay tumabi ang host ng Dancing With The Stars na si Tom Bergeron kina Dra. Vicki at Hayden, na nasa front row ng audience, habang ini-interview nito ang isang costume designer. Naka-red spaghetti dress si Dra. Vicki samantalang naka-coat and tie naman si Hayden.

Isa sa finalists ng Season 10 ng Dancing With The Stars ang Filipino-American na si Nicole Scherzinger, na miyembro ng all-female group na Pussycat Dolls. Ang iba pang natitirang celebrity contestants ay ang ESPN sportscaster na si Erin Andrews at ang Olympic gold medal figure skater na si Evan Lycasek.

"SPIRITUAL JOURNEY." Matatandaang naunang lumipad patungong U.S. si Hayden at sumunod naman si Dra. Belo.

Sa isang panayam ay sinabi ni Dra. Belo na parang regalo na raw sa kanya ni Hayden ang pagpunta nito sa U.S.

"It's always what I've wanted him to do. I always wanted him to go on a spiritual journey. Matagal ko na in-encourage, ngayon lang niya ginawa," saad ng cosmetic surgeon sa panayam sa kanya ng Startalk.

Nagkaroon pa nga ng isyu ang pag-alis ni Hayden ng bansa. May kinakaharap kasing kaso ngayon si Hayden na isinampa sa kanya ng aktres na si Katrina Halili.

Ayon sa abugado ni Katrina Halili na si Atty. Raymund Palad ay hindi aprubado ng korte ang pag-alis sa bansa ni Hayden. Sinasabi naman nina Hayden at Vicki na alam ito ni Atty. Palad dahil ipinaalam daw ito ng judge sa kanya.

FROM U.S. TO FRANCE. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang malapit kay Dra. Belo na sa Los Angeles dumiretso si Hayden. Pagkatapos nito ay nagpunta siya sa Arizona para sa kanyang retreat, at saka siya bumalik sa Los Angeles kung saan sila nagkita ni Dra. Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa aming source, tila hindi raw alam ni Hayden na susunod sa kanya sa U.S. si Dra. Belo. Nagulat daw kasi si Hayden nang sabihin sa kanya sa pamamagitan ng Facebook na pupunta rin ng U.S. si Dra. Belo.

Pero tila mahirap paniwalaan ang bagay na ito dahil parang may nakahanda nang itinerary sina Dra. Belo at Hayden sa kanilang U.S. trip, kabilang na nga ang panonood ng Dancing With The Stars. Ayon pa sa aming source, from U.S. ay nakatakda ring magpunta ang dalawa sa Paris, France.

Bagamat hindi pa rin umaamin sina Dra. Belo at Hayden, marami ang naniniwala na nagkabalikan na sila.

Sa June 1 nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang dalawa. Sa June 7 kasi ay may scheduled hearing para sa kasong isinampa ni Katrina laban kay Hayden.

WARRANT OF ARREST FOR HAYDEN'S MOTHER. Samantala, habang nasa U.S. si Hayden ay nag-issue ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court sa ina niyang si Mrs. Irene Kho. Ito ay kaugnay ng dalawang counts ng libel case na isinampa ni Katrina Halili laban kay Mrs. Kho noong kasagsagan ng pagkalat ng sex-video scandal nina Hayden at Katrina.

Ayon sa reports, wala raw si Mrs. Kho sa kanilang tahanan nang i-serve ng mga awtoridad ang warrant of arrest. Pero kahapon, May 18, ay nag-post na ng P20,000 bail si Mrs. Kho at ang kanyang abugado sa Quezon City Hall of Justice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN