I Laugh Sabado's Jan Manual says he fights off shyness every time he performs

IMAGE 0


Jan Manual first garnered laughs as Startalk's Pacboy. Now he wants to create more characters for QTV-11's gag show. "Idol ko kasi si Michael V. Bilib ako sa kanya kapag ginagawa niya ang iba't ibang characters sa Bubble Gang. Yun ang gusto kong gawin sa I Laugh Sabado," said the StarStruck season 4 alumnus.


Magandang break para sa StarStruck IV Avenger na si Jan Manual ang mapasali sa gag show ng QTV-11 na I Laugh Sabado. Sa nasabing show ay naipapakita ni Jan ang kanyang kakayahan bilang komedyante sa iba't ibang sketches na ginagawa nila every week.

Nakilala nga si Jan sa pag-impersonate sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Ginaganap niya ang character na si Pacboy sa isang segment ng showbiz talk show na Startalk. Pero gusto ni Jan na maka-create siya ng mga bagong characters para hindi raw mapagsawaan ang kanyang Pacboy character.

"Idol ko kasi si Michael V. Bilib ako sa kanya kapag ginagawa niya ang iba't ibang characters sa Bubble Gang. Yun ang gusto kong gawin sa I Laugh Sabado.

"May nagsabi nga sa akin na since nasa isang gag show na ako, i-grab ko na ang opportunity na mailabas ko ang talent ko sa comedy. Tulad nga ng pag-create ng bagong characters at sa pagganap sa iba't ibang roles sa mga sketches namin.

"Ngayon nga may mga naiisip na akong gagawin na mga characters. May politician, may superhero at kung anu-ano pa. Gusto ko i-present sa mga writers namin para magawan nila ng magandang sketch."

NATURALLY SHY. Kung titingnan si Jan ay mukha itong tahimik at walang kibo, pero anya'y may wild side siya na kailangan lang mas mai-push pa.

"Game naman ako sa mga pinapagawa nila sa akin, e. Lahat naman kami sa show kung anu-ano na ang mga ginagawa. Minsan kasi, nauunahan ako ng hiya, lalo na kung magaling ang mga makakasama ko sa isang sketch namin. Pero iniisip ko na lang na kapag inunahan ako ng hiya, walang mangyayari sa akin. Kaya pagdating sa set, tinatanggal ko na kung anumang hiya meron ako at all-out ako sa gagawin namin.

"Mas okey lumalabas kasi hindi ako naghu-hold back. Yun naman ang natutunan ko kina Kuya Wally [Bayola], Paolo [Paraiso] at Archie [Alemania]. Kasi sila, wala silang nararamdaman na hiya. Gagawin nila ang sketch na parang natural lang sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unti-unti namang nabi-build up ang confidence ko sa show. Kasi nga nasanay lang ako sa Pacboy character ko. Ngayon, kailangan ko nang gumanap sa iba't ibang characters sa show para masanay ako."

HOPES TO DO DRAMA. Nalinya man sa comedy si Jan, pinapangarap pa rin niyang maging leading man sa isang drama series. Ka-batch kasi ni Jan sa StarStruck ang mga nagbibida na ngayon sa TV dramas na sina Aljur Abrenica at Paulo Avelino.

Naka-cast naman siya sa ilang drama ng GMA-7 pero kadalasan ay bilang best friend or sidekick ng bida.

"Pangarap lang naman, wala namang masama, di ba? Libre ang mangarap," sabay ngiti ni Jan.

"Bilang actor kasi, gusto mo rin naman na mabigyan ka ng break sa drama, di ba? Pero siyempre, may nilulugaran ka rin. Iba ang level nila Aljur at Paulo, e. Pambida talaga sila pagdating sa mga drama series.

"Ako naman, okey na ma-cast ako bilang kaibigan, kontrabida or bading. Diyan naman nagsisimula ang ibang artista, di ba? Sa maliliit na roles muna. Pero kung sa comedy talaga ako nakalinya, yun ang pagbubutihan kong gawin."

Iniisip na lang ni Jan na bida man sina Aljur at Paulo sa mga drama series pero hindi naman daw sila sanay na magpatawa na tulad niya.

"May kanya-kanya nga kaming lugar talaga. Kasi kung ilagay mo sa gag show sila Aljur at Paulo, magmumukhang awkward sila kasi hindi sila sanay. Hindi tulad ko na kahit na anong pagpapatawa ay kaya ko.

"Kaya nga hanggang pangarap na lang talaga ako na magbida sa drama. Ipaubaya ko na lang daw 'yan kina Aljur. Dito na lang ako sa comedy kunsaan puwede akong magbida," pagtatapos ni Jan Manual.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN