Wowowee co-host Isabelle Abiera says the show will never be the same without Willie Revillame

IMAGE 0


"Parang hindi na rin Wowowee kung wala na si Willie. So, siguro po ay magiging bagong show, papalitan nila, hindi na Wowowee ang pangalan pero ganyan pa rin ang style. Pero iyon lang po ang palagay ko," says newcomer Isabelle Abiera.


Naniniwala si Isabelle Abiera, isa sa apat na bagong co-hosts sa Wowowee, na iba na ang naturang show kapag tuluyan na itong iniwan ni Willie Revillame. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Fil-Am newcomer last night, May 30, sa birthday party ng PEP contributor na si Rommel Placente sa isang bar sa Timog, Quezon City.

Sinabi ni Isabelle na umaasa siyang mami-miss din ni Willie ang Wowowee na siyang magiging daan ng pagbabalik dito ng controversial TV host.

"Ang alam ko po, magpapahinga lang si Kuya [Willie] mga three months. Tapos, baka babalik siya, baka hindi. Hindi po kami talaga sigurado, e. Ako, sa tingin ko, baka mami-miss niya rin ang Wowowee, kasi sanay siya na araw-araw ay yun ang ginagawa niya for ilang taon na, di ba? So, baka kailangan lang niya ng break. Hindi ko po alam, pero siguro babalik din yon," sabi ni Isabelle.

Sa tingin ba niya, kung papalitan nang tuluyan si Willie ay ganoon pa rin ang Wowowee?

"Well, ang Wowowee ay hindi kumpleto kung wala si Willie," sagot ng newcomer. "Kasi, show niya talaga 'yon. So, wala akong masabi tungkol sa kung may bagong host ay matutuloy pa rin ba ang Wowowee. Kasi, parang hindi na rin Wowowee kung wala na si Willie. So, siguro po ay magiging bagong show, papalitan nila, hindi na Wowowee ang pangalan pero ganyan pa rin ang style. Pero iyon lang po ang palagay ko."

WILLIE'S DISCOVERY. Si Willie mismo ang nakadikubre kay Isabelle, although lumalabas-labas na rin sa TV ang 17-year-old na dalaga bago pa man siya napasali sa Wowowee. Katunayan, kasali si Isabelle sa afternoon soap na Rosalka at member ng Star Magic Batch 15.

"Hindi niya [Willie] alam na kasali na ako sa Rosalka, nagpa-go-see siya kasi. Pero prior to that, dati na akong nag-Wowowee. Fourteen ako noon, tapos 15, tapos 16, lumabas na ako sa Wowowee, lagi kaming nagkikita. So, tinatanong niya ako kung ang Tagalog ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi dati, nahihirapan po akong mag-Tagalog. Kasi lumaki po ako sa States at sa Boracay, e. Bisaya po ang mom ko, so hindi niya ako tinuruang mag-Tagalog. Natuto lang talaga ako nang pumasok ako sa showbiz," saad niya.

Ipinanganak si Isabelle sa California. Nang 10 years old na siya hanggang 14 ay sa Boracay naman nanirahan at nag-aral sa Brent School sa Boracay rin.

Pero ano ba ang kaibahan ng Wowowee mula nang nawala si Willie?

"Iba pa rin kasi kapag nandiyan siya. Kasi, siya ang organizer ng lahat, siya yung gumagawa ng lahat. Kahit may mga co-host siya, siya pa rin yung in control. Kaya lang noong nawala siya, siyempre hindi na siya yung in control doon, medyo mas sina Ate Pokey [Pokwang] at Ate Mariel [Rodriguez] yung nagko-control, at saka kung sino man yung...like si Kuya Robin [Padilla] kasi siya yung guest host doon. Pero siyempre, iba pa rin si Willie na mag-host," nakangiting wika ni Isa.

Pero habang wala si Willie, kung may choice siya, sino kaya ang gusto niyang humalili muna pansamantala sa kanyang Kuya Will?

"Ako, para sa akin, gusto ko bumalik si Kuya Robin. I mean, kung hindi si Kuya Will, gusto ko sanang bumalik muna si Robin. Kasi, ang lakas niya sa tao. Kasi, sobra siyang sincere sa mga tao. Lahat kami nararamdaman namin yung pagiging sincere niya. So, sana bumalik na lang siya. Because, ang taas talaga ng ratings at saka kitang-kita naman ang saya talaga ng mga tao pag andoon siya. Hindi ko alam kung yung ibang guest hosts, kaya nilang tapatan yung standard niya," saad ni Isabelle.

ROSALKA. Gaya ng nabanggit, bukod sa Wowowee ay kasali rin si Isabelle sa cast ng Rosalka na nagtatampok kay Empress Schuck. Isang kontrabida ang papel dito ni Isa, nickname ni Isabelle, kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa exposure niya sa Wowowee dahil kadalasan ay nagagalit ang fans sa mga kontrabidang nang-aapi sa bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ako yung ka-love triangle ni Empress kay Felix Roco. Bale anak ako rito nina Dominic Ochoa at Maricar de Mesa, bale kontrabida ang role ko doon. Kaya lang, may dahilan po kung bakit siya naging ganoon. Malalim po ang kuwento ng Rosalka, lalabas na po ako doon this week, sana abangan ng viewers."

Aminado rin si Isabelle na nagkaroon siya ng takot sa papel niya sa Rosalka dahil aapihin niya rito si Empress.

"Sa umpisa po ay natakot ako, mabuti na lang dumating yung Wowowee. Dito ay binigyan ako ng pagkakataon para maipakita ko sa mga tao na hindi talaga ako mataray at maldita. At saka, dito rin mailalabas ang skills ko sa pag-arte. So, hayun, kaya masaya talaga ako. Dito nila sa Wowowee makikilala iyong tunay na Isa at yung makikita nila sa Rosalka ay acting lang.

"Idadagdag ko lang po na sobrang blessings talaga ito, sabay pang dumating yung Rosalka at Wowowee. Matagal ko pong hinintay ito kaya sobrang saya ko na dumating ito at sabay pa. And also, handa ako kasi dati parang hindi ko alam kung ano talaga ang gusto kong gawin, e.

"Nagsimula kasi ako bilang model noong 10 years old, and before, parang hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin, kung ito ba talaga, kung mag-aaral, or what. So, sobrang nagpapasalamat ako sa chance na ibinigay sa akin. Kasi hindi lahat ng 17 years old ay may chance na maging host ng Wowowee, 'saka sabay pa na dumating yung soap opera," pahayag ni Isabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN