PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruffa Gutierrez wants to keep her private life quiet for security reasons

Ruffa maintains there is no rift between her and Shaina Magdayao.
by Rey Pumaloy
Published Jun 1, 2010
"I've just been getting text messages again and threatening me...pananakot sa buhay ko. Ako, I'm used to it naman na, e. Ang akala ko, nawala na, bumalik na naman. It's about two weeks ago. Pero my God! I don't wanna discuss it. It's not a joke! This is about real life, this is about real family," says Ruffa Gutierrez about the latest "threatening text messages" she is getting.

Matapos maglaglagan sa kanilang Sunday showbiz talk na Paparazzi sa TV5 noong nakaraang Linggo, May 31, nagkakatawanan at nagkakabiruan pa rin ang dalawa sa apat na hosts nito na sina Ruffa Gutierrez at Mo Twister sa presscon ng nasabing show kaninang hapon, June 1, na ginanap sa Alfredo's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa Paparazzi, ibinuko ni Ruffa na kasama raw ni Mo sa kanyang trip sa Paris, France si Rhian Ramos. Dinagdagan pa ni Ruffa ang pambubuko sa DJ-TV host nang sabihin niyang binigyan ni Mo ng Christian Louboutin shoes ang rumored girlfriend na nagkakahalaga raw ng humigit-kumulang na $1,025.

Bilang ganti, humirit naman ng pambubuko si Mo kay Ruffa sa show. Sinabi nitong naiinis si Ruffa sa nagkalat na maraming photos ni Shaina Magdayao sa revolving panel sa stage at gusto nitong ipatanggal ang naturang mga larawan.

Kung nagulat si Mo sa mga rebelasyon ni Ruffa tungkol sa kanilang "secret affair" ni Rhian, naloka naman si Ruffa sa panlalaglag sa kanya ng co-host niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinanggi ni Mo ang tungkol sa Paris trip nila ni Rhian at ang mamahaling sapatos, gayundin si Ruffa sa pagpapatanggal daw niya ng mga larawan ni Shaina sa kanilang set.

CEASEFIRE. Pero nitong presscon ng kanilang show, hindi bumanat ng kanilang asaran sa isa't isa sina Ruffa at Mo. Sinabi naman ng controversial DJ-TV host na may "ceasefire" muna sila ni Ruffa na inayunan naman ng aktres.

"Yes, ceasefire muna kami ni Mo," sabi ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nang marinig ni Mo ang tungkol sa pinag-uusapan namin ni Ruffa, siya na ang nag-explain na wala silang agreement na hindi muna sila magbubukuhan ng kani-kanilang mga intriga.

Ani Mo, "We've had a long relationship, a friendship. We are at this point na puwede kaming mag-joke with each other na hindi mapipikon ang mga tao."

Bagamat hindi naitago sa screen monitor ng Paparazzi na malapit nang magka-imbiyernahan ang dalawa, itinanggi ni Ruffa na nagkakapikunan na sila ni Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay, hindi, no!" sambit niya. "Na-shock lang ako sa kanya. Ako, hindi puwedeng mapikon. Dahil ang mapikon, talo, di ba? So, nag-isip ako ng way kung paano ako makakaganti sa kanya. And dumating nga yung issue tungkol sa kanila ni Rhian, yun ang pagkakataon ko."

Sinasabi ni Mo na walang matibay na ebidensiya si Ruffa sa kanyang rebelasyon tungkol sa sinasabi nitong trip nila ni Rhian sa Paris. Paliwanag ni Mo, nakita lang daw ni Ruffa ang Twit conversation ng kapatid niyang si Raymond Gutierrez at ni Rhian. Ang usapan ay ang pagnanais ng young actress na makapunta ng Paris.

Pero ayon kay Ruffa, "I didn't assume anything. I stand by my stories. If he wants to deny it and that's his own prerogative. Pero ako, I stand by my stories. I know for a fact that it's a fact. Naku, pasalamat nga siya na hindi ako nadulas kanina, ha! Ang dami ngang natu-Twit sa akin na mga sightings!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"THREATENING" TEXT MESSAGES. Hindi lang ang kontrobersiyal na bukuhan nila ni Mo ang issue kay Ruffa. Nababalita ring nakakatanggap na naman siya ng "threatening text messages."

"It's a very delicate topic," sabi ni Ruffa. "Obviously, hindi naman ako maba-bother kundi isang taong malapit sa akin, ayaw ko na lang banggitin ang pangalan niya. I'm sure, obviously, alam naman ninyo na kung sino. You don't have to ask me anymore. I'm just trying to keep quiet about it."

Ano ang laman ng mga "threatening text messages" na natatangap niya?

"I've just been getting text messages again and threatening me...pananakot sa buhay ko. Ako, I'm used to it naman na, e. Ang akala ko, nawala na, bumalik na naman. It's about two weeks ago. Pero my God! I don't wanna discuss it. It's not a joke! This is about real life, this is about real family," saad niya.

Umiiwas si Ruffa na idetalye kung ano ang pinag-ugatan ng bagong "threatening text messages" na natatanggap niya kaya sinasabi na lang nitong wala siyang ideya kung bakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I don't wanna discuss because it's not a showbiz topic and, you know, for safety and security reasons na lang," sabi niya.

"First of all... Wala, ayoko nang pag-usapan 'yan, nakaka-stress!" patuloy na iwas ni Ruffa.

Hindi kaya mas mabuti kung ilantad niya sa publiko kung sino ang nanakot na ito sa kanya para na rin sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya?

"No, I mean, ako, with anything that happens to me, I just believe in God. Kahit ano pa ang sabihin mo, if it's your time, it's your time. So, as long as you have God on your side, as long as you believe, I don't think God naman will let that happen," pahayag ni Ruffa.

Wala raw ginagawa o pinaghahandaang security measures si Ruffa at ang kanyang pamilya maliban sa paniniwala nila sa Diyos.

SHAINA ISSUE. Nang mabanggit naman ang isyu sa kanila ni Shaina Magdayao—lalo na ang impression ng marami sa media na "hate" daw niya talaga ang nakababatang kapatid ni Vina Morales—nagpaliwanag si Ruffa tungkol dito. Kasabay na rin nito ang pagde-deny na kinasusuklaman niya ang rumored girlfriend ngayon ni John Lloyd Cruz, na minsan ding na-link kay Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"There's no issue naman talaga, it's just Mo who brought up the issue," sabi niya. "I don't think so na may issue sa amin ni Shaina. Yung pictures na 'yan, kay Mo lang galing lahat yung issue. I have nothing to say. I don't hate anyone in the business, I love everyone. Alam n'yo naman ako, I always make friends with anyone. Part lang 'yan ng pang-aasar ni Mo dahil wala na siyang masabi."

Nagkakausap naman daw sila ng nakatatandang kapatid ni Shaina na si Vina, pero hindi raw nila napag-uusapan ang isyu sa kanila ni Shaina.

"Vina and I talk all the time, but we don't talk about those things. Ang friendship namin ni Vina goes beyond that. Ang tagal na naming magkaibigan, magkumare pa kami. So, we don't talk about that topic kasi awkward naman talaga," sabi niya.

"I'D LIKE TO KEEP MY LIFE PRIVATE." Walang masabing comment si Ruffa sa latest statement ni John Lloyd tungkol sa pag-iwas niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Shaina. May paglilinaw lang si Ruffa tungkol sa pag-iwas ni John Lloyd na pag-usapan ang tungkol sa rumored relationship nila noon ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, with me, whether I am dating or I would be dating someone, for me, the reason is because of my ex [Yilmaz Bektas]. Hindi siya ordinaryong tao. Siyempre, alam naman natin ang kakayahan niya. So, I'm just protecting me and protecting my family.

"Whoever it is that I date naman, I never really show to the public. Kahit naman si Yilmaz. Akala ng tao, matanda si Yilmaz. No'ng ikinasal kami, 'Ay, ang guwapo pala niya!' Because I'd like to keep my life private," sabi ng TV host-actress.

Inaasahan ni Ruffa na mawawala na rin ang takot niya sa kanyang ex-husband at magiging malaya na siya para sa kanyang sariling kaligayahan.

"Hopefully, soon. For me naman, matagal na kaming hiwalay. It's been three years. We both have our separate lives. But I also wanna at least have that respect na, you know, respect for myself and respect for him also. And ingatan din siyempre yung mga bagay-bagay concerning the kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, if ever I keep my private life quiet, it's because of that. Hindi dahil dapat akong i-deny or dapat may ikahiya ako. Ako, may reason ako, hindi ko lang alam ang ibang tao."

Inaasahan naman ni Ruffa na mapaninindigan na niya ang kanyang lovelife nang hindi siya matatakot sa kung ano ang posibleng gawin ng ex-husband niya.

"Ang usapan namin kasi ni Yilmaz at the time na bati pa kami, na siya yung mauuna. So once na mauuna siya, I don't think na may K [karapatan] pa siya. Actually, even now, now that we're living separate lives. Obviously speaking, he's been seeing someone else.

"Hindi ko naman pinapabayaan ang mga anak ko. I'm working very hard and, you know, Lorin is an honor student and Venice is going to a big school. Hindi naman ako naging pabaya sa pamilya ko. And with Yilmaz, dapat na hayaan na lang niya ako na maging happy," asam ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma rin ni Ruffa na ang karelasyon ngayon ni Yilmaz ay ang dating Miss Universe na si Zuleyka Rivera. Wala pang masabi si Ruffa sa nababalitang kasal ngayong June ng dating asawa sa Puerto Rican beauty queen dahil hindi pa rin ito umaamin tungkol doon. (CLICK HERE to read related story.)

"Hindi pa niya inaamin [yung kasal], pero inamin niya sa akin na sila na, which is not surprising. Tingnan mo naman hitsura ni Yilmaz, he's young and very successful. There's nothing to be surprised about," sabi niya.

TWITTER POST. Ilang sandali pagkatapos ng presscon ng Paparazzi ay nag-post si Ruffa sa kanyang Twitter account ng tungkol sa nangyari sa naturang event. Aniya, "Was stressed at presscon today cuz of old issues I don't want to talk about cuz there's really NOTHING to say. Sana maintindihan n'yo ako."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I've just been getting text messages again and threatening me...pananakot sa buhay ko. Ako, I'm used to it naman na, e. Ang akala ko, nawala na, bumalik na naman. It's about two weeks ago. Pero my God! I don't wanna discuss it. It's not a joke! This is about real life, this is about real family," says Ruffa Gutierrez about the latest "threatening text messages" she is getting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results