PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal gets used to new partners as love team with Aljur Abrenica ends with The Last Prince

The Last Prince ends on June 25.
by Nora Calderon
Published Jun 6, 2010
"Sa totoo lang po, nang ipaalam sa amin na iyon na ang huli naming pagtatambal, umiyak na po ako nang umiyak. Naiisip ko kasi na three years na kaming magkasama ni Aljur. Sabi po naman nila pansamantala lang ang paghihiwalay namin. Pero mami-miss ko po talaga ang halos araw-araw ay lagi kaming magkasama ni Aljur," says Kris Bernal, whose next project is a Lovebug episode with her avowed crush, Daniel Matsunaga.

Naghahabol ng day effect noong Friday, June 4, ang taping ng The Last Prince sa isang vacation house sa napakalayong parte ng Tanay, Rizal, nang biglang bumagsak ang ulan. Nabigyan tuloy ng pagkakataon ang mga bumibisitang press, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), na makapanayam sina Kris Bernal at ang direktor na si Topel Lee.

Agad humingi ng linaw ang PEP tungkol sa intrigang nagbago na raw si Kris lalo na sa staff ng StarStruck, kunsaan finalist siya ng season 4. Hindi na raw siya namamansin, ang sabi-sabi, yumabang na daw siya dahil sa success niya.

"Namamansin po ako," sagot ni Kris. "Baka po nagkakataon lamang na sunud-sunod ang take ko o minamadali na po ako dahil lilipat na kami ng location, kaya hindi ko sila nabati. Sorry po kung minsan na hindi ko sila napapansin. Hindi ko po makakalimutan ang utang na loob ko sa kanila, sa pag-aasikaso nila sa akin noon sa StarStruck, at kahit hanggang ngayon kapag nakakasama ko sila sa mga projects na ginagawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

APOLOGIES TO RICH. Humingi rin daw siya ng paumanhin kay Rich Asuncion na kasama niyang nag-taping ng Lovebug sa Singapore, dahil pinag-initan ito ng mga fans ng Kris-Aljur Abrenica love team.

"Nag-sorry po ako sa kanya noong grand finals ng StarStruck V sa Araneta Coliseum [noong Pebrero]. Nagri-rehearse po kami noon at sinabi ko nga sa kanya na sorry kung siya ang tinitira ng mga fans namin ni Aljur. Okey po kami ni Rich nang mag-taping kami sa Singapore."

Siya ba'y naniniwalang may namagitan noon kina Rich at Aljur, na pareho namang dini-deny ng dalawa?

"Meron pong posibilidad, pero mas naniniwala ako kay Aljur kaysa sa mga intriga," natatawang wika ni Kris. "Pinaniniwalaan ko po kung ano ang mga ikinukuwento sa akin ni Aljur."

Hindi kaya naniniwala siya kay Aljur dahil love naman niya talaga ang ka-love team?

"Hindi rin po," maikling sagot ni Kris.

ALJUR AND BIANCA. How about sa sinasabing relasyon nina Aljur at Bianca King, na kasama rin sa The Last Prince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po, kasi lagi naman kaming magkasamang tatlo sa taping, hindi po sila gaanong nagbabatian. Minsan nga ako po ang nati-tense kapag magkakasama kami sa holding area, tapos ang sweet-sweet sa akin ni Aljur, nahihiya po ako."

Paano siya nakatitiyak na walang namamagitan kina Aljur at Bianca, ngayong si Carl Guevarra na ang lagi niyang kasama at iba ang unit nila? Sa ngayon ang laging magkasama ay sina Aljur at Bianca at nasa ibang location sila.

"Tulad pa rin po ng sagot ko, mas naniniwala ako kung ano ang sinasabi sa akin ni Aljur," ang sabi ni Kris.

Manghihinayang ba siya kung hindi sila ni Aljur ang magkatuluyan?

"Hindi naman po. Tama na po siguro iyong magka-love team kami, nahihingan ko siya ng advice kapag kailangan ko."

END OF THE ROAD FOR LOVE TEAM. Matatapos na ang The Last Prince sa June 25. Ilang taping days na lang at magkakahiwalay na sila ng projects ni Aljur.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sa totoo lang po, nang ipaalam sa amin na iyon na ang huli naming pagtatambal, umiyak na po ako nang umiyak. Naiisip ko kasi na three years na kaming magkasama ni Aljur, nasanay na akong lagi siyang kasama. Pero sabi po naman nila pansamantala lamang naman ang paghihiwalay namin, baka after ng projects namin, kami na ulit ang pagtatambalin. Pero mami-miss ko po talaga ang halos araw-araw ay lagi kaming magkasama ni Aljur."

Kumusta naman ang mga bago niyang katambal na sina Carl at Daniel?

"Mas comfortable na po akong kasama ngayon si Carl, hindi po tulad noong una dahil first time naming nagkasama. Mas una naman akong naging comfortable na katrabaho si Daniel dahil twice nga siyang nag-appear sa The Last Prince. Kaya natuwa ako nang sabihin nilang si Daniel daw ang makakatambal ko sa Lovebug at magku-cruise pa kami ng Singapore."

Nanliligaw ba sa kanya si Daniel?

"Naku, hindi po. Inaamin ko na crush ko lamang siya pero hindi ko po pinangarap na maging boyfriend siya. Magno-nosebleed po ako sa kanya," biro ni Kris tungkol sa Brazilian model na may height na 6'1".

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At paano naman ang issue sa kanila ni Jay Perillo, ang runner-up ng Are You The Next Big Star?

"Tapos na po ang issue na iyan. Si Jay po talaga ay friend ng brother ko kaya ko lamang siya nakilala."

Bago kami umalis, ipinaaabot ni Kris ang pasasalamat niya sa lahat ng mga fans at televiewers na sumuporta sa The Last Prince at ginawang number one ang telefantasiyang umabot ng halos seven months ang pagpapalabas sa GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa totoo lang po, nang ipaalam sa amin na iyon na ang huli naming pagtatambal, umiyak na po ako nang umiyak. Naiisip ko kasi na three years na kaming magkasama ni Aljur. Sabi po naman nila pansamantala lang ang paghihiwalay namin. Pero mami-miss ko po talaga ang halos araw-araw ay lagi kaming magkasama ni Aljur," says Kris Bernal, whose next project is a Lovebug episode with her avowed crush, Daniel Matsunaga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results