Last Saturday, May 29, may inilabas na recorded phone interview ang Startalk mula sa isang babaeng taga-Bacolod na nagngangalang Crix Ledesma. Sa kanyang panayam, sinabi niyang hiniwalayan siya ng kinakasama niyang si Charles Ea dahil sa aktres na si Sheryl Cruz. Parehong di taga-showbiz sina Charles at Crix.
Binasa rin sa programa ang e-mail ni Sheryl na naglalaman ng kanyang reaksiyon sa pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu. Pinabulaanan ng aktres ang mga paratang sa kanya.
Sinubukan rin ng talk show last week na kunin ang panig ni Charles, pero ayaw pa niya noon na magbigay ng anumang pahayag.
CHARLES BREAKS SILENCE. Kahapon, June 5, binasag na ni Charles ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng isang e-mail na pinadala sa Startalk. Ang pakiusap lang niya'y huwag na raw ipakita pa ang kanyang mga letrato sa telebisyon.
Sa naturang e-mail, nagbigay-linaw ni Charles tungkol sa paghihiwalay nila ni Crix at sa pagkakasangkot ni Sheryl sa isyu.
Narito ang kabuuan ng e-mail ni Charles sa Startalk:
"I just want to set the facts straight. Crix is not my wife. We have a kid but we're not married. Things have already going downhill for me and Crix and it's not right to put the blame on anyone for the break-up. I'm sorry that Sheryl had been dragged into this kind of mess.
"I would like to apologize to Sheryl and her family for the embarrassment this incident may have caused. And to Crix and her family, I'm sorry that things didn't work out. I hope they can find it in their hearts to understand and maybe, forgive me.
"I have not turned by back on my obligations as a father to my beloved kid. I am here for him. I hope we could put all of this behind us and move on. As I wish to move on with my life as well."
Dumating naman mula U.S. si Sheryl kahapon ng umaga. Nandoon ang Startalk sa arrival ng aktres para sabihin sa kanya ang ginawang pagki-clear ni Charles sa kanyang pangalan.