Alwyn Uytingco on dating Jennica Garcia: "Seryoso ako sa panliligaw ko."

IMAGE 0


Star Magic talent Alwyn Uytingco seems to be walking on air these days, with a new movie where he gets top billing, and a blossoming relationship with Jennica Garcia.


Kung sa mga nagdaan niyang pelikula ay "one of those" lang si Alwyn Uytingco sa smorgasbord casting, this time ay top billing na siya sa Pendong ng Oxin Entertainment Productions.

Mula sa direksiyon ni Sean Lim na may likha ng sci-fi Pinoy films na Xenoa and Xenoa 2 (2007-2008), at sa script ni Archie del Mundo, ang Pendong ay isang comedy-drama road trip ng tatlong magkakaibigan.

Alwyn plays Bingo Cruz, na nag-aakalang perfect at kumpleto na ang buhay niya dahil nakapagtapos na siya at binigyan pa ng Volkswagen Beetle bilang graduation gift. Yayayain niya ang dalawang kaibigan, played by Felix Roco at Will Devaughn, para mag-road trip, pero may misyon sila: para hanapin ang tunay niyang ama na gagampanan sa pelikula ni Bembol Roco. At sa biyaheng ito, matutuklasan din ng magkakaibigan ang kanilang mga sarili.

Pendong will have its premiere on June 20 at the SM Mall of Asia in celebration of World Volkswagen Day and Father's Day. Ang regular showing nito ay magsisimula sa June 23 sa SM Digital Cinemas.

May cameo roles rin dito sina Enchong Dee, Dominic Roco, Joseph Bitangcol, Paolo Ballesteros, Lance Raymundo, Lara Morena, JM de Guzman, Cai Cortez at Marife Necesito.

SPIRITUAL MATURITY. Kamakailan ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alwyn sa Mang Inasal restaurant sa West Avenue, Quezon City.

Kuwento ng young actor tungkol sa role niya, "Sobrang mabait na bata na masunurin sa magulang. Gusto niya sigurado lahat ng decisions niya. Gusto lang niyang maging proud sa kanya ang mommy niya at ang late father niya."

Meron daw scene sa pelikula na maghuhubad ang tatlo?

"May sexy rin, pero not necessarily sexy talaga, more of like, funny... like naglalakad kami sa kalye na nakahubad."

Mature roles na ba ang tatahakin ni Alwyn mula ngayon?

"Not necessarily mature roles, kundi lahat... Kasi, may sariling checklist ako, e. Kumbaga, gusto ko sanang ma-try lahat ng mga hindi ko pa nata-try noon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Alwyn, mas maganda ngayon ang pananaw niya sa buhay, at may malaking bahagi dito ang isang librong may daily verses mula sa Holy Scripture na araw-araw niyang binabasa.

"Kapag may problema ako, dun lang ako humihingi ng tulong... sobrang inspiring and sobrang moving. Talagang mapapaisip ka, e. Every time na gagawa ka ng decision, dapat ibe-base mo yun kay God... Kasi, siya ang nakakaalam ng purpose mo sa buhay mo, e."

HIS TIME WITH PRINCESS. Sa tsikahang ito ay nabalikan namin ang chapter sa buhay niya nang ma-in love siya kay Princess Ryan.

Si Princess ay dating napapanood sa Banana Split sa ABS-CBN, kilala sa pagbe-belly dancing, at regular na ngayon sa P.O.5 at iba pang TV5 shows. Matagal-tagal din silang naging on ni Alwyn.

"Passionate," ang paglalarawan ni Alwyn kung paano siya magmahal ng babae. "Sobrang inaalagaan ko, sobrang nirerespeto ko kung ano ang gusto niya, kung ano ang desisyon niya... yung tipong nag-a-adjust dun para sa tao."

Kung lumalabas na parang "under de saya" siya, aminado naman siya pero, "para sa akin, hindi yun nakakasira o nakakabawas yun sa pagkalalaki ko... Kahit asarin ako ng mga tao... Sobrang sanay na ako na inaasar ako ng mga friends ko..."

Three years ang relasyon nila ni Princess at marami raw siyang natutunan, tulad ng "how to be independent... to handle your responsibilities as a man, as a boyfriend."

Nakapanghinayang lang daw na after three years ay nagkahiwalay sila, "pero ang isang relationship ay hindi ko puwedeng ibase sa tagal."

Ayaw isiwalat ni Alwyn ang rason ng kanilang breakup, "sobrang sensitive nung issue. Mas gugustuhin ko na ang babae ang magsalita. The issue is on us, sa aming dalawa talaga yun. Ayokong ako ang magsasalita. Kasi, nakakabastos, e... Ang masasabi ko lang, bilang isang lalaki, nagkamali din ako. May pagkakamali rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang magkahiwalay sila ni Princess, "dumaan din ako sa mga lasing days. Umiyak rin naman ako! Tao lang... Pero buti na lang, andiyan rin ang mga friends ko. Sila yung umalalay sa akin...

"Pero siyempre, hindi naman lahat ay negative, may happy memories rin kami. At ang maganda roon, sobrang okey yung closure namin... sobrang mature. Kahit sa cell phone lang kami nag-usap... We're friends, okey kami."

THEN CAME JENNICA. Hanggang sa dumating na sa buhay niya si Jennica Garcia. Aminado si Alwyn na masugid niyang nililigawan ngayon ang anak ni Jean Garcia.

Paano sila nagsimula?

"Nag-start lang siya through common friends... Isa sa common friends namin si Glaiza [de Castro]... Si Glaiza kasi, nakatrabaho ko sa Rakenrol [indie film directed by Quark Henares], na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapalabas. Tapos, si Glaiza, yung kapatid na si Alchris [Galura], katropa ko. Sobrang close ako doon... One time, lumabas kami kasama sina Alchris and Glaiza... This year lang yun, napakilala sa akin si Jennica...

"Doon ko talaga nakilala si Jennica personally... To think na pareho pa kami ng manager [Manny Valera], hindi pa kami talaga magkakilala... Pero ngayon, na-introduce kami."

Nadiskubre niyang masayahing tao si Jennica, "makulit... kalog." Ang una nilang pinagkuwentuhan? "Tungkol sa Avatar!"

Noong time na yun ay kumpirmadong hiwalay na rin si Jennica sa dating boyfriend na si Mart Escudero.

"Ayun, nagkataon na parehas pala kaming brokenhearted! Hahaha."

Pero at that time daw, "wala pa sa utak ko na, 'Kailangan kong magkaroon ng bagong girlfriend!' Career lang muna, and just to have fun with my friends. Time to meet new people, new friends... so, at that point, wala, naisip ko lang si Jennica, bagong tropa!"

Pero sa dalas ng kanilang pagsasama, naramdaman daw niyang nag-iiba na ang pagtingin niya kay Jennica na di lang katropa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIS INSPIRATION. Binati namin na better-looking siya ngayon dahil sa maigsing hairstyle niya. Impluwensiya ba ito ni Jennica?

"Para sa akin po, isa lang siya sa aking mga inspirasyon."

"Masugid na manliligaw," ang tawag pa rin ni Alwyn sa sarili, kahit nababalitaan nang binibisita siya noon ni Jennica sa set ng Pendong. Kahit hanggang Nueva Ecija raw ay dinalaw siya ni Jennica, sabi ng production staff.

"Ha? O.A. naman po yun. Production talaga, minsan, puyat lang yun, e!" malakas niyang tawa.

Tanggap na ba siya ng mom ni Jennica na si Jean Garcia?

"Well, I'm trying to work on that. Pero siyempre, gano'n naman talaga, e. Paghihirapan mo naman lahat... Nililigawan ko hindi lang ang mommy niya, pati pamilya niya... Ginagawa ko lang ang best ko para makilala nila ako."

DEEPER FEELINGS. Nag-umpisa raw ang mas malalim nilang pagtitinginan after ng Holy Week.

"Sobrang gusto ko talagang magkaroon ng isang malupit na Holy Week na memorable vacation. Ang gusto ko talaga noon was to learn how to surf... Sabi ng friends ko, 'Tara, Aurora tayo!' Mga 20 kami noon. Nagkataong tropa din niya ang iba, nagkonek-konek the dots."

Nagulat daw siya na kasama si Jennica. "Noong nalaman ko na kasama siya, natuwa rin ako. Kasi, siyempre, friend ko na si Jennica, so masaya!"

After ng Holy Week, doon na siya nagsimulang manligaw kay Jennica.

"Sobrang dalas na kaming nagkikita. Naramdaman ko naman sa sarili ko na naka-move on na ako. Basta ako, steady lang. Relax lang. Ayoko talagang magmadali."

Alam daw ng manager nilang si Direk Manny na nililigawan niya si Jennica, at alam din ni Jean. Mukhang totohanan na ito.

"Yes," mabilis niyang sagot. "Pero ang masasabi ko lang, seryoso ako sa panliligaw ko at alam kong hindi ko pagsisisihan lahat ang ginagawa ko ngayon."

So, exclusively dating sila, as in walang ibang puwedeng i-date ang bawat isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana... sana!" tawa nito. "Basta ako, wala na akong ibang ine-entertain."

Sa pakikipagtsikahan niya with the entertainment press, halatang in love na in love siya kay Jennica.

"Gaya ng sabi ko kanina, I'm just inspired. Salamat sa paglagay niyo sa akin sa hot seat," natatawang sabi ni Alwyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN