Jay-R Siaboc sees joining VOIZboys as a logical step after solo career falters

IMAGE 0


"Lahat naman siguro ng artista takot mawalan ng trabaho. Sa akin naman, masaya naman ako na napasama ako sa VOIZboys para kahit papaano ibang career naman yung ginagalawan ko. Hindi lang solo, hindi lang sa acting kundi grupo na pare-pareho rin naman kaming may solo career pero pinagsama-sama kami bilang isang grupo," says Jay-R who takes a practical view of the vicissitudes of stardom.


Nakilala si Jay-R Siaboc bilang solo artist pagkatapos niyang mag-first runner-up behind Grand Star Dreamer Yeng Constantino sa Pinoy Dream Academy season 1. Pero ngayon ay bahagi na siya ng all-male singing group na VOIZboys, kasama sina Guji Lorenzana, Nico Antonio at Tom Rodriguez.

Ano ang dahilan ng desisyon niyang ito?

"Kung ako talaga ang papipiliin, siyempre gusto ko ng solo. Pero bilang isang totoong artist at vocal performer at gusto mo talagang kumanta, hindi ka mamimili kung anong trabaho ang gustong ipagawa sa iyo. Hindi kasi ako namimili ng trabaho na gustong ipagawa sa akin. Basta gusto ko lang makakanta ako at makapagpasaya ako ng mga tao," paliwanag ni Jay-R nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng debut album ng VOIZboys na Fusion sa Eastwood Central Plaza noong Huwebes, June 10.

REPLACING RONNIE. Ang Star Magic at si Mr. Johnny Manahan na nagma-manage sa career ng apat na members ang nagdesisyon na pagsamahin sila sa isang grupo.

Originally, si Ronnie Liang ang kasama nina Jay-R, Nico at Guji, pero napalitan ito ni Tom Rodriguez. Inusisa ng PEP kay Jay-R ang totoong dahilan ng pagkawala ni Ronnie sa VOIZboys.

"Kasi po may conflict sa label niya. Kasi, di ba, solo rin siya at may contract siya sa Universal Records. Nagkaroon na po ng conflict nung gumawa na kami ng album."

Kaibigan ni Jay-R si Ronnie lalo pa't nakasama niya ito sa PDA. Kaya nalungkot din siya nang mawala ito sa grupo.

Sa tingin niya ba ay worthy replacement naman si Tom?

"Naniniwala naman ako na kakayanin ni Tom. Aminado naman siya na hindi siya talaga singer pero napanood n'yo naman kanina na may ibubuga rin siya. Nagulat rin ako sa kanya nung una, e, kasi hindi ko nga akalaing kumakanta pala siya. With Tom, I think mas makakahatak din kami ng mas maraming supporters. Ang daming fans ni Tom, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CAREER MOVE. Nakaranas nang maging bida ni Jay-R, sa Kapitan Boom, fantaserye ng ABS-CBN noong 2008. At sumikat din ang kanyang mga kanta. Pero hindi maitatangging dumalang ang mga projects niya after that. Ang pagsali ba sa isang grupo ay isang career move para sa kanya?

"Opo, ganun na nga po."

Natatakot ba siyang mawalan ng trabaho?

"Lahat naman siguro ng artista takot mawalan ng trabaho. Sa akin naman, masaya naman ako na napasama ako sa VOIZboys para kahit papaano ibang career naman yung ginagalawan ko. Hindi lang solo, hindi lang sa acting kundi grupo na pare-pareho rin naman kaming may solo career pero pinagsama-sama kami bilang isang grupo."

Hindi ba siya nag-aalala na masapawan siya pagdating sa looks lalo na't pawang matatangkad at hunky ang mga kasama niya?

"Ako naman aminado naman akong guwapo ako at pinaka-sexy sa amin," pabirong sagot ni Jay-R. "Hindi, dati naman nung nag-start ako sa showbiz masasabi ko naman na nagkaroon na rin akong supporters. Sila rin may kanya-kanyang supporters. So, siguro naman wala namang sapawang mangyayari pero siguro mas more on tulungan para sa ikabubuti ng grupo. At saka lahat naman kami may kanya-kanyang talento na puwedeng ipagmalaki sa mga tao."

GETTING FRUSTRATED. Hindi na ba siya babalik sa acting?

"Gusto ko rin pero sa ngayon ito ang ibinibigay nila sa akin. So, dito muna ang focus ko."

Minsan ba ay frustrated din siya sa itinatakbo ng kanyang career ngayon?

"Medyo. Hindi maiiwasang minsan napapaisip ka. Siyempre concerned ka rin sa nangyayari sa iyo, di ba? So minsan, parang napapansin mo na parang hindi maganda yung mga nangyayari tapos naaapektuhan ka na. Tapos pati pamilya ko apektado na rin. Mahirap pero wala tayong magagawa, kailangang tanggapin. Pero sa mga nangyayaring ganun matututo ka rin. Kaya ngayon masasabi kong ang daming nangyari sa akin at natuto ako from them. Kasi ikaw lang din naman ang makakatulong sa sarili mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinanggi ni Jay-R na may mga problema rin siyang kinaharap noon gaya na lang ng pagbi-break nila ng girlfriend niya at dating kasama sa PDA na si Irish Fullerton. Nandiyan ding tumaba siya kaya dumalang ang projects niya. Pero nalagpasan naman daw niya lahat ng ito.

THE ALBUM. Mabuti na lang daw at dumating ang offer sa kanya para maging parte ng VOIZboys. Itinuturing niya itong another chance para muling umangat ang career niya. Lalo pa nga't inilabas na nila ang kanilang 10-track album na Fusion (produced by Quantum Music and distributed by Star Records).

Binubuo ang album ng anim na group songs at apat na solo numbers na kinabibilangan ng pitong original songs at tatlong revivals. Dalawang komposisyon ni Vehnee Saturno, ang "Sinta" at "Kakaiba Ka," ang nakasama sa album na kinapapalooban din ng mga kantang "Todo Na," "Pwede Na," "Stop The World," "Anghel Ko," "In Love Again," "You and Me," "Maria Clara," at "Sana'y Malaman Mo."

Ano ang kaibahan ng music at album nilang Fusion sa gawa ng ibang boyband?

"Siguro kakaiba yung atake namin dito. Katulad nung kantang 'Maria Clara,' luma siya, e. Tapos binigyan namin ng ibang atake. Siguro magiging bago sa tenga ng generation ngayon."

Anong favorite song niya sa album?

"Yung 'Kakaiba Ka' na gawa ni Vehnee Saturno. Kasi kakaiba talaga siya."

BOY BONDING. Sabi ni Jay-R, para sa isang solo artist na pumasok sa isang grupo, kailangan talaga magkaroon sila ng bonding. Mas makabubuti raw sa grupo kung maging magkabarkada din sila. Lately nga ay nagkakasama silang apat sa paglalaro ng basketball pati na rin sa pagsa-shopping at pagpunta sa spa.

Kung ilalarawan niya ang mga kasama niya sa VOIZboys, ano ang masasabi niya sa bawat miyembro ?

"Si Tom, unang kita pa lang namin nagkasundo rin kami agad kasi nagbi-Bisaya rin yan, e [taga-Cebu si Jay-R]. Halos pareho kami ng ugali. Si Guji naman, medyo nahirapan akong mag-adjust kasi laking Amerika. Pero siyempre kailangan mong gumawa ng paraan para paano kayo maging close kasi ang hirap magtrabaho kung naiilang kayo sa isa't isa. Si Nico naman, ever since din nagkasundo kami agad kasi pareho kaming mahilig sa basketball, sa sports. Actually, kaya nga ganito ang abs namin," biro pa ni Jay-R.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN