Nag-shooting sa Los Angeles ang pelikulang In Your Eyes na joint production ng Viva Films at GMA Films. Ang pelikulang ito ay pinagsasamahan nina Claudine Barretto, Anne Curtis at Richard Gutierrez for the first time.
Ayon kay Richard, sa taped interview nito na pinalabas sa Startalk kahapon, June 12, "Nag-shoot kami all over the place. Nag-shoot kami sa O.C. [Orange County]. Nag-shoot kami sa Staple Center noong may Lakers games. Sa Beverly Hills. Iba-ibang lugar sa L.A."
Katulad ng mga naging pahayag nina Anne at Claudine, masayang experience rin daw para kay Richard ang makatrabaho ang dalawang aktres.
"Nakapag-bonding din kami. Enjoy kami sa shoot."
As we all know, when Anne was still a Kapuso, nagkaroon sila ng relasyon. Wala raw bang ilangan na nangyari sa pagitan nila lalo na sa mga intimate scenes?
"Wala," mabilis na sagot ni Richard. "Wala akong masyadong apprehension dahil kilala ko naman si Anne. At saka siyempre, when you are shooting a movie and you're shooting with the person for a time, mas makikilala mo pa siya nang husto.
"I feel na mas nakilala ko pa ngayon si Anne in a deeper way and nakita ko yung growth niya as an actress and as a person, yung maturity niya."
CASE DISMISSAL. Last May 28 ay tumanggi ang Department of Justice (DOJ) na i-reconsider ang dismissal nila ng kasong reckless imprudence resulting in homicide na isinampa ni Lorayne Pardo kay Richard noong July 2009. Nais sana ng biyuda ni Nomar Pardo, ang personal assistant ni Richard, na gawing accountable ang aktor sa pagkamatay ng asawa niya sa isang vehicular accident kunsaan si Richard ang nagmamaneho. Pero dinismis ng DOJ ang kaso noong March 1. (CLICK HERE forrelated story.)
"Nagbigay na ng final decision ang DOJ," sinabi Richard sa Startalk. "And dini-declare nila na talagang wala akong kasalanan. I'm very happy. At matagal ko na rin hindi inisip yung kaso na yun. Basta ako ngayon, focus ako sa work ko.
"I'm happy na wala nang ganoong struggles in my life."