JC de Vera compares rumored ex-girlfriend Rhian Ramos to an "eraser"

IMAGE 0


"Hindi ako titigil para mag-hello sa kanya. Pero hindi ako magsasalita ng masama laban sa kanya. Kumbaga, kung ano ang nangyari noon, parang huwag na lang tayong magpansinan, okey na ako doon," says JC de Vera about Rhian Ramos, his rumored ex-girlfriend.


Sa kauna-unahang pagkakataon pagkalipas ng mahabang panahon ay nagkaharap at nagkita sina JC de Vera at Mo Twister last Sunday, June 13, sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi. Isa si Mo sa hosts ng programa kasama sina Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajal, at Ruffa Gutierrez; samantalang guest naman si JC.

Hindi naiwasang hindi magkaroon ng tensiyon sa loob ng studio dahil sa koneksyon ng dalawang male celebrities—ang young actress na si Rhian Ramos. Nabalitang naging boyfriend ni JC si Rhian noong nasa GMA-7 pa ang young actor, pero mariin itong itinanggi ng young actress sa interviews niya. Matagal na ring nali-link si Rhian kay Mo, pero pareho nilang sinasabi na magkaibigan lamang sila.

Sa Paparazzi noong Linggo ay first time nagsama nang malapitan nina JC at Mo.

Maging si Dolly Ann ay nag-alala sa magiging sitwasyon ng paghaharap nina JC at Mo bago pa isalang ang aktor sa "Presscon Express" na segment ng show. Ito ang portion kung saan mga invited press ang magtatanong sa paraan ng isang press conference. Naniniwala si Dolly Ann na wala sa posisyon si Mo para hilingin sa management ng TV5 na huwag isalang sa show niya si JC dahil alam nitong baka nga mabuko na may silent gap silang dalawa ng aktor.

Napapangiti na lang si Cristy dahil alam niyang bago pa man magsimula ang show, may maanghang nang statement si JC kay Rhian sa interview nito sa show nila.

Para hindi mapuno ng tensyon, hindi pinagtabi sina JC at Mo sa upuan. Pinagitnaan nina Dolly Ann at Ruffa si JC samantalang nasa magkabilang dulo naman ng hosts-table sina Cristy at Mo.

Pangiti-ngiti lang sina JC at Mo habang tinutukso sila ng tatlong female hosts. Sumagot naman si JC na okey lang siya at walang problema. Hindi lang daw niya alam kay Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre, sumagot naman si Mo na wala siyang problema at okey rin siya.

Itanggi man nina JC at Mo na may tensyon sa kanilang dalawa, ramdam pa rin ito sa loob ng studio ng TV5.

Hindi agad sinimulan ang presscon proper sa show para kay JC dahil ipinalabas muna ang VTR interview nito.

EX-GIRLFRIENDS. Sa isang bahagi ng taped interview kay JC ay tinanong siya kung paano at anong bagay niya maihahalintulad ang kanyang mga naging ex-girlfriend sa showbiz.

Kay Michelle Madrigal, inhilintulad niya ito sa isang "unan." Paliwanag niya, masarap itong yakapin dahil malambing raw ito at kahit nagkahiwalay sila ay hindi pa rin niya makakalimutan ang nasabing katangian nito.

Sa isang "cell phone" naman niya inihalintulad si Pauleen Luna dahil hanggang text at tawagan lang daw tumakbo ang kanilang relasyon.

Ang SexBomb girl naman na si Aifah Medina ay sa isang "magandang alahas" inihalintulad ni JC. Ayon sa young actor, pinakamatagal ang naging relasyon nito sa mananayaw. Gusto rin daw niya ang mga katangian nito. At inamin niyang hanggang ngayon, isa si Aifah sa pinakamalapit sa puso niya na puwede niyang balikan kung sakali.

Maliban kay Aifah, malaki rin ang paghanga at respeto ni JC kay Michelle.

"Parang gano'n yung dating non, e,," sabi ng 24-year-old actor. "Pero si Michelle naman, in fairness sa kanya, kahit medyo dumaan kami sa pangit na stage. Pero na-work out niya sa akin na parang kalimutan na natin ang lahat ng nangyari, puwede tayong maging close friends. Alam mo yung effort sa side niya, nakita ko. Parang sino ba ako para hindi magpatawad din, may kasalanan din naman ako.

"Ano yun, e, maturity na lang. Kung dati hindi kami nagkakaintindihan, pero ngayon sobra kaming nagkakaintindihan, very close kami as friends. Kahit sa trabaho, nagkakatrabaho pa rin kami na hindi kami nagkakaproblema sa isa't isa. So, happy ako na ganun ang sitwasyon namin sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"ERASER." Nang matanong na ang pangalan ni Rhian kay JC, sa isang "eraser" niya ito inihalintulad. Gusto niya na raw kasing burahin ang kanyang nakaraan dito at kalimutan na ang lahat ng namagitan sa kanila.

Sa lakas ng impact ng statement ni JC sa interview, inusisa siya nina Ruffa, Dolly Ann, at Cristy sa live interview kung bakit yun ang sinabi niya tungkol kay Rhian. Unang naging tugon ni JC ay nagkamali lang daw siya ng pagkakasabi. Pero nang suportahan siya ni Cristy at tulungang magpaliwanag, sinabi ng aktor na tinanong lang siya sa interview at sinagot lang niya ito.

Pero hindi tinantanan si JC ng mga pang-uusisa nina Ruffa at Dolly kung ano ang laman ng kanyang paghahalintulad kay Rhian bilang isang "eraser." Sinabi naman nitong minsan siyang nadapa at ayaw na niyang maulit uli kung anuman ang pinagdaanan niya sa buhay.

Siyempre, hindi pinaligtas ng mga tatlong hosts si Mo sa kanyang reaksiyon sa naging statement ni JC. Casual at nakangiti naman nitong sinabing nirerespeto niya ang opinyon ni JC kasunod ng mariin niyang pagtanggi na may relasyon sila ni Rhian.

Natapos ang presscon para kay JC sa show, pero walang nag-attempt kaninuman sa female hosts ng Paparazzi na pagkamayin sa isa't isa ang aktor at si Mo.

SITUATION WITH MO. Bago lumabas ng studio si JC ay nakausap muna siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at inalam ang tungkol sa sitwasyon nila ni Mo. Kahit nagkakatinginan at nagkakangitian, kapansin-pansin pa rin kasi ang ilangan nila sa isa't isa.

"Okey naman kami. Hindi, okey lang kami. Talagang hindi lang ako plastic," pahayag ni JC.

Ano ang ibig niyang sabihin na hindi siya "plastic"?

"Hindi lang kami nagpapansinan. Pero other than that, wala naman," kibit-balikat niyang sabi.

Bakit hindi sila nagpapansinan?

"E, wala e. Ayaw ko siyang pansinin, e. Gano'n lang," sambit ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saglit ding nakausap ng PEP si Mo at itinanggi niyang may alitan sila ni JC. Ipinagdiinan ni Mo na pinapansin naman daw niya si JC, pero ito raw ang hindi pumapansin sa kanya.

Hindi masabi ni Mo kung may kinalaman yun kay Rhian, na parehong inuugnay sa kanila ng aktor. Pero patuloy niyang sinasabi na magkaibigan lang sila ng young actress.

"NEVER KAMING NAGING CLOSE." Bagamat marami ang naniniwalang may kinalaman nga kay Rhian ang hindi pagpapansinan nila ni Mo, umiwas si JC na mag-comment tungkol dito.

"Ay, hindi. Hindi na ako ang sasagot no'n. Silang dalawa na ang dapat sumagot no'n," sabi niya.

Kahit kilala ni JC si Mo, hindi raw nagkaroon ng chance na nag-usap kahit no'ng panahong pareho pa silang nasa GMA-7.

Ani JC, "Never naman kaming naging close before sa GMA-7, hindi. Never kaming nagkuwentuhan, never kaming nag-usap. Pero casual lang. Alam niyang ako si JC at alam kong siya si Mo... Sa akin, okey lang, walang problema. 'Saka, hindi ko naman talaga siya pinapansin ever since. Ganun pa rin naman hanggang ngayon."

Hindi naman itinanggi ni JC na alam niya ang balitang magkaibigan sina Rhian at Mo, pero tumanggi siyang mag-comment sa balitang ang dalawa ang magkarelasyon ngayon.

"Ang sa akin, matagal ko nang alam 'yan, e, kaya hindi ko masyadong pinapatulan," saad niya.

Maituturing na isang rebelasyon ang mga nasabi ni JC tungkol kay Rhian, pero binigyang rason naman iyon ng batang aktor.

"Well, siguro wala ako sa lugar noon para magsalita," paliwanag niya. "Parang hindi pa composed sa utak ko kung ano ang puwede mong isagot, di ba? Pero ngayon, at least, okey na ako."


"REAL SCORE" WITH RHIAN. Ayaw umamin ni JC sa tanong ng PEP kung nasaktan siya sa mga nangyari sa kanila ni Rhian. Inamin lang nitong naapektuhan siya sa mga sunud-sunod na mga hindi magandang nangyari sa buhay niya bago siya umalis sa poder ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Apektado ako kasi no'ng time na away nina Tita Annabelle [Rama, JC's manager] at ni Ma'am Wilma [Galvante, GMA-7 executive], doon ako naka-focus at nakasandal nong mga time na yun. Yung mga inaasahan ko, sila pa yung wala," sabi ni JC.

Nabalita noon ang pag-walkout ni JC sa birthday party ng isang staff ng seryeng nilalabasan noon ni Rhian sa Kapuso network. No'ng mga panahong iyon ay laman ng showbiz columns ang pagkakaroon diumano ng relasyon ng dalawa.

Nasa party rin ang writer na ito at mabilis na kumalat ang biglaang pag-alis ng aktor nang walang paalam. Iisa ang naturong rason ng pag-walkout diumano ni JC, yun ay ang selos na hindi na niya kayang pigilan dahil sa pagiging malapit ni Rhian at ng Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato. No'ng mga panahong iyon, kinagigiliwan si Akihiro dahil sa angkin nitong charm sa Celebrity Duets, kung saan isa siya sa mga naging celebrity contestant.

Magkasabay raw na dumating sina Rhian at JC sa party, pero hindi nga lang pumasok ang young actor dahil production staff yun ng serye ng young actress. Nasa verandah lang ng bar si JC kausap ang ilang kakilalang staff ng production.

Hindi man diretsahang inamin ni JC, pero pahapyaw naman niyang pinatotohanan ang tungkol doon.

"Ako, wala na akong dapat ikuwento kasi kung anuman yung iniwan ko doon, nandoon na yun. Kung ano yung nakita ninyo doon, at least kayo na ang nakakita at hindi na sa akin nanggaling yun," sabi niya.

Marami rin ang nakisimpatiya kay JC sa naramdaman nito. Ilang beses na rin siyang na-interview ng press at kitang-kita sa mukha niya ang nag-uumapaw na pag-ibig para kay Rhian.

"Oo," pagkumpirma niya. "Kasi even before naman no'ng nasa GMA ako, very vocal ako. Pero no'ng time na yun, mas pinili kong tumahimik na lang. Kahit yung kay Ma'am Wilma, tumahimik lang ako din noon, e, hindi rin ako nagpapa-interview. Pero wala, e. Yun ang totoong nangyari, e. Hindi na ako magsasalita tungkol doon. Kumbaga, yun na ang parte sa buhay ko na hindi ko na dapat balikan. Nandito na ako, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WALANG PANSINAN. Posibleng magkita o mag-krus ang landas nina JC at Rhian kahit magkaiba na sila ng istasyong pinaglilingkuran, pero sigurado ang young actor na hindi niya babatiin si Rhian.

"Hindi. Hindi kasi ako plastic, e!" natatawa niyang sabi. "Hindi ako titigil para mag-hello sa kanya. Pero hindi ako magsasalita ng masama laban sa kanya. Kumbaga, kung ano ang nangyari noon, parang huwag na lang tayong magpansinan, okey na ako doon."

Hindi naman nagpapasalamat, pero may natutunan si JC sa nagdaang relasyon nila ni Rhian.

"Ewan ko, e, dapat maging dependent ka sa sarili mo. Kung ano sa tingin mo na tama sa sarili mo, yun ang pakikinggan mo. Yung time na yun, very vulnerable ka, e. Kahit anong sabihin sa 'yo nung tao, naniniwala ka, di ba? Parang kailangang mahalin ang sarili mo," sabi niya,

Nililinaw lang ni JC na hindi siya traumatized sa nangyari sa kanila ni Rhian, na hindi na siya magmamahal ng 100 percent.

"Hindi naman. Yung love na yun, maibibigay ko sa tamang tao, e. Isa siya sa nabigyan ng love pero hindi bumalik sa akin, di ba? Kumbaga, yun ang matutunan mo," pahayag niya.

Nagpapasalamat naman si JC sa magandang estado ng kanyang career sa TV5. Siya na ang nakasalang sa Five-Star Presents, isang drama anthology na may iba't ibang episode at kuwentong mapapanood tuwing Lunes. Kabilang din si JC sa pelikula nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo na pinamagatang Hating Kapatid under Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN