Cristine Reyes says no one influenced her to have a tattoo

IMAGE 0


In her recent visit to the U.S., young actress Cristine Reyes had her tattoo done at the famous Kat Von D's High Voltage Tattoo in Hollywood, California. She picked a rosary as the design of her tattoo. One photo shows Cristine with her tattoo artist and the owner of the tattoo shop, Kat Von D, a famous tattoo artist herself.


May nagpadala sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga litrato ni Cristine Reyes habang nagpapalagay ng tattoo. Galing daw ang mga naturang larawan sa ilang blogs and forums sa Internet.

Makikita sa mga larawan habang nagpapa-tattooo ang sexy actress ng disenyong rosaryo sa kanyang kanang braso. Sa Kat Von D's High Voltage Tattoo sa Hollywood, California nagpalagay ng tattoo si Cristine. Pumunta kasi sila roon ng kanyang ate na si Ara Mina kamakailan for a series of shows.

Nakangiti at tila excited pa si Cristine habang nilalagyan siya ng tattoo. Sa isang larawan ay kasama niya pa ang mismong may-ari ng tattoo shop na si Kat Von D at ang tattoo artist na nag-tattoo sa kanya.

Sikat ang Kat Von D's High Voltage Tattoo dahil maraming Hollywood celebrities ang mga parokyano nito. Kabilang sa mga naging kliyente ng High Voltage Tattoo ay sina Margaret Cho, Steve-O and Bam Margera of MTV's Jackass, Kirk Hammett of Metallica, Jason Freese of Green Day, Frank Lero of My Chemical Romance, Nikki Sixx of Motley Crue, at marami pang iba.

Hindi naman na issue ang pagpapalagay ng tattoo ng mga artista dahil uso ito ngayon sa mga kabataan. Pero dahil sa pagpapalagay ng tattoo ni Cristine, marami ang gustong alamin kung nahawa ba ito sa kanyang ex-boyfriend na si Dennis Trillo na may mga tattoo rin sa katawan? O, baka trip lang ni Cristine na lagyan ng tattoo ang makinis niyang balat?

Ngayong hapon, June 17, ay nakausap ng PEP si Cristine sa presscon para sa Colt .45. Tinanong namin siya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang tattoo.

"God is with me" raw ang ibig sabihin nito at ipinalagay niya ito noong June 1. Wala rin daw nag-impluwensiya sa kanya na magpalagay ng tattoo, gusto lang daw niya kaya ginawa niya. At saka pangalawang tattoo na pala niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban dito ay wala nang sinabi pa si Cristine sa kanyang pagpapa-tattoo dahil ayaw na niyang masyadong pag-usapan ang tungkol dito.

Celebrity endorser si Cristine ng isang kilalang skin clinic. Alam kaya ng naturang skin clinic ang ginawang ito ni Cristine sa kanyang flawless na kutis? Hindi kaya makaapekto sa kanyang pagiging endorser ang pagpapalagay niya ng malaking tattoo sa braso?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN