PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rich Asuncion on rumored ex-boyfriend Aljur Abrenica: "Minahal ko siya... bilang kaibigan."

But Rich insists Aljur is just a "close friend" and nothing more.
by Glen Sibonga
Published Jun 17, 2010
"Well, sorry, better luck next time. Hindi n'yo ako kaya. Hindi ko na lang din sila pinapansin, e. Pero salamat na rin sa kanila kasi dahil sa kanila naging matapang ako. Alam ko na kung paano i-handle kapag may dumating na ibang intriga in the future. Sana maging masaya sila sa buhay nila para hindi nila maisipan na manira ng buhay ng may buhay. Ayun, pagpasa-Diyos ko na lang sila," says Rich Asuncion to her detractors.

Celebrity guest co-host si Rich Asuncion sa Q Channel 11 showbiz program na Tweetbiz kagabi, June 16. Pero tulad ng iba pang naging celebrity guests sa show ay hindi pinaligtas ang young actress sa pang-iintriga ng mga host sa pangunguna nina Tim Yap, Mr. Fu, at Sam YG.

Mainit kasing pinaguusapan ngayon ang diumano'y relasyon sa pagitan nina Rich at Aljur Abrenica kahit na nga ang ka-love team talaga ng young actor ay si Kris Bernal. Matagal na kasing natsitsismis na naging magkarelasyon sina Rich at Aljur, pero itinatago lang diumano ito ng dalawa. Natsismis pa ngang kinausap daw ng GMA-7 management ang dalawa na maghiwalay para hindi masira ang bini-buildup na love team nina Aljur at Kris.

Pero kailanman ay hindi nakumpirma ang relasyong ito dahil na rin sa pagde-deny ng mga artistang sangkot.

Hanggang sa may lumabas sa kolum ng veteran columnist na si Ricky Lo sa Philippine Star na nagsasabing nagsisinungaling si Aljur base na rin sa naging resulta ng lie detector test nang maging guest si Aljur sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central. Lie kasi ang lumabas nang sumagot ng "No" si Aljur sa tanong kung naging mag-steady ba sila ni Rich before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa kolum ni Ricky, base sa kuwento ng kaibigan ng kolumnista na taga-Bohol, nagpunta pa raw si Rich sa Bohol para makipagkita kay Aljur. Doon kasi nag-shooting sina Aljur at Kris ng movie nilang Nandito Ako Umiibig Sa Yo last year. Ang siste, nakipagkita raw si Rich kay Aljur pero hindi sa pamilya nito na taga-Bohol din.

DENYING THE ISSUES WITH ALJUR. Nang matanong si Rich ng Tweetbiz kung ano ba ang real score sa kanila ni Aljur, sinabi lang niya na naging mabuti silang magkaibigan.

"Close friends kami. Sa amin lang talaga, nagte-text, parang yung kaibigan na may pakialam sa iyo," sabi ng StarStruck 4 alumna.

Do they go out na silang dalawa lang?

"Hindi. Never," sagot ni Rich.

Pagod na raw si Rich sa pagsagot sa mga issue sa kanila ni Aljur.

"Oo, ayoko na kasing patulan, e. Kasi siguro nung mag-start pa lang akong mag-showbz, I mean right after StarStruck, ganun na yung isyu. At napapasama ako kasi may love team nga siya. So, ako yung parang naging kontrabida. Ako yung nang-aaway, ako yung maldita, na hindi naman," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol naman sa pagpunta niya sa Bohol, ani Rich, lagi naman siyang umuuwi doon dahil tagaroon nga siya. Baka raw nagkataon lang na noong umuwi siya minsan ay nagsu-shooting naman sina Aljur at Kris. Hindi rin daw siya nakipagkita kay Aljur doon.

Inamin naman ni Rich na totoong tinawagan niya si Ricky Lo para sabihing hindi totoo ang isinulat nito na nagpunta siya ng Bohol noong nag-shooting doon sina Aljur at Kris.

Kuwento niya,"Tumawag po ako kasi napagalitan nga po ako. Kasi akala... si Tatay Rommel [Gacho, co-manager ni Rich] sabi sa akin, 'Oy, ano itong nababalitaan ko, ganyan-ganyan?' 'Ay, hindi po totoo 'yan, 'Tay.' Tapos sabi niya, 'Sige ayusin mo 'yan.' E, since kaibigan ko rin si Mr. Ricky Lo, tinawagan ko siya. 'Tito, ano po yung...ganyan-ganyan.' So, kinonfirm ko, nasulat nga niya. Sabi ko, 'Hindi po totoo yun.' Gumaganyan ako, nag-a-appeal ako sa kanya."

Nilinaw rin ni Rich na bagamat hindi sila close ni Kris, hindi naman daw sila magkaaway. Nakapag-usap na raw sila bago pa sila magkatrabaho sa Lovebug. Sa StarStruck V Final Judgment nga sa Araneta ay nag-usap silang dalawa para magkalinawan. Sabi ni Rich, masaya siya na nagka-initiative si Kris na lapitan siya at kausapin sa backstage. Nag-sorry rin daw si Kris sa kanya dahil nga inaaway siya ng fans ng love team nito kay Aljur.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang matanong kung meron ba siyang dapat ihingi ng tawad kina Aljur at Kris, ayon kay Rich, wala raw siyang dapat ihingi ng tawad dahil wala naman daw siyang ginawang masama.

Siguro kaya raw siya napaparatangang kontrabida sa love team ay dahil wala nga siyang boyfriend. Nasabi tuloy niya na siguro kailangan na niyang maghanap ng boyfriend para tigilan na siya ng intriga sa pagiging third party.

Minsan ba sa buhay niya ay minahal niya si Aljur?

"Oo, minahal ko... bilang kaibigan," sagot ng 2009 Bb. Pilipinas 1st runner-up.

Masarap ba magmahal si Aljur? Minahal din ba siya nito?

"Di ko alam. Tanungin niyo siya!" natatawang sagot niya.


NOT A MEMBER OF AMPALAYA ANONYMOUS. Sinagot din ni Rich ang isyu na diumano'y nagbago ang ugali niya nang maging kaibigan niya sina Maxene Magalona at Glaiza de Castro.

"Hindi naman. I've always been honest naman. I came from a humble beginning. Pinakita ko yung bahay namin, kung ano yung role ko sa pamilya namin. And until now, ganun pa rin ako, e," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol naman sa pagiging member daw niya ng Ampalaya Anonymous, nilinaw ni Rich na hindi naman talaga siya member nito. Isang beses lang daw siya nakasama sa grupo nang makasabay niya one time sa dinner ang mga ito. Nagkataon kasing kaibigan siya ni Maxene kaya nasasabing member siya ng grupo.

Hindi niya rin daw alam kung meron bang nangyayaring something romantic between Aljur and Bianca King.

Samantala, ikinagulat naman ni Rich ang deklarasyon ng resident psychic ng Tweetbiz na si Myster E na hindi siya nagsasabi ng totoo.

Pambawi naman ng Tweetbiz team, marami lang siguro talagang pinagdadaanan si Rich ngayon kaya hindi niya puwedeng ibahagi lahat-lahat tungkol sa kanyang buhay. Dapat din daw bigyan ng chance si Rich na maka-move on.

I WILL STICK TO MY OWN WORDS. After ng guesting ni Rich sa Tweetbiz ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview ang young actress para sa dagdag na paliwanag. First hosting job daw ni Rich iyon para sa sa isang showbiz talk show. Kaya agad tinanong ng PEP sa kanya kung kumusta naman ang pagiging guest co-host niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okay naman. Akala ko nga ako ang magtsitsismis, yun pala ako ang itsitsismis. Pero okay lang. Kasi halos narinig ko na rin dati yung mga tinanong nila. Ganun lang din. So, parang immune na at alam ko na ang isasagot ko," sabi niya.

Na-enjoy naman niya ang kanyang pagho-host sa show?

"Oo, nag-enjoy ako. At siyempre, nabunutan ako ng tinik and finally nalinaw ko na lahat. Sana nga nalinaw na lahat. Sana tapos na yun. Sana yun na yun."

Naiinis ba siya sa tuwing tatanungin siya tungkol sa mga issue sa kanila ni Aljur?

"Puwede, puwede, pero medyo nasanay na, e," sagot ni Rich.

Ano ang pakiramdam kapag sinasabing hindi siya nagsasabi ng totoo?

"Okay lang, wala naman akong pakialam kahit ano ang sabihin nila. Basta ako, I will stick to my own words. Yung mga sinabi ko yun pa rin."

Inamin naman ni Rich na ikinagulat nga niya ang sinabi ng Tweetbiz psychic na hindi siya nagsasabi ng totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dun lang ako medyo naano. Parang gusto kong mahimatay. Pero psychic ba talaga siya? Baka naman this time nagkamali siya sa akin," tila pagkuwestiyon ni Rich.

PLAYING KONTRABIDA TO KRIS. Kasama si Rich sa cast ng Lovebug Presents Wish Come True na pinagbibidahan nina Kris Bernal at Daniel Matsunaga.

Kontrabida ang role niya rito bilang girlfriend ni Daniel. During the presscon ng bagong show na ito ng GMA-7, tanging sina Kris at Daniel lang ang present. Sabi ni Rich, nakatanggap daw siya ng text na nag-a-advise sa kanya na okay lang daw kung hindi siya makapunta sa presscon. Nataon din kasing may klase siya na sagasa sa oras ng presscon. Kumukuha ng kursong Tourism si Rich.

"Kaya abangan na lang nila yung akting-akting kong maldi-maldita," sabi na lang ni Rich.

Pangalawang kontrabida role na ito ni Rich. Nauna siyang nagkontrabida sa isang episode ng Dear Friend kung saan nakasama niya sina Jennica Garcia at Mart Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga puwedeng itanong sa kanya kung tinotoo niya ba ang mga eksena ng pagiging kontrabida kay Kris sa show?

"Hindi naman. Depende naman sa script. Parang ganun lang din. Motivation lang. Trinay ko yung best ko na maging effective na kontrabida,"sabi ni Rich.

Okay lang ba na ma-typecast siya sa pagiging kontrabida?

"Okay lang. Kung sa tingin nila mag-e-excel ako doon. At gagawin ko ang lahat para bumagay sa akin yung mga roles. Kasi sabi nila physically bagay sa akin kasi matangkad ako at malaking babae at kaya kong mang-api. May tiwala naman ako sa GMA, e. Kung yun ang gusto nila, gagawin ko."

NEVER HAD A FIGHT WITH KRIS. Hindi pa man naipapalabas ang Lovebug may bali-balitang nagiging kontrabida na siya in real life kay Kris. Diumano'y hindi niya raw pinapansin si Kris sa set ng taping nila sa Singapore. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi totoo yun. Actually, ako yung inaaway nila, hindi si Kris, ha. Yung mga nagti-Tweet sa akin na sabi panggulo raw ako sa love team ng kung sino. Ako actually ang inaaway nila, hindi ako ang nang-aaway. Pino-protect ko lang ang sarili ko," paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero totoo bang nagkaroon sila ng away ni Kris?

"Hindi totoong nag-away kami. Wala naman kaming dapat pag-awayan. Yun nga, sabi ko kanina, nag-sorry na siya sa akin dahil inaaway ako ng fans nila hindi dahil inaway niya ako or inaway ko siya or may away sa amin. Pero involved yung ibang tao sa paligid at yun naman ang nakakagulo, e."

Paano ba siya inaaway ng fans nina Kris at Aljur?

"Nagpapadala ng tweet. Sinasabi 'malandi ka,' ganun."

Ano ang nararamdaman niya pag nakakatanggap siya ng ganung mensahe?

"Siyempre naiinis, naaasar ako," sabi ni Rich. "Dati talaga pinapatulan ko. Kasi bakit ka nila ginaganun, e, wala ka naman ginagawa. Pero natuto na rin ako, hindi ko na pinapatulan. Bigla ko na lang silang bina-block. Tapos hindi na ako makaka-receive ng anything from them."

HINDI N'YO AKO KAYA. May message ba siya for Kris?

"Kay Kris, salamat na nag-apologize siya sa akin. Dahil dun naging okay na kami. It's a pleasure working with her again sa Lovebug."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

How about kay Aljur, may message ba siya?

"Ano ba? Good luck at congrats sa career. Magkasabay lang kami dati sa StarStruck, pero ngayon nandun na siya. Huwag kang mag-alala, hindi ako naniniwala sa mga tao na nagbago ka na, ganyan-ganyan. Huwag lang siyang magpaapekto. Be strong. Kung alam mo naman sa sarili mo yung totoo, huwag ka talagang paapekto. Good luck kasi may bago na rin siyang love team [with Rhian Ramos], di ba? Sana kung nag-work yung sa kanila ni Kris noon, sana ganun din ngayon at mas okay pa. Mag-ingat siya lagi."

May mensahe rin si Rich sa detractors niya.

"Well, sorry, better luck next time. Hindi n'yo ako kaya. Hindi ko na lang din sila pinapansin e. Pero salamat na rin sa kanila kasi dahil sa kanila naging matapang ako. Alam ko na kung paano i-handle kapag may dumating na ibang intriga in the future. Sana maging masaya sila sa buhay nila para hindi nila maisipan na manira ng buhay ng may buhay. Ayun, pagpasa-Diyos ko na lang sila," pahayag ni Rich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Well, sorry, better luck next time. Hindi n'yo ako kaya. Hindi ko na lang din sila pinapansin, e. Pero salamat na rin sa kanila kasi dahil sa kanila naging matapang ako. Alam ko na kung paano i-handle kapag may dumating na ibang intriga in the future. Sana maging masaya sila sa buhay nila para hindi nila maisipan na manira ng buhay ng may buhay. Ayun, pagpasa-Diyos ko na lang sila," says Rich Asuncion to her detractors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results