Aljur Abrenica shrugs off negative issues

IMAGE 0


"Siyempre, bothered din po ako sa mga nangyayari. Pero para sa akin, nirerespeto ko na lang po kung ano yung iniisip nila sa akin. Okay lang, e. Basta po ako, as long as alam ko po sa sarili ko na wala akong ginagawang masama," says Aljur Abrenica about negative issues being thrown at him.


Bugbog na bugbog ngayon ang young actor na si Aljur Abrenica sa dami ng negative issues na lumalabas tungkol sa kanya. Nandiyang lumaki na raw ang ulo niya, mahirap na raw siyang katrabaho, at nandiyan ding bansagan siyang "denial prince."

Ayon kay Aljur, bagamat nababahala rin siya sa mga negatibong isyu tungkol sa kanya ay ipinagkikibit-balikat na lang niya ito.

"Siyempre, bothered din po ako sa mga nangyayari. Pero para sa akin, nirerespeto ko na lang po kung ano yung iniisip nila sa akin. Okay lang, e. Basta po ako, as long as alam ko po sa sarili ko na wala akong ginagawang masama," sabi niya nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving presscon ng The Last Prince kagabi, June 16, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Wala bang bahid ng katotohanan yung mga lumalabas na negative issues sa kanya?

"Wala po siyempre," sagot ni Aljur. "Sa akin lang po, nagtatrabaho lang po ako. Yun lang po ang gusto ko, yung magtrabaho nang maayos at magkaroon ng pagtanaw ng utang na loob sa kanila, sa mga taong sumusuporta sa akin, sa network, para makabawi."

NEGATIVE ISSUES. Upang linawin ang mga isyung ipinupukol sa kanya ngayon ay inisa-isa ng PEP kay Aljur ang mga ito.

Mahirap na ba siyang katrabaho ngayon?

"Mahirap?" balik-tanong ni Aljur. "E, di sana pumupunta ako sa taping nang lasing, nagwu-walkout ako sa taping? E, ni minsan wala akong ginagawang ganun. Pumupunta naman ako [sa taping], nagtatrabaho ako. Lahat po ng eksenang gusto nilang kunan, tinatapos ko naman po. Tapos yung mga co-stars ko, okay naman po."

Totoo bang nagde-demand na siya?

"Hindi naman po."

Nagbago na ba yung working attitude niya?

"Parehas lang po."

Kumusta ang working relationship niya sa staff and crew ng The Last Prince?

"Okay naman po. Magaan po yung trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa rin sa balita ay may mga nag-iimpluwensiya raw kay Aljur kaya nagbago na ang ugali nito. Pero mariin din itong pinabulaanan ng young actor.

"Palagay ko, wala naman kasi lahat naman po ng taong nakakasama ko, magaganda po yung advice na ibinibigay nila sa akin," sabi niya.

Hindi ba siya napipikon kapag may mga negatibong isyu tungkol sa kanya? O, hindi na lang siya nagbabasa para hindi siya maapektuhan?

"Nakakabasa pa rin po," sagot niya. "Kasi sa taping, may dala-dala silang tabloid, pinapabasa nila sa akin. May nagpaparating sa akin."

Ano ang reaksiyon niya pag may mga nababasa siyang hindi maganda?

"Nagugulat po na ganun yung mga write-up sa akin. Tapos tinatawanan ko na lang," aniya.

MEETING WITH BOY ABUNDA. May report ding lumabas na nagbabalak na raw lumipat ng network si Aljur. Nagsimula ito nang makita ang young actor na "ka-meeting" ang TV host at talent manager na si Boy Abunda sa isang restaurant sa Tomas Morato a few weeks ago. Alam naman kasi ng lahat na identified si Boy sa ABS-CBN.

Nilinaw ni Aljur ang naturang "meeting" niya kay Boy.

"Ganito po kasi 'yon. Si Tito Boy po kasi, kinuha po ako sa Samar nung nag-campaign yung sister niya last election. Ang kumuha po sa akin talaga is yung nasa Backroom, si Jonathan, na kinontak yung tropa ko na si Jim, kasi yun ang kilala niya, e. Hindi siya nag-ano sa Artist Center, si Jim ang tinawagan niya.

"So, one time, si Jim pumunta dito [sa GMA-7], 'Dinner tayo kasama si Jonathan.' So, dinner kami. Tapos, tumawag si Tito Boy kay Jonathan, sabi pupunta daw, saan daw kami, ganun-ganun. Actually sa pinuntahan namin, may meeting talaga si Tito Boy with other...hindi ko alam kung anong business, e. Basta marami sila, nag-uusap-usap sila. Tapos, nagdi-dinner kami in another table.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, after mag-meeting ni Tito Boy, nag-isang table na lang kami. Tapos, nag-usap-usap din, siyempre meron din kaming ano sa Samar, and good friends naman kami. Mas maganda yung maraming kaibigan."

Sinabi namin kay Aljur na hindi siyempre maiwasang mabigyan ng ibang kulay ang eksenang yung dahil sa magkalabang network ang pinagtatrabahuan nila ni Boy.

"Hindi naman po talaga maiiwasan na mabigyan ng ibang kulay," pagsang-ayon ng young actor. "Pero sa akin kasi, yung pagkikita namin noon, in good faith po, e. Siyempre, nagkatrabaho na rin po kami minsan."

Ayon pa kay Aljur, wala siyang dahilan para lumipat ng network dahil masaya naman siya sa GMA-7. Isa pa, matagal pa siyang nakakontrata sa Kapuso network.

"Five years po ako, naka-three years na ako. Pero automatic renewal daw po 'yan, e. Bale ten years po," banggit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN