PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica is divided about wearing underwear for Bench fashion show Uncut

Aljur Abrenica on "Denial Prince" tag: "Wala naman akong girlfriend ngayon."
by Rose Garcia
Published Jun 19, 2010
"Hindi naman po ako sa humihindi," said The Last Prince hunk. "Kasi, depende pa rin po. Ipapakita naman daw po nila sa amin kung ano ang isusuot... Bakit ba gustong-gusto n'yo akong naka-brief?"

Hangga't maaari raw ay hindi nagbabasa ng tabloids at iba pang news sources si Aljur Abrenica para hindi maapektuhan sa mga negative write-ups tungkol sa kanya.

Ganoon daw ang isang paraan ng pag-handle niya ng mga isyu, ang sabi niya sa mga nakapanayam sa thanksgiving presscon ng The Last Prince last Wednesday, June 16, sa 17th Floor ng GMA-7.

NO GIRLFRIENDS. Pero hindi pa rin daw siya tuluyang nakakaiwas sa mga sinusulat tungkol sa kanya, "dahil sa taping, may dala-dala silang tabloids. Pinapabasa nila sa akin. May nagpaparating din po."

Recently ay na-tag siyang "Denial Prince." Kaya tinanong namin kung nahihirapan ba siya talagang umamin kapag may karelasyon siya?

"Hindi naman. Wala naman akong girlfriend ngayon, so, wala naman talaga."

"Matagal na kasi yun, e," ang sagot niya tungkol sa kanila ni Rich Asuncion, at halatang ayaw na talaga niyang i-tackle pa ito.

What about Bianca King, ano talaga ang young actress sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Magkaibigan lang po talaga kami. Actually, kahit siya, natawa rin po siya. Noong nagkita po kami sa taping, sabi ko, 'Have you heard?' Sabi niya, 'Oo, tayo nga ang pinakamainit sa balita ngayon.' Tawa kami nang tawa. "

May conscious effort ba siyang umiwas na ma-in love ngayon?

"Hindi naman. Kung ano ang nararamdaman ko, yun din. Wala namang bawal sa akin."

Nalulungkot siya na pagkatapos ng The Last Prince ay hindi na muna sila si Kris Bernal ang magka-love team, pero, "alam naman po namin na balang-araw, magkakahiwalay rin po kami."

Nakikita ba niyang magkakasama pa rin sila in the future?

"Sabi-sabi po, narinig ko... Ang sabi naman, pansamantala lang."

ALJUR UNCUT. Malapit na ang underwear fashion show na Bench Uncut: A Bold Look At The Future, at isa si Aljur sa mga celebrity models na lalakad sa runway. Alam ba niya kung naka-underwear lang siya?

"Rarampa po ako, pero hindi ko pa po alam kung ano ang susuotin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagwo-work out siya ngayon sa gym dahil malaki ang ipinayat niya. "Itong mga nakaraan, hindi po talaga maiwasang magkakasakit ako sa taping. Kailangan ko pang magpalaki nang konti."

Pero nang tanungin namin kung papayag ba siyang naka-underwear lang sa runway, mabilis naman ang sagot niyang hindi. Ang ibig sabihin ba nito'y malabong rumampa siyang naka-underwear lang?

"Hindi ko pa rin po alam, e. Hindi naman po ako sa humihindi. Kasi, depende pa rin po. Ipapakita naman daw po nila sa amin kung ano ang isusuot."

Napatanong na lang siya na nakangiti, "Bakit ba gustong-gusto n'yo akong naka-brief?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman po ako sa humihindi," said The Last Prince hunk. "Kasi, depende pa rin po. Ipapakita naman daw po nila sa amin kung ano ang isusuot... Bakit ba gustong-gusto n'yo akong naka-brief?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results