Ogie Alcasid denies getting an offer for government position from President-elect Noynoy Aquino

IMAGE 0


"Wala naman din offer pa, to be honest, wala naman. I don't know... Noong nasa States kami noon, parang nagbitaw yata siya ng salita na, 'Oo, si Ogie, si Dingdong...' So, I don't know what that means," Ogie Alcasid said about the rumor that he got an offer for a government position from President-elect Noynoy Aquino.


"The Peter Pan." Ito ang naging tag or title kay Ogie Alcasid along with his best buddy Michael V sa ika-apat na taon ng YES! 100 Most Beautiful Stars. Kasama nga si Ogie sa listahang iyon at present din siya sa naging press launching ng YES! special issue na ito kaninang tanghali sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, Pasig City.

Kinuhanan ng reaction ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie na second time na palang napasama sa elite list na ito ng local celebrities na tinaguriang "Most Beautiful."

"Siyempre, it's embarrassing for every person naman to be part of something like this. Hindi mo naman maipagkakaila that it feels good, especially, when they considered someone like me. Kasi, hindi naman ako mestizo, hindi naman ako, di ba, Adonis?

"I think they saw behind that, siguro, friendship? Hindi ko alam," natatawa pa niyang sabi. "But nevertheless, I am honored, I am flattered, thank you."

Pero kung pasok si Ogie sa 100 Most Beautiful list ng YES! Magazine, hindi naman napasama rito ang girlfriend niyang si Regine Velasquez.

"Wala nga, e. Kaya nga sabi ko, she deserves more to be here than I do."

Tinanong namin si Ogie kung ano ang naging reaction ni Regine?

"Hindi ko alam. I only found out last night. We're taping sa Bubble Gang at may nag-text that I am invited to come here, so, sabi ko, sige, before my meeting."

OGIE FOR OPM PRESIDENT? Samantala, malakas nga ang usap-usapan na si Ogie ang strong bet para maging OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) president this year. Pero ayon mismo kay Ogie, wala pa naman daw napipili.

"We'll have our caucus sa July 2. Kaming anim [with OPM co-directors of the board Christian Bautista, Gary Valenciano, Jose Mari Chan, Dingdong Avanzado, and Noel Cabangon], mag-uusap-usap with Mitch Valdez [outgoing OPM president]. What's our plan for this year, who the officers will be. Wala pa kaming president. Wala pang vice president and, I think, any of those guys like Jomari Chan, Gary, Christian, Noel and Dingdong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero usap-usapan ngang siya raw ang napipisil na maging presidente ng OPM?

"Well, hindi ko naman maipagkakaila that I was the one who really wanted to revive the OPM, and because Tita Girlie Rodis talked to me about it last year. Sabi niya, 'Buhayin na natin ang OPM.' I give full credit to Tita Girlie. Sabi niya, 'Buhayin na natin.' So, sabi ko, 'Sige, let's meet up.'

"Then, biglang binagyo tayo ng Ondoy and then, that became our first project. So, I called Mitch. I gathered all the artists and then, sunud-sunod na. So, here we are."

OGIE TO GET GOVERNMENT POSITION? During the time na nasa Amerika naman si Ogie para sa U.S. and Canada tour ng kanilang Heart 2 Heart concert, lumabas ang balita na sila ni Dingdong Dantes na naging masugid na nag-campaign para kay Sen. Noynoy Aquino ay inaalok daw ng government positions.

Ano na nga ba ang status nito?

"Wala naman din offer pa, to be honest, wala naman. I don't know... Noong nasa States kami noon, parang nagbitaw yata siya ng salita na, 'Oo, si Ogie, si Dingdong...' So, I don't know what that means."

Pero si Ogie na rin ang nagsabi na kung sakaling may offer nga, malamang na hindi niya matatanggap.

"Hindi ko matatanggap siguro, kasi my plate is full of work and secondly there's OPM. And you know, OPM is not a paying job. It's an advocacy that we're taking. So, hindi mo naman puwedeng hindi pag-ukulan ng pansin yung trabahong yun. So, kung tatanggap ka pa ng isa pang responsibility, you know, may bibigay, di ba? If I can't give it a hundred percent, I cannot accept, di ba?"

Pero ano ang masasabi nya sa paratang ng iba, na "kapalit" sa pag-endorso ng mga artistang tulad niya na sumuporta kay Noynoy ay paglalagay diumano sa kanila sa posisyon ng bagong halal na Presidente?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't think Noynoy thinks that way. I think Noynoy sees beyond that. Kasi, kilala niya sina Boy [Abunda], kilala niya kami. Nakilala niya kami through campaign. So, siguro may nakita siyang siya lang ang nakakakita. Hindi ko ma-explain kung ano yun.

"It's not that. I don't think he's that kind of a person," pagtatapos ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN