Christian Bautista will prove that abs are for real in Bench underwear show

IMAGE 0


Skeptics say the singer's six-pack on an EDSA billboard were Photoshopped, so he invites them to come see for themselves at the Araneta Coliseum on July 2.


Isa si Christian Bautista sa mga napiling board members ng umaaktibo uling Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM). Kasama niya rito ang mga maituturing na haligi ng music industry na sina Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Mitch Valdez, Dingdong Avanzado, Noel Cabangon at Ogie Alcasid. Si Christian ang tinitingnang representative naman ng mga young singers natin ngayon.

"I'm very honored and pressured din kasi malaking responsibility ito. Sabi ko nga sa sarili ko, I will be the link, kaming mga younger generation to the older generation of this industry. Kasi baka yung iba, di pa nila kilala yung ibang mga board din, puwede silang sa akin lumapit so mas madali kaming magkakausap...

"Talaga I'll do my best along with my mentors, my idols, sila Jose Mari Chan, Gary V, Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Noel Cabangon. We'll do our best para sa lahat ng musikero...

"It's not an easy job but I'm up to the task naman kasi na-elect ka na... Puwede ka namang mag-refuse pero na-challenge ako sa sarili ko na kahit bata ako, mayroon akong mako-contribute. I believe ngayon lang magkakaroon ng ibang voice ang mga singers o banda. Gusto ko yung nagri-reach out para magkaroon ng mas unity."

Gumagawa ngayon ng pangalan si Christian sa Malaysia, Indonesia at iba pang Asian countries. Hindi kaya magka-conflict ito sa mga tungkulin niya sa OPM.

"Lahat naman kami may out-of-the-country shows from time to time. Sila Ogie, sila Gary, pero may mga possible ways naman in this generation, in this time kasi mayroon ng Internet, Skype, Facebook. On the web puwede na kayong mag-usap."

Ikinuwento ni Christian kung paano nagsimula uling maging aktibo ang OPM.

"Nagsimula 'yan sa Kaya Natin 'To ni Ogie Alcasid [para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy], so parang na-realize namin na, wow, the power ng pagyu-unite ng iba't ibang singers and artists. With the help of Girlie Rodis, sila Mitch Valdez, ire-revive natin uli, palalakasin natin and OPM."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ABS-OLUTE PROOF. Isa si Christian sa rarampa sa darating na big event ng Bench this coming July 2, ang underwear fashion show na Uncut. Una nang nakitang nakahubad sa Bench billboard along EDSA si Christian, pero marami ang nagsasabing peke raw ang abs niya doon.

"Kung gusto nilang malaman, manood na lang sila sa Bench. 'Saka tingan na lang nila ang video ng Bench Uncut sa Facebook, di mo naman madadaya yun.

"I still have a week para maghanda. Kailangan tamang tulog, tamang kain, tamang gym, tamang preparasyon. Excited na nga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN