Pauleen Luna victimized by "basag-kotse" gang

IMAGE 0


The actress was performing on Eat Bulaga! yesterday when thieves smashed one of her car windows. Earlier this year, actress Nikki Valdez's vehicle was similarly broken into. But while hers happened at night, Pauleen's robbery took place in broad daylight.


Mukhang basag-kotse gang ang nakatiyempo sa kotse ni Pauleen Luna habang nasa Eat Bulaga! ito kahapon, June 26. Ipinakita sa Startalk ang kotse niya, kunsaan basag ang salamin sa driver's side.

Nasa opening number siya ng noontime show, pero saka na lang sinabi sa kanya noong tapos na siya.

"Ang ikinasuwerte lang po, yung nakuha lang yung gamit ng PA [personal assistant] at saka ng driver. Kasi, marami po akong gamit sa likod dahil diretso po ako ng taping ng Trudis Liit. So I really have valuables sa likod, pero hindi naman po yun nakuha."

May mga dumating na imbestigador sa Broadway Centrum, kung saan pinapalabas ang Eat Bulaga!, para siyasatin ang krimen. Sa Startalk naman, biniro ni host Joey de Leon si Pauleen kung totoo bang may nakuha raw na mga balat ng ampalaya?

Natawa lang si Pauleen at sinabing, "Hindi po, wala po."

Sa mga hindi nakakaalam, ang pagbibiro ni Joey ay pagtukoy sa isyung namagitan kina Pauleen at ilang mga miyembro ng Twitter group na Ampalaya Anonymous.

POSSIBLE CLUE FOUND. "Ang sabi po, limang lalaki raw po ang bumasag," kuwento pa ni Pauleen, at ayon sa kanya, may natagpuang shades sa sasakyan na di kilala kung sinong may-ari.

"Hindi po sa akin, hindi rin sa PA ko, hindi rin sa driver. Most probably, sa kanila, naiwan. I think, puwede po yun i-fingerprints, but, iniisip ko naman po, parang hayaan na lang po natin, wala na rin naman pong magagawa, sagot na rin naman po ng insurance.

"And also, alangan naman pong pagbayarin pa po natin sila. Parang mahabang proseso pa po yata yun."

Ang importante naman daw, ayon kay Pauleen, ay walang taong nasaktan or naapektuhan.

OTHER VICTIM. Sabi ni Joey, may CCTV camera daw sa lugar na pinagparadahan ni Pauleen. Kaso lang, sa palagay ni Joey, hindi ito nagwo-work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang noong May 1, 2010 ay inilathala dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nabiktima na rin ng basag-kotse gang ang aktres na si Nikki Valdez. (CLICK HERE for related article.)

Sa kaso ni Nikki, gabi nangyari ang insidente. Pero ang pambibiktima kay Pauleen happened in broad daylight. Sa panahon ngayon, kailangang mag-ingat na lang lahat ng tao, di lang mga artista, sa kanilang kapaligiran.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN