Raymart Santiago denies making an issue out of wife Claudine's visit on the set of Diva

IMAGE 0


Raymart Santiago's character in Pilyang Kerubin is torn between his first love, played by Angelika dela Cruz, and his wife, played by Inah Feleo. But in real life, his heart belongs only to Claudine Barretto.


Halos isang buwan matapos i-ere ang pilot episode ng Pilyang Kerubin, clueless pa rin hanggang sa ngayon si Raymart Santiago kung sino nga ba ang makakatuluyan niya sa bandang huli—si Angelika dela Cruz ba na first love niya o ang asawang si Ina Feleo?

Isang pulis ang ginagampanang role ni Raymart sa primetime series na ito ng GMA-7 at biro nga namin sa kanya noong makausap siya sa set noong July 2, parang feel na feel niya ang role bilang isang mabait na pulis.

"Parang sa totoong buhay lang naman...Parang ginagampanan ko lang naman yung totoo," natatawa niyang sabi.

So, effortless ba para sa kanya ang character ni Arman?

"Meron din, konti," aniya, sabay tawa. "Pero hindi ko pa rin alam kung sino talaga ang makakatuluyan ko. Ngayon, hindi kami puwede ni Melissa [Angelika] dahil may asawa 'ko, e [si Inah]."

REAL-LIFE LOVE. Samantala, tinawanan na lang din ni Raymart ang isyung lumabas tungkol sa kanya at sa asawang si Claudine Barretto. Nag-ugat daw ito sa napabalitang pagdalaw ng kanyang misis sa taping ng Diva, kung saan ay isa sa mga leading men si Mark Anthony Fernandez, na dating katambal at kasintahan ni Claudine.

"Hindi, hindi totoo," ang pagtanggi ng bunso sa kilalang Santiago brothers sa showbiz. "Galing yata siya sa taping ng Claudine noon. 'Tapos, nagpunta sila sa bahay ng nag-aayos sa kanya. Then, nakita niyang nagte-taping doon sa labas sila P-Chi [Rufa Mae Quinto] at saka yung mga Maskulados. 'Tapos, tinawagan ni Claudine si Direk Dom [Dominic Zapata] dahil nakakausap naman niya yun. Sinabi sa kanya na dumaan ka rito, gano'n lang."

Kabuntot ng isyu ay ang hindi na raw nila pag-uusap ng asawa.

"Ewan ko kung saan nila nakukuha yun. Baka may gimmick..." ang natatawa niyang hirit.

Bilang mag-asawa, napag-uusapan ba nila ni Claudine ang mga ganoong klaseng isyu?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nadaanan lang. Siyempre, lalo na ako kapag mga ganyan-ganyan, hindi ko na rin pinapansin. Nagtaka lang saan galing, pero, hindi na pinapansi," aniya.

Masasabi ba niya na at this point, sobrang okay silang mag-asawa?

"Walang problema. Nasa hitsura ko ba?" nakangiting sabi niya.

Nakatulong ba na pareho na silang Kapuso ni Claudine?

"Wala namang diperensiya siguro. Sa amin kasi, trabaho lang naman din ito. Hindi ko na iniisip kung channel 2 ba siya or dito. Sa amin kasi, trabaho lang ito at pag-uwi ng bahay, mga normal na tao na kami. So, walang diperensiya kung sa kabila siya noon at dito siya ngayon."

Sa kabilang banda, nakikita niyang masaya ang asawa ngayon bilang Kapuso.

Ang kuwento ng 36-year-old actor, "Masaya siya, oo, masaya siya. Siyempre, nakita ko rin yung parang napagdaanan niya. Kahit paano, mabigat sa kanya yung pag-alis niya. Pero, na-welcome rin siya ng Siyete nang buong puso kaya natutuwa rin ako."

Sa huli, kinumusta namin kay Raymart ang kanyang misis at ang hipag na si Gretchen Barretto. Are things between the two of them okay now?

"Ayoko munang magsalita do'n. Sa pagkakaalam ko lang, hindi pa rin sila nag-uusap. Yun lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN