Marvin Agustin talks about his "pinakamabait" role in upcoming film Ikaw Ang Pag-Ibig

Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg">

Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg">

IMAGE 0


From the very wicked Lizardo in Panday Kids, Marvin Agustin's next role is Anghel Adante, who will fall in love with a blind lady in Pilyang Kerubin.


Si Marvin Agustin ang isa sa special guest sa Pilyang Kerubin, kung saan gagampanan niya ang papel ni Anghel Adante, na mai-in-love sa isa pang additional character na si Rosa (Camille Prats).

Ang kuwento ni Marvin set visit ng ilang entertainment press, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa Pilyang Kerubin noong July 2 sa may Frisco, "Ang rule kasi sa langit, kapag anghel ka at nagbuhay-tao ka, may tsansa na hindi ka na makabalik sa langit. Until nalulong ka na sa pagka-tao kasi...hindi naman sa kasamaan, pero sa kamunduhan. Na-in love, e. Naawa noong una kay Camille kasi bulag 'tapos, inaaway ng asawa."

Biro namin kay Marvin na challenging sa kanya ang role dahil isa siyang anghel, na medyo malayo sa kanyang real-life persona at mga villain characters na ginampanan niya sa ibang projects.

Natawa ito sabay sabing, "Mabait lang ako, pero, hindi ako anghel. Pero ano siya, far from the last role I played as Lizardo. It's a good experience na kahit guesting lang siya, I got to work with Direk Maryo J. delos Reyes. 'Tapos, na-i-enjoy ko ang set ng Pilyang Kerubin. Kaya lang, madrama itong si Anghel Adante. Mabibigat ang mga nangyari sa kanya."

At mala-demonyo o anghel man ang hihingiin ng project sa kanya, aniya, "Masaya naman ako kahit na anong role. Yung Lizardo, I had fun doing it. Nilaro ko talaga yun."

NEXT REGULAR SHOW. So far, hindi pa raw niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin sa Kapuso network. Supposedly, may meeting sana siya with GMAAC (GMA Artist Center) pero natapat ito sa taping niya for Pilyang Kerubin.

Kung sakali, hihilingin ba niyang huwag munang bigyan ng contravida roles, lalo pa't maging ang kanyang mommy ay natakot kay Lizardo at sinabihan siyang magdasal?

Ang mabilis niyang sagot: "Hindi, ako naman, kahit na ano. Really, kahit ano..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sinabi niyang "kahit ano,"ibig niyang sabihin handa siya kahit sa paseksihan?

"Aba, kung gusto niyo! Kung kaya ba ng tao, bakit hindi?" natatawa naman niyang sabi.

UPCOMING MOVIE. Samantala, nagsimula na raw noong Sabado, July 3, ang shoot para sa kanyang bagong movie under direk Marilou Diaz-Abaya. Peñafrancia ang original title, subalit pinalitan na ito ng Ikaw Ang Pag-Ibig Talaga.

Ang pagka-klaro ni Marvin, "Yun naman po talaga ang title...Yung Peñafrancia, si Ina Feleo, yun ang role, ina ng Peñafrancia, yung pangalan niyang talaga. Pero ang title, Ikaw Ang Pag-Ibig."

Aniya, may bahagi ng kuwento na hango sa sakit ng yumaong aktor na si Johnny Delgado, na ama ng female lead na si Inah Feleo sa totong buhay.

Ang kuwento ni Marvin, "Nag-story con nga kami the other day, I just found out na yung character ko ro'n, si Father Johnny. Yung sakit kong leukemia, naka-base talaga sa sakit ni Tito Johnny.

"Kaya iyak nang iyak si Ina noong nagde-describe siya ng experience niya. Ako yung kapatid ni Inah rito na pari. Na parang test sa aming pamilya na ako ang pinakamabait and yet, ako ang tinamaan ng sakit...Parang lahat kami, bakit ito nangyayari?"

Hindi maitago ni Marvin ang kanyang galak tungkol sa bago niyang pelikula, kung saan ay kasama rin si Jomari Yllana..

"Excited ako sa pelikula kasi, para siyang miraculous na napaka-magical ng pelikula, [na] nakasalalay pa rin sa paniniwala ng tao. Parang open-ended yung istorya kung gagaling ako or hindi. Ganoon naman ang cancer, hindi completely gumagaling, may recovery lang. Pero maganda, maganda ang istorya," pagtatapos niya.

Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg">


Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg"> Ikaw Ang Pag-Ibig" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/22575/marvin-agustin-talks-about-his-pinakamabait-role-in-upcoming-film-ikaw-ang-pag-ibig" data-desc="He also discusses his "Anghel" character in Pilyang Kerubin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/12abbde38.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN