FHM beauty Bangs Garcia says cosmetic surgery is a big "No" for her

IMAGE 0


The men's mag gave her full props for her unenhanced good looks and named her "Ms. Natural Wonder" when they unveiled their Sexiest Women list.


Number eight si Bangs Garcia sa FHM's Sexiest Women list this year, na pinangungunahan ni Angel Locsin.

Kumpara sa ibang nasa listahan, isa si Bangs sa hindi nagkaroon ng retoke sa anumang bahagi ng kanyang katawan. Kaya naman binansagan siyang "Ms. Natural Wonder" ng FHM.

Sa katunayan, isa si Kris Aquino sa hindi makapaniwalang walang "Thank You, Dok" ang aktres nang maging guest siya noon sa defunct Boy & Kris Show ng ABS-CBN.

"Si Ms Aquino hinawakan niya ako dati para sure siya na ano... totoo daw. Pati pilik-mata ko hinawakan niya, 'kala niya fake dati, saka ilong ko."

EVERYBODY'S VENUS. Kakaiba ang ganda ni Bangs, lalo na kung wala itong makeup, at pagdating sa pangangatawan ay para siyang si Venus.

Kaya naman hindi lang straight guys ang pumoporma sa kanya kundi pati lesbian at gay.

Pero conservative ang pamilya ni Bangs kaya bigo ang panunuyo ng isang lesbian sa kanya dahil ayaw ng kanyang magulang ng ganitong relasyon.

Doon naman sa isang nanligaw sa kanya noon, napansin niya na sa tuwing lumalabas sila ay naka-eyeliner ito, kaya naisip niya na baka gay ito.

Paano kung may lesbian executive na lumigaw sa kanya?

"We'll cross the door when we get there," ang one-liner niya.

Paano kung may magkagusto sa kanyang isang showbiz hunk pero nababalitang gay?

"Ganun pa rin, let's cross the bridge when we get there."

BEAUTY ENDORSER. Sinabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na accidental lang daw ang pagiging celebrity endorser niya ng Calayan Surgicenter ngayon. Sa panayam namin sa kanya habang nagpapa-pictorial para sa billboard ng beauty clinic, kinuwento niyang nagkaroon siya ng blood clot sa isang parte ng kanyang ilong kaya siya nagawi sa clinic ni Dr. Manny Calayan sa Timog Avenue, Quezon City.

Na-impress agad siya sa mga gamit ng clinic at sa friendly atmosphere nito. Hindi pa siya nakaka-avail ng serbisyo ng clinic pero malaking karangalan para sa kanya ang mapabilang sa mga sikat na celebrity endorsers ng Calayan (may branches ito sa Beverly Hills, San Francisco, at malapit nang magbukas sa New York).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang serbisyong gustong i-avail ni Bangs ay ang body peel dahil kailangan daw niyang pumuti para sa isang project.

"Ayaw ko ng surgery, big 'No' sa akin ito. Alam ko may pampaputi ang Calayan kaya yun lang ang i-take ko. Puwede akong magpa-body peel para pumuti."

Pero nirerespeto daw niya ang mga taong mas gusto mag-undergo ng surgery para gumanda.

Basta para sa kanya, kung anong ibinigay sa kanya ng Panginoon ay wala siyang planong baguhin ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN