Mon Confiado says ex-girlfriend Ynez Veneracion is in good hands with Maguindanao governor

IMAGE 0


"Nakakatuwa dahil ang indie films ay lumalago na. Katulad nitong Cinemalaya na from the very start ay nakasuporta na ako, pero kami-kami lang, ngayon ay napakalaki na. At sa tingin ko, hanggang sa mga susunod na taon ay mas lalaki pa, especially pumasok na 'yong mga totoong director...," says Mon Confiado.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mon Confiado last Saturday, July 10, sa gala night ng Sigwa sa Cinemalaya Film Festival sa CCP. Nabanggit niya na talagang abala siya sa paggawa ng indie films. Natutuwa nga siya dahil nagbukas ng maraming oportunidad sa mga tulad niya ang pagtanggap ng masa sa indie films.

Kasama si Mon sa Sigwa, na tinatampukan din nina Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, Gina Alajar, Pauleen Luna, Marvin Agustin, Lovi Poe, Tirso Cruz III, Allen Dizon, Jay Aquitania, Megan Young, Jim Pebanco, at iba pa. Ito ay mula sa direksiyon ni Joel Lamangan. (CLICK HERE to learn more about this indie film)

"Bukod sa Sigwa at Cinemalaya, marami rin akong sinusuportahang indie films, mapa-gay films o hindi," banggit ni Mon. "Like itong Two Funerals with Tessie Tomas; yung horror ni Direk Richard Somes with Erich Gonzales and Derek Ramsay titled Corazon; kay Direk Jay Altarejos na gay film, ang title ay Laruang Lalaki. Meron akong mga naka-lineup na iyong iba ay ayaw pang ipabanggit. Meron din na siguro in one or two weeks isu-shoot na namin, pero ayaw pang ipasabi.

"So, nakakatuwa dahil ang indie films ay lumalago na. Katulad nitong Cinemalaya na from the very start ay nakasuporta na ako, pero kami-kami lang, ngayon ay napakalaki na. At sa tingin ko, hanggang sa mga susunod na taon ay mas lalaki pa, especially pumasok na 'yong mga totoong director. Ang ibig kong sabihin ng 'totoo' ay iyong mga mainstream o may mga experience na. Dati kasi ay ano lang, mga baguhan lang, kailangan ay dalawang pelikula pa lang ang nagagawa, e."

TWO FUNERALS. Sa Sigwa ay isa siyang deep penetration agent na pinasok ang kuta ng NPA upang makakuha ng mahahalagang impormasyon. Ano naman ang role niya sa Two Funerals?

"Kami ang nanarantado doon sa kabilang bangkay. Kasi, anak ni Tessie [Tomas] ang napunta sa amin at iyong kapatid namin na goons, napunta sa kanila. Kami doon 'yong pinagkakakuwartahan namin iyong patay. Kuwento ito ng dalawang patay na nagkapalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa itong black comedy, meaning, iyong sitwasyon ang nakakatawa. Walang nagmo-morph ng mukha, walang nagtututumba, walang naghahampasan ng diyaryo. Pero nakakatawa siya dahil sa mga sitwasyon, kahit hindi nagpapatawa ang mga artista.

"Isang road trip movie ito, e. Kasi ang nangyari ay bumiyahe si Ms. Tessie sa Tuguegarao hanggang Matnog, Bicol. Bale dulo ng Luzon sa North at dulo ng Luzon sa South. Para bawiin ang patay na nagkapalit during sa Mahal na Araw at eleksiyon. So, makikita ang kultura ng Pilipinas tuwing Mahal na Araw at eleksiyon. Kaya napakaraming aral na makikita sa pelikulang ito at napakalaki ng tsansa sa foreign market, dahil ito ang gusto ng mga foreign...iyong kultura."

EVEN FOR FREE. So, okay lang bang matawag siyang "ang lalaking walang pahinga"?

Tumawa muna si Mon bago sumagot. Aniya, "Parang ganoon. Kasi to be honest, halos isang linggo na akong nagsu-shoot ng straight, na ang tulog ko ay isa o dalawang oras lang, dahil sa iba-ibang projects. Kaya nag-aalala ako na baka isipin nang sa casting, 'Puro si Mon na lang ba, wala na bang ibang artista? Wala na bang ibang artistang...libre? Puro si Mon na lang?'

"Hindi naman, joke lang 'yon, hindi naman lahat ay libre," bawi niya. "Pero alam naman natin na sa indie ay maliit lang ang talent fee, hindi naman talaga tulad sa mainstream. So, siguro ay isa ako sa madaling pakiusapan pagdating doon."

Kung maganda talaga yung project, kahit libre ay payag ba siya?

"Oo naman," mabilis na sagot ni Mon. "Ako pa nga ang gumagastos kung minsan, abonado pa. Kunwari ako ang artista, wala silang location. 'Ano ang location, bar? O, yung 22nd Street Bar ko, puwede doon. Bahay? O, puwede doon sa bahay ko.' Kasi, naiintindihan natin, e. Ang gusto ko kasi ay umangat, lumaki 'yong pelikula, mabuo 'yong pelikula at magtuloy-tuloy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

YNEZ VENERACION. Sa kabilang banda, nakunan din ng pahayag ng PEP si Mon ukol sa pagkaka-link ngayon ng ex-girlfriend niyang si Ynez Veneracion sa newly-elected Maguindano governor na si Toto Mangudadatu.

"Well, hindi ako masyadong nagko-comment diyan," iwas ng character actor. "Actually, medyo mahirap pumasok sa ganyang usapin at totoo naman na hindi ko alam ang totoong status. Pero nang huling-huling nakausap ko si Ynez, si Governor Mangudadatu iyan ng Maguindanao ay napakabait palang tao. According iyan mismo kay Ynez.

"Ang biro nga ni Ynez ay parang pareho daw kami ng style...na parang pa-gentleman, na hindi masyadong guwapo, pero may dating. Iyong mga ganoong biro. Napaka-maasikaso raw na halos subuan ka na sa pagkain. Iyong tipo ng mga style natin sa pangtsi-chicks na parang Robin Padilla, 'ika nga. So, sabi ni Ynez, pareho raw kami ng style.

"Iyon ang huli kong narinig sa kanya. Maliban doon ay hindi ko alam kung ano ang status nila, kung magkaibigan ba sila o... Pero para sa akin, sakaling may relasyon nga sila, masaya ako, happy ako. Ang importante lang naman doon ay masaya si Ynez. Sabi nga, gentleman si Gov, okay na ako doon. So, natutuwa naman ako. Otherwise naman siguro, hindi naman niya magugustuhan na makipag-usap o makipag-date kung meron o makipag-close, kung hindi okay si Gov."

Baka naman pinagseselos siya ni Ynez?

"Ay hindi, hindi!" bulalas ni Mon. "Sobrang magkaibigan kami ni Ynez, In fact, one of these days ay naka-schedule na mag-dinner o mag-coffee kami ni Gov, kaya lang ay busing-busy, e."

Matagal din ang on-and-off relationship nina Mon at Ynez. Napabalita pa nga noon na magpapakasal na sila, pero ano ba ang nangyari at ngayon ay kay Gov. Mangudadatu na naging malapit si Ynez?

"May mga ganoong biru-biruan [na magpapakasal na]. Pero siyempre kapag ini-interview ako tungkol diyan, lagi kong sinasabi na wala namang permanent, di ba? Kaya hindi ko masasabi, kasi puwedeng okay kami ngayon, tapos bukas ay...mahirap, di ba? Mahirap kasing magsalita ng tapos. At kahit na sinasabi namin na baka mauwi nga sa kasal, tulad ng sinasabi ko ay hindi rin sigurado," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, puwedeng sa bandang huli ay sila pa rin ni Ynez?

"Tama ka riyan," pagsang-ayon niya. "Malay natin, sa kahuli-hulihan ay kami pa rin. Hindi natin kasi masabi, e. Puwede rin 'yong sabi mo na pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN